PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Padilla umiiwas magpa-interview tungkol sa personal issues

Unforgettable para kay Dennis ang 1991 movie na "Maging Sino Ka Man"
by PEP Troika
Published Mar 26, 2023
Dennis Padilla
Dennis Padilla, umiiwas munang magpa-interbyu tungkol sa personal issues. Kabilang siya sa star-studded cast ng pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera, na isa sa mga entries sa 2023 Summer MMFF.
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram

JERRY OLEA

Patapos na ang mediacon ng pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera nitong nakaraang Sabado, Marso 25, sa Gloria Maris restaurant ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City nang dumating si Dennis Padilla.

Kakaiba ang format ng movie which is basically a biopic na may pagka-documentary/extended music video ang narrative, na isa-isang tinatalakay ang origin at concept ng ilan sa kanyang sikat na mga awitin.

Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabahagi si Dennis sa kuwento ng kantang "Maging Sino Ka Man," kung saan tampok din sina Rosanna Roces at Ronnie Lazaro.

“Bata pa po ako, talaga pong pinapanood ko na po si Rey Valera,” hirit ni Dennis.

“Anyway, maganda rin naman ang role ko rito dahil yung kanta na aking isinabuhay ay ito yung pelikulang nagbigay sa akin ng pangalan, yung Maging Sino Ka Man.

“Dahil sa movie na Maging Sino Ka Man, ako yung sidekick ni Robin [Padilla] dun, ‘tapos si Sharon yung leading lady. At dun ako nabansagan na Libag.

“Libag ang pangalan ko. ‘Tapos, tamang-tama naman… yun ang pinapelan namin ni Osang. Dahil si Rosanna dito, talagang in love ako sa kanya, kaya lang hindi niya ako pinapansin.

“Gusto kasi niya, may bayad. Yung akin, libre.”

Sa mga kanta ni Rey, ano ang ultimate favorite niya at naging bahagi ng kanyang buhay?

“Yun nga, yung 'Maging Sino Ka Man.' Kasi, very memorable yun hindi lang as a song kundi memorable siya sa career ko!” bulalas ni Dennis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi nung kinausap ako ni Boss Vic [del Rosario], nasa GMA-7 ako nun, sabi niya, ‘Bibigyan kita ng magandang role kasi ang tatay mo, sidekick ni Fernando Poe Jr. Ikaw gagawin kong sidekick ni Robin Padilla.

“’Tapos, nung pumutok yung movie, kasabay na ring pumutok yung pangalan ko. At dahil sa movie na yun, nanalo ako ng Best New Actor sa Star Awards.”

Sa personal, ang gusto raw niyang Rey Valera song ay "Ako Si Superman."

“Ako si Superman pag kasama kita,” pagngiti pa ni Dennis.

Bakit?

“Ahhh, secret!”

Ang tatay ni Dennis na dating sidekick ni FPJ ay si Dencio Padilla.

Ang mega-blockbuster movie na Maging Sino Ka Man (1991) ay idinirek ni Eddie Rodriguez, at nagtampok din kina Edu Manzano at Vina Morales.

Pagkatapos ng mga tanong kay Dennis ay nag-parting shots na ang panelists sa mediacon, na kinabibilangan din nina Rey Valera, RK Bagatsing, Direk Joven Tan, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Eric Nicolas, at Shira Tweg.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ay ang group photo nilang walo. Nilitratuhan munang magkasama sina Rey at RK, pagkatapos ay isa-isa na silang nilitratuhan at inusisa ng follow-up questions.

Hindi na nagpalitrato nang solo si Dennis. Tumalilis na pala siya patungo sa Gateway Cinema 5 Dolby Theatre kung saan ipapalabas ang pelikula.

GORGY RULA

Halatang umiiwas si Dennis Padilla na ma-interview ng hiwalay ng mga entertainment press. Bago ipalabas ang pelikula, nilapitan ko siya sa upuan niya sa loob ng sinehan para interbyuhin.

Kaagad siyang tumanggi.

“Interbyuhin mo ako? Huwag na. Ayaw na ako pa-interbyuhin ni Tita June [Torrejon]. Wag na raw ako magpa-interbyu,” bulalas ni Dennis.

Tungkol lang daw sa movie ang dapat niyang sagutin. Pinapatahimik na raw siya ni June Torrejon na manager niya para wala nang isyu lalo na sa kanyang mga anak.

May ilan akong tanong sa kanya tungkol kay Julia Barretto na sinabi kong off the record naman, pero hindi na siya sumagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung magpu-post man daw siya para batiin ang anak niya, puwede naman daw itong gawin dahil mga anak naman daw niya ito.

NOEL FERRER

Naging fixture na si Dennis Padilla sa mga pelikula ni Direk Joven Tan. Naging mabuting magkaibigan kasi sila.

Tila maramai ring goodwill na naipon si Direk Joven para mag-cameo ang napakaraming big stars para sa kanyang pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera, na isa sa walong official entries ng 1st Summer MMFF.

In fairness, maayos kasing makisama si Direk Joven, at simpleng mabait lang siya na walang pretensyon at mabuting anak din sa kanyang magulang at kapatid.

Sana nga’y tunay na biyayaan ang mga taong mababait sa pamilya. Di ba nga, iyan ang kuwento ng buhay ni Dennis Padilla?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla, umiiwas munang magpa-interbyu tungkol sa personal issues. Kabilang siya sa star-studded cast ng pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera, na isa sa mga entries sa 2023 Summer MMFF.
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results