PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasser Mata at JC Galano sa 'pabakat' pictorial ni Marco

Yasser Mata, feeling "nakahubad" sa sexy underwear pictorial.
by PEP Troika
Published Mar 1, 2023
yasser marta juan carlos galano sexy pictorial
Yasser Mata (kaliwa), may limitasyon sa pagpapa-sexy; Juan Carlos Galano (kanan) "kaya" umanong magpabakat sa sexy pictorials.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Jerry Olea

GORGY RULA

Samu’t saring opinyon ang natanggap ni Kapuso actor Yasser Mata nang lumabas ang underwear pictorial niya ng isang kilalang clothing brand.

Nakatsikahan ng PEP Troika si Yasser sa 18th birthday ni Jillian Ward, na ginanap sa Okada Manila Hotel nung Sabado, February 25, 2023.

Natawa siya nang pinag-usapan namin ang kanyang underwear pictorial, noong panahong yun na hindi pa lumalabas ang "pabakat" pictorial ni Joseph Marco.

Read: Rosanna Roces, Gerald Anderson, Joross Gamboa, Albie Casiño leave naughty posts on Joseph Marco’s “pabakat ni mayor”

Wala naman daw siyang pabakat sa pictorial, pero ang kapansin-pansin doon ay ang pagkawala ng makapal niyang buhok sa dibdib.

Yasser Mata

Medyo naasiwa raw si Yasser nung isinalang siya sa pictorial ng clothing brand dahil nanibago siya sa ginawang pag-ahit ng mga balahibo niya sa katawan.

"Parang ayoko ng masyadong… kasi parang hindi rin ako comfortable ng sobrang clean. Parang feeling ko, nakahubad talaga ako," bulalas ng aktor.

Kung siya ang masusunod, mas gusto niyang hindi sana inahit ang makakapal niyang balahibo, pero iba raw ang plano ng clothing brand sa shoot na iyon.

Nakarating kay Yasser ang feedback ng iba na mas kakaiba raw kung hindi na siya nagpaahit.

"'Parang naging one of those ka na lang,' ang sabi sa akin. Parang nawala yung pagiging unique mo sa ibang mga models, e, di ba?” dagdag niyang pahayag.

Sa susunod niyang pictorial, iri-request na raw niyang huwag siyang ahitan.

"Hindi na siguro yung sobrang linis. Siguro yung may konti-konting may natitira, kasi yun ako, e, yun yung trademark ko, e.

"Pero yun naman, first naman yun sa [underwear brand]. Meron pa namang susunod, ibahin naman natin."

NOEL FERRER

Pagkatapos lumabas ng pictorial, nasalang na raw si Yasser sa medyo daring na roles.

"After nun, siyempre ang mga roles na ibinibigay sa akin, daring na. Lagi nang may sexy, lagi nang may skin, di ba?

"Yung huling ginawa ko, yung Tadhana, na kami ni Max Collins, yung estudyante na na-in love sa teacher.

"Ako, okay naman sa akin, kasi dun naman papunta, e."

Hindi maiwasang may iaalok na daring roles kay Yasser. Handa na ba siyang maghubad?

"Hanggang sa brief. Pagkatapos nun, hindi na. Wala na kung anu-ano pa," sagot niya.

Pero kung maganda ang project at ilalaban sa international filmfest, okay kayang ibaba na ang brief?

"Kung pam-festival, why not?" mabilis na sagot ng aktor.

Sabay sabi, "Hindi ko pa naman naisip yan. Pero kung talagang panlaban at sobrang ganda ng script, ako…

"Yun nga, e. Mahal ko rin yung acting, e. Ayokong mawala yun. Kasi pag naghubad ka, parang yun na lang ang iniisip ng tao, e.

"Hindi ka kinikilalang aktor. Puro ka na lang hubad."

Kasali pa rin si Yasser sa weekly sitcom na Daddy’s Gurl, at isasali na rin daw siya sa Kapuso prime-time series na Mga Lihim ni Urduja.

Sana magmarka ang pagkakasali ni Yasser sa Daddy’s Gurl at Mga Lihim ni Urduja.

JERRY OLEA

Dakilang tunay si Yasser at kung magmamatigas siya sa pa-Felix Bacat, kakabugin niya si Joseph Marco.

Nakatsikahan ko si Yasser noong Agosto 2020 at payag siya noong mag-frontal sa isang project.

Read: Yasser Marta, wala raw dapat ikahiya kapag naghubad sa pelikula

Pero hindi pa yata handa noon ang GMA Artist Center na hayaan siyang maging mapangahas, lalo pa’t magkatambal sila ni Kyline Alcantara sa Kapuso afternoon drama series na Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Siyangapala, ang isa pang dakilang underwear brand model na si Juan Carlos Galano, inurirat ko kung kaya rin niyang magmatigas sa pa-Felix Bacat na photo shoot.

"Kaya naman," pilyong pagngiti sagot ni Juan Carlos sa grand opening ng Limbaga 77-Trinoma nitong Marso 1, Miyerkules.

"Hindi ko lang alam kung kaya ba ni [underwear brand] kung ganun din."

Kailangan bang may erection ang male model sa underwear pictorial? Aba, baka lumampas?!

Sagot niya, "Hindi naman kailangan. Baka lumampas nga daw."

Juan Carlos Galano

May movies nang natapos si Juan Carlos na nasa baul pa, gaya ng Cheat Day nina Alexa Miro at Derrick Monasterio, at After All nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda.

Kasama rin siya sa cast ng pelikulang Will You Be My Ex? na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Diego Loyzaga, sa direksiyon ni Real S. Florido.

Kaibigan ni Direk Real ang owners ng Limbaga 77 restaurant kaya dumalo siya sa grand opening. Naroon din ang mga artista niyang sina Julia, Diego, Juan Carlos, at Debbie Garcia. Present din sa event si Sylvia Sanchez.

Naroon din si Juan Carlos sa Zsazsa Zaturnnah the Musical… ‘Yun Lang!, na itatanghal sa Marso 17-Abril 2 sa Doreen Black Box Theater, Areté, Ateneo de Manila University.

Isa si Juan Carlos sa tatlong magkaka-alternate na Dodong, at may pa-abs siyempre siya sa musical play.

Juan Carlos Galano

If ever, handa ba siyang mag-frontal nudity sa teatro?

Napangiti muli ang hunk actor, "Meron nga, parang pino-propose sa akin na, 'You can do Equus,' ganun.

"Sabi ko, 'Sure! What’s Equus?' 'Nagawa ni Harry Potter yan, ni Daniel Radcliffe.'

"Medyo impulsive ang sagot ko, 'OK sige! What’s Equus all about? Ganun. Sige, I’m G!'

"When I found out about the story, nung sinabi, 'You’ll be having sex with a horse.' Sabi ko, 'OK.'

"It’s a nude play. Medyo kailangang i-ready ko muna ang sarili ko for that."

Read more stories on PEP.ph:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasser Mata (kaliwa), may limitasyon sa pagpapa-sexy; Juan Carlos Galano (kanan) "kaya" umanong magpabakat sa sexy pictorials.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results