PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tito, Vic & Joey, kinakausap ng Net25 para sa isang noontime show?

Major, major ang sinasabing internal changes sa Eat Bulaga...
by PEP Troika
Published Mar 4, 2023
Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon
Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, tuluyan kayang aalis sa Eat Bulaga? Magwatak-watak kaya ang Dabarkads sa gitna ng masalimuot na internal issues sa show?
PHOTO/S: @helenstito Instagram

#EatBulagaWar

GORGY RULA:

Ang dami nang naglalabasang haka-haka tungkol sa mainit na isyu ng Eat Bulaga.

Hanggang sa ngayon ay wala pang nagsalita mula sa mga taong involved sa isyung ito.

Pati ang ilang executives ng GMA-7 ay nagulat sa balita pagkatapos nilang nabasa ang blind item ng PEP Troika.

READ: Long-running show, magkakaroon ng malaking pagbabago sa pag-alis ng isang well-loved personality

Kahit ang ilang Dabarkads ay ayaw na rin munang magsalita nang kinumusta namin kung ano talaga ang nangyari nang pinulong sila nung 3 p.m. ng Martes, Pebrero 28, 2023.

Si Tito Joey de Leon lang ang wala sa meeting.

May ilan kaming nakausap, pero pawang off the record ang mga pahayag.

Ramdam lang namin ang pagkalungkot hindi lang sa kanilang magiging kapalaran sa Eat Bulaga, kundi mas inaalala nila ang mga staff na damay sa major-major na pagbabago sa noontime show.

Pawang mga speculations pa lamang ang naririnig naming kuwento. Kagaya ng matagal na raw nakaupo sa TAPE, Inc. office ang mga anak ni dating Congressman Romeo Jalosjos Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ilan pang nasagap naming kuwento, may isa pang masalimuot na isyu na may kinalaman sa produksyon ng noontime show.

Hindi naman namin nakausap si Mr. Tony Tuviera.

Ayon sa aming sources, matagal na raw retired si Mr. Tuviera, pero tumatayo pa rin itong consultant ng Eat Bulaga at siya pa ring nasusunod sa programa bago naglabasan ang mga balitang pagbabago sa show.

Ang isa pang narinig ng PEP Troika ay may isang anak daw si Mr. Jalosjos na gustong isama sa mga hosts.

Bali-balitang pinapag-resign ang lahat ng hosts at ire-rehire na lang, pero may kaltas na sa kanilang original talent fee.

Pero ang narinig naming kuwento sa aming sources, sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Allan K lang ang gustong i-retain sa show.

Si dating Senate President Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey—na kilala bilang triumvirate TVJ—ang original hosts ng Eat Bulaga, na 43 taon nang umeere sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang latest na nakarating sa PEP Troika, may pag-uusap na raw ang taga-NET25 kina Tito, Vic, at Joey para sa isang noontime show.

Ito na kaya ang ibig sabihin ng nakabalandra sa billboard ng NET25 na nasa kanila na ang Tito, Vic and Joey? Si Mr. Tony Tuviera kaya ang producer nito?

Nag-text kami sa presidente ng NET25 na si Ka Caesar Vallejos, pero wala pa kaming natatanggap na sagot.

Nananatiling bukas ang PEP Troika at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

JERRY OLEA:

Of course, okay lang kina Maine Mendoza at Pauleen Luna na matanggal bilang hosts ng Eat Bulaga.

Nahihiwatigan nating nalalapit na ang pagpapakasal ni Maine kay Cong. Arjo Atayde.

Si Pauleen naman, andiyan ang kanyang mag-ama na sina Vic Sotto at Thalita; at meron silang programa sa NET25.

Totoo ba ang tsismis na malapit na ring mamaalam ang Daddy's Gurl? Hanggang Mayo na lang daw ito sa GMA?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi ko mawari na magwawatak-watak ang Dabarkads. All for one, one for all sila, di ba?!

Abang-abang tayo sa mga susunod na kabanata.

Nothing is permanent except change. Indeed, nothing lasts forever. Dapat talaga, careful-careful sa mga rebranding.

Andiyan pa ang mga kasabihan eme, “Naghangad ng kagitna, sansalop ang nawala.” “Don’t kill the goose that lays the golden eggs.” “If it ain’t broken, don’t fix it.”

NOEL FERRER:

Sa puntong ito, we’ll take the backseat and just see things unfold sa ating nakasanayang noontime show.

Bilang manager ng isa sa mga host doon, mas mainam na ingatan na muna ang kapakanan ng mga taong nandoon pa at nagpapatuloy na itaguyod ang programa ngayon lalo na iyung mga loyal na staff ng programa. Iyun lang.

Next issue na lang please…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, tuluyan kayang aalis sa Eat Bulaga? Magwatak-watak kaya ang Dabarkads sa gitna ng masalimuot na internal issues sa show?
PHOTO/S: @helenstito Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results