PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

EB Hosts & Staff Status: Holy Week Update

To resign, or not to resign, that is the question.
by PEP Troika
Published Mar 5, 2023
Eat Bulaga war
Mga hosts at staff ng Eat Bulaga na sinibukang kausapin ng PEP Troika, pawang tikom ang mga bibig sa internal issue sa long-running noontime show. Dabarkads, nasusubok ang paninindigang "all for one, one for all." Ang mga nasa back row ay sina (L-R) Allan K, Pauleen Luna, Miles Ocampo, Joey de Leon, Vic Sotto, Tito Sotto, Maine Mendoza, at Maja Salvador. Nasa front row (L-R) sina Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, at Wally Bayola.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

#EatBulagaWar

GORGY RULA:

May ilang Dabarkads ang kinulit ng PEP Troika para hingan ng pahayag sa mainit na isyung pinag-uusapan tungkol sa Eat Bulaga!, pero lahat sila ay tumanggi.

May ilan ding mga taong involved sa produksyon ang nakaka-text namin, pero nakiusap na huwag na lang silang interbyuhin. Hindi raw nila alam kung ano ang mangyayari.

Parang floating daw silang lahat ngayon. Kaya wala rin silang maisasagot.

May ilang co-hosts ang hiningan din namin ng statement, pero “Huwag muna,” ang sagot sa amin.

Tinanong ko na rin si Pauleen Luna kung bakit hindi siya ngayon napapanood sa Eat Bulaga!, iyun pala ay naka-leave siya. Nakiusap siyang huwag na lang munang isulat kung bakit siya naka-leave.

Pero tumama lang na nasa kainitan ng isyung ito saka nag-file ng leave si Pauleen sa noontime show. Kaya wala raw siyang alam kung ano na talaga ang nangyayari.

Ayaw na lang daw niyang magpaka-stress dahil on leave nga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, live nitong Marso 4, Sabado, ang Eat Bulaga dahil grand finals ng kanilang "Little Miss Diva."

Kumpleto pa sina Tito, Vic and Joey, kaya walang ipinalabas na taped segments.

May ilang segments palang nai-tape na nila kaya nagagamit na nila ngayon, dahil hindi naman kumpleto ang buong Dabarkads.

Nung Biyernes, March 3, kung saan pinagdiwang ang kaarawan ni Maine Mendoza, ang first two segments lang ang live.

Ito iyung binati si Maine sa kanyang kaarawan at ang "Pinoy Henyo" na mga fans niya ang naglaro. Ang ibang segments ay nai-tape na.

Kaya kapansin-pansin na ang mga susunod na segments ay hindi na nakikita sa studio ang napakadaming birthday cake ni Maine.

Nagti-tape na pala sila ng mga segments, na taun-taon naman nila ginagawa para sa mahaba-habang bakasyon nila pag dumadating ang Semana Santa.

Hindi lang natin tiyak kung ang buong Dabarkads pa rin ba ang mapapanood natin bago ang Holy Week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related stories:

JERRY OLEA:

Napabuntong-hininga na lang ako sa kumalat na art card na kesyo Wow Bulaga ang kapalit ng Eat Bulaga, kung saan main host eme si Willie Revillame at kasama roon sina Allan K, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Wow Bulaga, Willie Revillame

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"All for one, one for all" ang Dabarkads, di ba, kagaya ng Three Musketeers?!

Kaya ang ganyang laglagan ay hindi kapani-paniwala, lalo pa’t consultant si Willie sa ALLTV (ang bagong Channel 2).

Nakalutang pa sa alanganin ang status ng hosts at staff ng Eat Bulaga. To resign or not to resign, that is the question.

May benefits ba kapag nag-resign?! Masalimuot ang usaping ito, at hindi pera-pera lang. May kontratang dapat isaalang-alang.

Nasa ere pa kaya ang Eat Bulaga! pagsapit ng ika-44 anibersaryo nila sa Hulyo 30?

Abang-abang kung magre-remote telecast sila sa Dakak Park and Beach Resort!

NOEL FERRER:

Kaya magandang tingnan sa mga lumalabas na mga balita, mas paniniwalaan natin iyung walang personal stake sa issue.

At iyung walang pino-promote na interes para mapabilang sa susunod na moves ng kanilang pamunuan.

Paanong napasama si Willie Revillame? At bakit sa GMA-7 na iniwan niyang dati niyang tahanan? Parang di naman kapani-paniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkainteres din kung sino si Soraya Jalosjos, na batay sa mga naunang nasulat na reports ay puwedeng maging isa sa mga isinusulong na bagong hosts.

Naalala tuloy namin si Lourna Pa—na maybahay ni Romy Jalosjos—na siyang nagpasikat ng kantang "Save The Trees" na naging bookends ng Eat Bulaga noon.

Tandang-tanda ito ng isang kasamahan natin sa industriya na masayang pine-perform ang mga linyang, “So let it be / Let’s not harm the tree / Let it be / Because you see / That is the Lord’s decree / The tree was meant to be God’s gift for you and me / So save the tree It’s God’s to humanity.”

Naalala ba ninyo iyun? Babalik din kaya iyun?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga hosts at staff ng Eat Bulaga na sinibukang kausapin ng PEP Troika, pawang tikom ang mga bibig sa internal issue sa long-running noontime show. Dabarkads, nasusubok ang paninindigang "all for one, one for all." Ang mga nasa back row ay sina (L-R) Allan K, Pauleen Luna, Miles Ocampo, Joey de Leon, Vic Sotto, Tito Sotto, Maine Mendoza, at Maja Salvador. Nasa front row (L-R) sina Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, at Wally Bayola.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results