JERRY OLEA
Tatlong unit ng Star Creatives ang nagti-taping para sa teleseryeng The Iron Heart sa Cebu. Minsan, umiikot ang bidang si Richard Gutierrez sa tatlong unit.
Sa taping noong Marso 5, Linggo ay kasama si Richard sa lahat ng eksenang kinunan, kaya ang biruan ay “birthday” niya noong araw na iyon.
“Nakakapagod siya physically, yes!” bulalas ni Richard sa taping noong Marso 6, 2023, Lunes, sa Doctora Macrina Hills, Cebu-Balamban-Transcentra Road, Cebu City.
“But I love what I’m doing. And I love the show. So kahit nakakapagod siya, OK lang. I’m still giving my best.
“Tatlo yung units namin. May ibang araw na iniikot ko yung tatlong units, kinukumusta ko lahat ng mga tao sa bawa’t unit. But that’s part of the job. And I’m enjoying it.”
Na-miss ba niya iyong ganoon siya ka-busy sa trabaho?
“Ahhmm alam mo nga, nung nagsisimula yung The Iron Heart, parang na-realize ko, parang ‘OK… OK…’
“Naalala ko na yung work load ng isang teleserye. So it was a good reminder for me na OK, you have to work hard, it takes a lot of hours and sacrifices.
“But that’s what it takes especially if it’s a good show, a nice quality show.”
Naiintindihan ng asawa niyang si Sarah Lahbati at dalawang anak nilang sina Zion at Kai ang kanyang trabaho. Nag-a-adjust ang kanyang pamilya, na almost every weekend ay lumilipad pa-Cebu para makapiling ang 39-anyos na Kapamilya actor.
Kuwento pa ni Richard, “Lagi silang nanonood ng The Iron Heart. Minsan, pag hindi ko napapanood yung episode, nauuna pa silang makapanood sa akin. Especially Zion.
“Talagang hooked na hooked sila sa Iron Heart. They watch every night. So, sila yung number one critic ko din.
“And sabi ko sa kanila — they tell me kasi the honest truth — like, anong puwede kong i-improve, anong puwedeng i-improve ng show.”
GORGY RULA
Nung nakausap namin si Richard Gutierrez nung nakaraang buwan, ikinuwento rin nitong kapag nami-miss niya ang kanyang asawa at dalawang anak, pinapalipad niya ang mga ito sa Cebu.
Nae-enjoy naman daw ng mga anak niya, lalo na si Zion.
“Binibisita nila ako minsan. Siyempre, pag matagal na hindi ko sila nakikita, pinapapunta ko sila dun.
“Si Zion, ayaw niyang umalis. Gusto niya talagang mag-stay dun sa set,” pahayag ni Richard.
Gumagaan daw ang trabaho niya kapag kasama niya si Sarah at ang dalawa nilang anak.
“Lahat, binibigay ko para sa mga anak. Parang sila yung highest priority ko.
“Kaya pag wala ako sa bahay nang matagal, papaliparin ko sila sa Cebu. Kahit weekend lang pupunta sila dun para makita ko sila,” sabi pa ng Kapamilya actor.
Happy na ang mag-asawang Richard at Sarah kina Zion at Kai, pero wish nilang magka-baby girl. Natatawa ngang ikinukuwento ng aktor na nagre-research na raw si Sarah kung paano magka-baby girl.
“Alam mo, nag-research kami kung paano magkaroon ng baby girl. Ang daming mga ano, parang mga techniques or what.
“Pero sa research namin, at the end, hindi pa rin siya guaranteed na magiging girl. Only God knows!” napapangiti niyang pahayag.
Hinahayaan na lang daw niya si Sarah na mag-research pa dahil parang naniniwala raw ito.
“Ewan ko, e. Hindi ko alam, e. Ita-try pa lang namin. Hindi naman 100 percent, e,” dagdag ni Richard.
NOEL FERRER
Extended ang The Iron Heart!
“Yes, so good news. Extended ang The Iron Heart. Sa lahat ng mga sumusubaybay, sa lahat ng mga audience namin, talagang tumatangkilik sa Iron Heart, good news po. Extended po ang The Iron Heart,” sabi ni Richard.
“Maraming salamat sa lahat ng nagtu-tweet, sa lahat ng mga nagko-comment, sa lahat ng mga nagre-repost sa social media, thank you so much.
“Kinakailangan po namin talaga ang suporta at tulong ng lahat ng mga netizens natin sa social media para ma-promote lalo ang The Iron Heart, and spread the word about The Iron Heart.”
At katulad ng mga bagay na ine-extend, sana talaga ay lalo pang gaganda ito, at maging kasim-phenomenal ng FPJ’s Ang Probinsyano at FPJ’s Batang Quiapo. Sana.
