PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2022 Films & Walang KaParis on Prime

MMFF 2022 too-grosser Deleter, nangunguna sa Prime Video.
by PEP Troika
Published Mar 23, 2023
walang kaparis
Walang KaParis, the second movie of AlEmpoy, the love team of Alessandra de Rossi and Empoy Marquez, is now available for streaming on Prime Video.

JERRY OLEA

Nagpapakilig na sa Prime Video umpisa ngayong Marso 23, 2023, Huwebes, ang reunion movie nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez na Walang KaParis.

Gaya ng Kita Kita (2017), isinulat at idinirek ito ni Sigrid Andrea Bernardo.

Kung ang Kita Kita ay kinunan sa Sapporo, Japan, ito namang Walang KaParis ay nagsyuting sa Paris, France at Baguio City, Philippines.

Read: Walang KaParis, second movie of AlEmpoy loveteam, inspired by Kita Kita

May kinalaman ang ulam na pares kaya nag-location sa Paris ang Walang KaParis.

Pero bakit sa Baguio City ang local place na pinagsyutingan? Bakit hindi sa Kawit, Antipolo, Malolos, Nagcarlan, Manaoag, Pagudpud, Aparri o kung saan man sa lupang hinirang?

“Bakit nga ba Baguio? Kasi malamig?!” sambit ni Direk Sigrid nang makachikahan namin matapos ang private screening ng Walang KaParis noong Marso 21, Martes ng gabi, sa Shangri-La EDSA Mall, Mandaluyong City.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi. Kasi, pag romantic place sa Philippines, laging iniisip, Baguio. Ang romantic place naman sa Europe is Paris. So minatch ko na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Swak din sa pelikula ang kantang "Walang Kapalit" ni Rey Valera. Yung refrain, tagos sa pagmamahalan nina Jojo/Joseph (karakter ni Empoy) at Marie/Mary (karakter ni Alessandra):

“At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon/ Na ako ay mahalin mo rin/ Asahan mong 'di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan/ Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin…”

Mahal ba ang rights para magamit ang "Walang Kapalit" sa Walang KaParis?

Mabilis na tugon ni Direk Sigrid, “Yes, mahal! Pero gusto ko talaga na Pinoy naman. Di ba, nung last time, 'Two Less Lonely People'?

“At saka tamang-tama yung kanta talaga sa film. Na kaya mo bang magmahal na wala kang hinihintay na kapalit?”

GORGY RULA

Nangunguna pa rin sa Prime Top 10 in the Philippines ang Deleter ni Nadine Lustre.

Ang horror film na Deleter ang topgrosser sa MMFF 2022, at nagkamit ng awards na best picture, best director, best actress, best cinematography, best editing, best sound, at best visual effects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula Marso 22 hanggang Abril 10, ang MMFF 2022 entry na Nanahimik Ang Gabi ay mapapanood sa iWantTFC.

Available ang iWantTFC sa 200 bansa. Mapapanood ang Nanahimik Ang Gabi sa halagang Php 249 (or its equivalent in local currency). Sa TFC IPTV, mapapanood ito sa halagang USD 4.99 (or its equivalent in local currency).

Ang naturang suspense-thriller ay wagi bilang third best picture, best actor (Ian Veneracion), best supporting actor (Mon Confiado), best musical score, at best production design.

Read: MMFF 2022 Gabi ng Parangal: Nadine Lustre, Ian Veneracion win top acting honors; Deleter bags seven awards

Sa Marso 25, Sabado, ay streaming na sa Netflix ang Partners in Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi, pati ang Labyu With An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Sa takilya ng MMFF 2022 ay pangalawa ang Partners in Crime, pangatlo ang Family Matters, at pang-apat ang Labyu With An Accent.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: MMFF 2022 box office: Deleter naka-P234M; last placer naka-P1.5M lang

Hindi pa man tapos ang first quarter ng 2023, streaming na ang apat na pelikula sa MMFF 2022. Dati, after six months bago mag-streaming ang local movie.

Wala pa tayong balita kung saan at kailan ang streaming if ever ng apat pang pelikula sa MMFF 2022 na Family Matters, My Teacher, Mamasapano: Now It Can Be Told, at My Father, Myself.

Ang Top 10 in the Philippines today sa Prime Video ay Deleter (1); Our Blooming Youth (2); Jinny’s Kitchen (3); Island (4), Ten Little Mistresses (5); Expensive Candy (6); The Good Doctor (7); Mahal Kita, Beksman (8), Ultimate Oppa (9); at The Rings of Power (10).

Lima sa mga iyan ay gawang Pinoy.

Abangan natin kung pupuwesto agad sa Top 10 ng Prime Video ang Walang KaParis ng AlEmpoy.

NOEL FERRER

Nang tanungin ang box-office stars ng Kita Kita na sina Alessandra at Empoy kung bakit hindi na nag-theatrical run ang Walang Kaparis, ang sabi nila, producers call.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasagsagan ng pandemya nang ibenta ang pelikula sa streaming platform na Prime Video.

Mas puwede ba silang kumita sa Prime Video kesa kung mag-sinehan pa? Bakit, dahil ba triple sa budget ang dapat maging kita sa dami ng naghahati sa pelikula — producers, distributors, at sinehan?

Sa bagong streaming na business model, mapapantayan ba nila ang box-office gross?

Papaano? Change of paradigm na ba ito? At end na ba ang era ng mga sinehan?

Paano pa kaya masasalba ito kung mismong box-office hit producers na ang pumipili na ilabas ang pelikula nila sa streaming device?

Hayyyyy, paano na kaya ito? I-enjoy na lang natin na maraming content na available. Pagandahan na lang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang KaParis, the second movie of AlEmpoy, the love team of Alessandra de Rossi and Empoy Marquez, is now available for streaming on Prime Video.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results