PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bayani Agbayani, thankful at no regrets sa pagpaalam ng Tropang LOL

Bayani, inalok na magbalik-Kapamilya
by PEP Troika
Published Mar 25, 2023
bayani agbayani laughing
Tropang LOL host Bayani Agbayani, thankful at no regrets sa pamamaalam ng show sa ere sa April 29 matapos ang dalawang taon. Aniya, “Para sa akin, nakakahinayang dahil sa maiksing panahon ng Tropang LOL, maayos naman ang rating namin. Pero siyempre, dapat din nating igalang ang desisyon ng network."
PHOTO/S: Tropang LOL Facebook

GORGY RULA

Ayaw na sanang magbigay ng komento ang mga taga-Tropang LOL tungkol sa isyung pagtatapos nito, pero napapag-usapan na rin lang kaya sumagot na si Bayani Agbayani nang hiningan namin ito ng reaksyon.

Tropang LOL

READ: Tropang LOL, magpapaalam na sa ere sa April 29 — sources

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Text niya sa PEP Troika, “Sorry sa late reply. Di ko pa kasi alam kung allowed na kaming mag-comment, e. But since all over the news na naman, magsasalita na ako.

“Para sa akin, nakakahinayang dahil sa maiksing panahon ng Tropang LOL, maayos naman ang rating namin.

“Pero siyempre, dapat din nating igalang ang desisyon ng network, dahil bilang employee, ang employer talaga ang may say sa desisyon ng kanyang negosyo.

“Nagpapasalamat pa din po ako sa TV5, sa opportunity na maging host muli ng isang noontime show. Thank You Lord (3 heart emojis and 3 praying emojis).”

Nagpadala rin kami ng text message kay Alex Gonzaga para hingan ng pahayag at kumustahin na rin ang promo ng pelikula niyang Single Bells, para sa Summer Metro Manila Film Festival, pero hindi pa siya sumasagot.

NOEL FERRER

Hindi pa napapag-usapan ang pagtatapos ng Tropang LOL, inalok na pala si Bayani na magbalik-Kapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakaraang buwan ay nasa I Can See Your Voice na siya. May inaalok din sa kanya na teleserye ng DonBelle loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, pero hindi pa naman daw sisimulan agad.

May magandang show din daw na gustong ibigay sa kanya ng Pie Channel, pero tinanggihan na niya raw niya noon dahil conflict sa taping ng Tropang LOL. Malamang, puwede na niya itong gawin ngayon.

Pero gusto raw muna ng comedian/TV host na magbakasyon kasama ang pamilya. Magbo-Boracay daw sila sa darating na Holy week, at pagkatapos nito ay may naka-schedule pa raw sila ng buong pamilya sa Amerika at Japan.

Maganda rin daw yung mag-break muna nang ilang linggo, para maka-bonding daw niya ang kanyang pamilya.

Kasali rin pala si Bayani sa pelikulang Working Boys 2: Choose Your Papa na magsu-showing na sa mga sinehan sa March 29.

Pero sa mga pagkakataong ganito, mag-aalala tayo sa mga kaibigan nating staff doon na hindi napaghandaan ang ganitong kahihinatnan ng show nila. May adjustment sa sked ng last tapings nila. Pero hangad natin na makahanap sila agad ng trabaho pagkatapos ng LOL.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Kung talentado kang tunay at mahusay makisama, makakahanap at makakahanap ka ng raket sa showbiz.

Kauumpisa pa lang ng Tropang LOL noong Oktubre 2020 ay tinaningan agad ang noontime show ng TV5. Pero hayun at nakadalawang anibersaryo ito.

Iyong fans ni Alex Gonzaga, nawa’y suportahan nang lubos ang entry niya sa Summer MMFF na Single Bells at patunayang hindi siya jinx!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tropang LOL host Bayani Agbayani, thankful at no regrets sa pamamaalam ng show sa ere sa April 29 matapos ang dalawang taon. Aniya, “Para sa akin, nakakahinayang dahil sa maiksing panahon ng Tropang LOL, maayos naman ang rating namin. Pero siyempre, dapat din nating igalang ang desisyon ng network."
PHOTO/S: Tropang LOL Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results