JERRY OLEA:
Nanguna agad ang pelikulang Walang Kaparis sa listahan ng Prime Top 10 in the Philippines ngayong Marso 24, Biyernes.
Marso 23, Huwebes, nag-umpisang mag-streaming sa Prime Video ang reunion movie nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.
READ: REVIEW: Alessandra de Rossi, Empoy Marquez turn on the feels, tears in Walang KaParis
Kaparis ng Kita Kita (2017), sinulat at idinirek ito ni Sigrid Andrea Bernardo.
Isang oras at 39 minuto ang running time ng Walang Kaparis, na iprinodyus ng Spring Films at Viva Films.
Ang buod ng pelikula, "Jojo, a Filipino artist in Paris, has had many lovers, but not one of them could fill the chasm in his life occupied by the mysterious muse of his paintings.
"His heart is held captive by this woman with no name, no history. Like a compass, he looks for her in every girl he meets, hoping she’d be ‘the one.’
"One day, a woman named Marie walks up to him and claims to be the subject in his paintings."
Swak sa kuwento ng Walang Kaparis ang awiting "Walang Kapalit" ni Rey Valera, maging ang pinakabantog na obra ng Spanish surrealist painter na si Salvador Dali (1904-1989) na The Persistence of Memory (1931).
Maliban sa Walang Kaparis ay may apat pang pelikulang Pilipino sa Prime Top 10 in the Philippines today — Deleter (Top 2) ni Nadine Lustre; Ten Little Mistresses (Top 6) nina Pokwang, John Arcilla, at Eugene Domingo; Expensive Candy (Top 7) nina Carlo Aquino at Julia Barretto; at Mahal Kita, Beksman (Top 8) nina Christian Bables at Keempee de Leon.
Nasa Prime Video rin ang mga pelikulang Kita Kita ng AlEmpoy; Big Night! ni Christian Bables; Whether the Weather is Fine nina Daniel Padilla at Charo Santos; Wedding Dress ni Cristine Reyes; Ultimate Oppa ni Bela Padilla; at Always nina Kim Chiu at Xian Lim.
Mapapanood din Ang Hupa ni Piolo Pascual; Die Beautiful ni Paolo Ballesteros; How to Love Mr. Heartless nina Sue Ramirez at Diego Loyzaga; Resbak ni Vince Rillon; Woke Up Like This nina Vhong Navarro at Lovi Poe; Seven Sundays nina Aga Muhlach at Ronaldo Valdez, My Ex and Whys ng LizQuen, Day Zero ni Brandon Vera, at Heneral Luna ni John Arcilla.
Nasa Prime Video rin ang KathNiel movies na She’s Dating the Gangster, Barcelona, at Can’t Help Falling in Love; pati ang seryeng One Good Day ni Ian Veneracion.
GORGY RULA:
Sinulat ni Direk Sigrid ang script ng Walang Kaparis noong 2019.
Nagsyuting sila sa Paris, France noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic, kaya malaki-laking bahagi ng production budget ang “kinain” ng safety protocols.
Laganap pa ang pandemya nang ibenta ng producers sa Prime Video streaming platform ang pelikula.
Noong time na iyon ay wala pang kasiguraduhan kung dadagsa na ang moviegoers sa mga sinehan.
Kuwento ni Direk Sigrid sa pakikipagtrabaho niya muli kina Alessandra at Empoy, “Sobra kaming mas relaxed na ngayon because nung sinu-shoot namin ang Kita Kita, noon lang kami nagkakilala, e.
“So nagsisimula pa lang talaga yon. Kung ano man ang nasa script, sinusunod lang nila ako. Tapos dun lumalabas nang konti yung kakulitan nila.
"Dito talaga, sobrang kulit na nila! Medyo kailangan kong i-tone down. Dahil sabi ko kasi, this is a different kind of role.
"Kung mapapansin niyo, mas seryoso, mas mature, mas level up sila, di ba? Dun sa Kita Kita kasi, mas yun ang personality nila.
"Ngayon, iniingatan ko. 'O, hindi naman kayo mag-best friend dito!'"
Ibang-iba ang dynamics ng AlEmpoy sa Walang KaParis kumpara sa Kita Kita. This time, feeling pogi si Empoy!
Pag-ayon ni Direk Sigrid, "Oo, feeling pogi talaga!"
NOEL FERRER:
Ow, congratulations sa Walang Kaparis na nag-No. 1 agad sa Prime Video streaming service.
Mukhang tama ang desisyon ng mga producer na mag-straight to streaming na ang pelikulang ito dahil habang may novelty ang tambalang AlEmpoy.
Medyo kinapos ang materyal na ito to live up to its predecessor na Kita Kita. Iyan ay ayon sa ibang kilala natin sa panulat na nakapanood na nito.
Ako, may nakapila pang ibang pelikula na papanoorin bago ito.
Pero lubos akong nababahala, ano ba ang pinagkaiba ng moviegoing audience sa streaming audience lamang?
Ibig bang sabihin nito na mahirap maging major box-office hit tulad ng Kita Kita itong Walang Kaparis?
Bakit? Ano ang hinahanap ng viewers ngayon? Gusto kong mas maunawaan pa ang choices nila.
May feedback pang mas bongga pa ang Baguio scenes sa pelikulang ito kaysa sa Paris. Oh well, we love our own! Pero whereto na sa AlEmpoy?
More hot stories on PEP.ph:
- Dalawang weekly programs, nanganganib magpaalam sa ere
- Sparkle artist Andrei Sison, 16, dies in car accident
- Yassi Pressman confirms James Reid and Issa Pressman's relationship
- Meet Eat Bulaga! owner Romeo Jalosjos: The power that can shake up Philippine TV
- PEP Scoop: Tropang LOL, magpapaalam na sa ere sa April 29 — sources
