PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eat Bulaga relaunching, nakatakda sa April 17?

Dabarkads, tikom pa rin ang mga bibig tungkol sa nababalitang reformat
by PEP Troika
Published Mar 12, 2023
Eat Bulaga Dabarkads Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon
Totoo nga kaya ang nababalitang relaunching ng Eat Bulaga sa April 17? Dahil nakatakda na rin ang press conference nila sa April 15, malalaman na rin ng loyal viewers ang kapalaran ng Eat Bulaga hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (photo) at ng kanilang Dabarkads.
PHOTO/S: Screengrab from Eat Bulaga!

GORGY RULA

Ang latest na nasagap ng PEP Troika tungkol sa Eat Bulaga, nakatakda na raw ang relaunching nito sa Abril 17.

Kaya siguro magkakaroon ng press conference sa April 15.

Hanggang ngayon ay pawang haka-haka pa lamang ang nasasagap namin dahil ayaw pa rin munang magsalita ng mga Dabarkads kaugnay rito.

Hindi raw magsasalita sina Tito, Vic and Joey, pero ang interpretasyon ng ilang taong malapit sa kanila na napagtanungan namin, tila ready to go na raw sila kung walang offer sa kanila ang mga bagong namamahala sa programa.

Wala pang may nagkumpirma mula sa kanila kung totoo bang sina Jose Manalo, Wally Bayola at Allan K ang gusto lang nilang i-retain.

Totoo kayang may offer na sa kanila mula sa kampo ni Mr. Romy Jalosjos?

Totoo bang may isang dating kasamahan nila sa Bulaga ang namagitan at nakipag-usap na tanggapin na ang offer?

Wala akong contact kina Jose at Wally, pero ilang beses ko ring tinext si Allan K kung puwede naming makapanayam pero “Wag muna” ang sagot sa amin, na naintindihan naman namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dinig pa namin, may ipi-pitch na raw ang Sparkle ng GMA-7 na mga talents nila na posibleng kuning regular host ng naturang programa.

Pero gusto na raw nila si Alden Richards ang isa sa poste nito.

Sabi naman ng management team ni Alden, hindi pa raw muna siya regular. Pero kapag libre ang schedule niya ay puwede siya sa naturang programa.

Ang isa pang pangalang lumulutang na maaring kunin para sa bagong Eat Bulaga ay si Kim Atienza.

Puwede kaya siya, Sir Noel Ferrer? Paano ang TikToClock na pre-programming ng Eat Bulaga?

Papayag kaya ang GMA-7 na pakawalan si Kuya Kim para mag-Eat Bulaga?

NOEL FERRER

Nang madaanan namin ni Kuya Kim ang usapin hinggil dito, isa lang ang nasabi namin… paano kaya?

Sa ngayon, tatlo na ang daily shows ni Kuya Kim sa GMA 7 — ang 24 Oras, ang Dapat Alam Mo at ang TikToClock na pre-preprogramming ng Eat Bulaga na produced mismo ng GMA na nagre-rate at maganda rin ang commercial load.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maganda naman ang kinalalagyan ni Kuya Kim ngayon. He is very grateful for the breaks that GMA 7 has been giving him, at nabibiyayaan naman siya sa kanyang hard work at mabuting pakikisama.

JERRY OLEA

“Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan.”

Malabo o masalimuot pa sa ngayon ang mga bagay-bagay kaugnay sa Eat Bulaga. Ang malinaw lang, change is coming. Hindi mapipigilan, hindi maaawat ang pagbabago.

Andaming tanong na naglalaro sa ating diwa.

Ano kaya kung i-absorb ng Eat Bulaga ang tropapips sa TikToClock na sina Kuya Kim, Rabiya Mateo at Pokwang?

Mas matimbang ba kina Jose, Wally at Allan K ang loyalty?

Deserve ba nina Tito, Vic & Joey ang ganitong trato sa kanila? Noong nagsisimula pa lamang ang Eat Bulaga 43 years ago, halos wala pang suweldo ang TVJ para maitawid lang ang programa.

Paano ang retirement fee? Mababayaran kaya ang mga utang na talent fees?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano ang mga staff at ilang Dabarkads na hindi na kukunin? May retirement fee ba sila?

Hopefully, masasagot ang mga ito bago ang sinasabing rebranded Eat Bulaga sa Abril 17!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Totoo nga kaya ang nababalitang relaunching ng Eat Bulaga sa April 17? Dahil nakatakda na rin ang press conference nila sa April 15, malalaman na rin ng loyal viewers ang kapalaran ng Eat Bulaga hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (photo) at ng kanilang Dabarkads.
PHOTO/S: Screengrab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results