JERRY OLEA
Nagkakatulungang umangat sina Elijah Canlas at Miles Ocampo. Hindi sila kagaya ng ibang magsyota sa showbiz na naghihilahan pababa.
“Happy po kami sa ganung klaseng relationship,” pagngiti ni Elijah nang makatsikahan namin noong Pebrero 28 sa penthouse ng Privato Hotel, Sct. Castor St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.
“Masaya lang. Masayang-masaya lang, and especially kung nagtutulungan kayo sa trabaho.
“Kasi nobody knows our job more than each other, e. Kasi we’re both actors, we’re both artists.
“And siya, mas nandun siya sa mainstream side, yung nae-experience niya her whole life. Ako naman, nandun sa art side, sa indie side.
“So siya, gusto niyang i-explore ang indie. Ako, gusto kong i-explore yung mainstream. So, nagtutulungan po kami.”
Alin ang mas priority nila: yung kani-kanyang career, o yung relationship nila?
Natigilan sandali si Elijah bago sumagot, “Happiness. Happiness ang priority po namin lagi para sa isa’t isa.
“Kung saan kami masaya. And right now, masaya kami sa isa’t isa. Masaya kami sa trabaho namin. So sakto, balanced na balanced lahat.”
Nagkakatampuhan din sila?
“Opo, siyempre,” mabilis na tugon ng premyadong aktor.
Sino ang madalas mag-sorry para magkabati sila at maayos ang gusot? Ano ang worst nilang tampuhan?
“Ako po ang nagsu-sorry lagi. Ha! Ha! Ha! Pero siguro yung sa LiveScream po. First project ko po kasi yun na we were together na may scene ako like that, na ganun ka-intense,” sabi ni Elijah.
Maalab ang jacuzzi scene ni Elijah with Katrina Dovey sa pelikulang LiveScream, na matutunghayan sa Vivamax Plus.
Pagpapatuloy ni Elijah, “Ahh siguro nanibago siya. Kasi she’s never had a partner before, especially a partner like me na game na game kahit anong gawin.
“Medyo nagselos siya. But nung ginagawa ko na yun… yung selos po niya came before the project, you know.
“Kasi she had me prepare for it, e. So habang tinutulungan niya akong mag-prepare, ‘Eto, kailangan ba itong eksena na ito?’
“Pero siyempre, wala siyang magagawa dun. Wala na siyang magagawa.”
Baka naman pati kay Kokoy de Santos na partner niya sa Pinoy BL series na Gameboys ay nagselos si Miles?!
“Kay Kokoy, walang pagseselos. Siyempre kasi, alam niya naman po na we’re just playing characters,” natatawang sabi ni Elijah.
“And me and Kokoy are the best of friends kaya wala pong pagseselos. Pero siyempre, nanibago lang siya sa aspect na yun sa LiveScream na may partner siya na artista, na matapang honestly, kaya nagulat siguro siya.”
Ano ang nagustuhan niya kay Miles? Yung pagiging conservative nito?
“Hindi lang po sa conservative, e. I feel like all the good adjectives, pasok sa katauhan niya,” saad ni Elijah.
“Pasok sa katauhan niya, and she has a lot to learn pa. And I have a lot to learn from her.
“Pasok lang din yung mga love languages namin. Tina-try talaga naming mabigyan ng oras ang isa’t isa.
“And ako po talaga yung type na tao na I don’t get into a relationship if I don’t think it would last, if I don’t think it’s the endgame, you know?
“Ayokong mag-aksaya ng oras sa ganun. Kung ganun lang po, e di mag-date-date na lang ako.”
Siyanga pala, bida sina Elijah at Romnick Sarmenta sa pelikulang About Us But Not About Us, na isa sa walong official entries ng 1st Summer MMFF (Abril 8-18, 2023).
NOEL FERRER
Nagkatrabaho sina Elijah at Miles for the first time sa TV5 series na Paano Ang Pangako? (2021).
“Tuwang-tuwa ako dahil nagalingan ako sa kanya. Honestly, nagalingan ho ako,” kuwento ni Elijah.
“Loveteam po kami dun. Pero wala pa nga siyang kuwenta kausap noon. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Sinasabi ko lagi, wala siyang kuwenta kausap.
“Kasi hindi siya nakikipag-usap. May sarili siyang mundo. And sakto, ako din po, medyo ganun din.
“Pero pag tina-try ko siyang kausapin, nakikipag-usap naman. ‘Tapos ayun, nauwi na sa text-text.
“Ako, in denial pa ako dati, ‘Wala akong gusto diyan!’ Kasi ayoko pong nagkakagusto sa mga nakakatrabaho ko. I want to keep it professional talaga.”
Nagkagustuhan sila matapos ang TV series nila?
“Nung nagkatrabaho kami… may mga konti na. Pero nagsimula na lang po after. After na talaga the show,” pagtatapat ni Elijah.
“Then I made the move.”
May this season still be Elijah’s season! Sa magandang feedback ng kanyang pelikula, hindi malayong umani na naman siya at ang kanyang katambal na si Romnick Sarmenta ng papuri rito.
Pero sana, kumita rin!
GORGY RULA
Anong topic ang nag-break ng ice sa pagitan nila ni Miles?
“Music. Na-mention ko sa kanya na I collect vinyl records. 'Tapos siya, gusto rin daw niyang mag-collect,” lahad ni Elijah.
“'Tapos, niregaluhan ko siya ng walkman saka ng casette tapes.”
Mahilig silang magkantahan pag magkasama?
“Sa kotse lang po pag kaming dalawa lang. Hindi kami maingay pag nasa labas po kami. Tahimik lang.”
Paano ang dynamics nila? Cool lang?
“Medyo cool, parang same lang naman po. Same lang naman yung ano namin sa isa’t isa.
“Everytime we have free time, we call each other, we text each other. Ganun lang po yun. Do your part lang din.”
Hindi lumilipas ang isang araw na hindi sila nagte-text o tumatawag sa isa’t isa?
“Opo. Hindi puwede dahil malulungkot ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! E, di malulungkot din siya. Ganun lang po.
“I mean, wala naman kaming usapan na kailangan, everyday, may text, may tawag. Kusa lang po na nangyari.
“Lagi kaming nag-uusap hanggang ngayon. Magdadalawang taon na po kami pero meron pa ring, ‘Good morning,’ ganyan.”
Anong sikreto at magtu-two years na ang kanilang relasyon?
“Kalma lang. Relax lang po. Yun lang lagi, parang… no pressure. I mean, ako, I’m the type na yeah, I get into a relationship and I make it serious because I don’t wanna waste time.
“But at the same time, I don’t put any pressure on my girl you know, my partner. And I just try to make her happy all the time.
“And she does the same for me,” sabi pa ni Elijah.
