PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jason Hernandez, simple at tahimik ang pamumuhay sa El Nido, Palawan

Jason on breakup with Moira: "Nagkamali naman talaga ako. I deserve it."
by PEP Troika
Published Mar 12, 2023
Jason Fernandez
Jason Hernandez, dedma lang sa mga bashers mula noong nag-breakup sila ng kanyang asawang si Moira dela Torre: “Hindi ko sila masisisi, kasi they know one side of the story. Hindi rin ako magsasalita. Gets ko naman yung narrative na mukhang akong masama. Okay lang yun. I’d rather be private.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nakorner ng ilang entertainment press ang estranged husband ni Moira dela Torre na si Jason Marvin Hernandez sa media launch ng bagong drama series ng GMA Public Affairs at VIU na The Write One.

Ginanap ang naturang media launch sa Admiral Hotel nung Sabado, March 11. Si Jason ang gumawa at kumanta ng theme song nito na pinamagatang "Oras."

Kinanta niya ito bago ipinalabas ang first two episodes ng naturang drama series. Bago siya kumanta, sandali naming siyang nakapanayam, kahit hindi siya kumportableng sagutin ang ilang katanungan tungkol sa kanila ni Moira.

Nung pumutok ang balitang hiwalayan, hindi na nagsalita si Jason. Pumunta raw siya sa El Nido, Palawan at doon siya nagpahinga, dahil meron siyang konting negosyo roon.

Maituturing ngang doon muna siya nakatira, at lumuluwas lang siya ng Maynila kapag may trabaho.

“Pumunta ako dun. Dapat vacation lang. Now I’m staying for the last seven months. ‘Tapos, ang dami kong naging tropa dun, dami kong naging kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dun ko na-realize na you don’t need a lot of things pala para maging masaya. Limang T-shirts, dalawang shorts, apat na brief, okay na. Ang saya! Sobrang saya.

“Gets ko si Kuya John Lloyd [Cruz] kung bakit siya lumipat dun. Sobrang simple,” pahayag ni Jason na maingat ang mga sagot kapag patungo na sa isyu nila ni Moira ang mga tanong.

“Ngayon, alam ko na yung importante sa buhay. Just friends, family, di ba? It’s all good. I’m good. Walang bitterness, walang ano. Pero gets ko naman na nasaktan siya.

“I think emotionally, I’m okay na, e. Siyempre sa simula, masakit, pero okay na. Like now, mas focus lang talaga ako sa family ko, sa business, sa friends,” dagdag niyang pahayag.

Tinanong na rin namin si Jason kung ano ang reaksyon niya na obvious na siya ang tinutukoy sa ilang mga patutsada ni Moira sa ilang concerts nito.

May mga hugot minsan si Moira na obvious na tumutukoy ito sa isyu nilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw na lang daw niyang mag-react dahil aminado siyang nagkamali siya.

“Honestly, tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako. I deserve it,” tipid na sagot ni Jason.

“May mga details lang na iba, pero okay lang yun. Ganun kasi ako, e. Never niyo maririnig na gaganti ako.

“Naniniwala kasi na si God na bahala sa kanya. Siya na yung mag-aano. I really don’t need to defend…” dagdag na pahayag ni Jason.

Maganda ang kantang "Oras" na ginamit sa The Write One na pinagbidahan nina Ruru Madrid at Bianca Umali. Magsisimula na ito sa GMA Telebabad sa March 20, at sa March 18 naman magsisimula sa VIU.

NOEL FERRER

Nung kainitan ng isyu, may ilang bashing na nabasa niya, pero hindi na lang niya sinagot.

“For me kasi, hindi ako affected kasi hindi ko sila kilala, e. Never ako sumagot. Hindi ko sila masisisi, kasi they know one side of the story.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ako, hindi rin ako magsasalita. Gets ko naman yung narrative na mukhang akong masama. Okay lang yun.

“Ako kasi, hindi ako… I’d rather be private,” pahayag ni Jason.

JERRY OLEA

Ang laki na rin ng ipinayat ni Jason dahil wala siyang ginagawa roon sa Palawan kundi tumakbo, at may konting negosyo siya roon na kung saan siya raw minsan ang namamalengke doon at tumutulong din sa pagtitinda ng lugaw malapit sa airport.

Jason Hernandez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala raw nabago sa kanya kundi mas naging simple lang siya ngayon.

“Same pa rin naman. Ako, ang mga friends ko nung high school ako, sila pa rin yung tropa ko hanggang ngayon. Hindi nagbago.

“Nasa Araneta ako, tumutugtog, may sold out concert, or nagbebenta ng lugaw sa airport, the same lang.

“I think, I’m not the new Jason, pero I’m much stronger. Mas matured. Mas natuto na.”

Hiningan din namin ng reaksyon si Jason sa laki ng ipinayat ngayon ni Moira.

“I’m super happy for her.”

Wala raw silang komunikasyon ni Moira sa ngayon.

“May mga kailangan na transactions pero hanggang doon na lang.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Hernandez, dedma lang sa mga bashers mula noong nag-breakup sila ng kanyang asawang si Moira dela Torre: “Hindi ko sila masisisi, kasi they know one side of the story. Hindi rin ako magsasalita. Gets ko naman yung narrative na mukhang akong masama. Okay lang yun. I’d rather be private.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results