PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sparkle Teens after Andrei Sison

Andrei Sison, naka-schedule na dapat ang mga guesting sa Kapuso shows.
by PEP Troika
Published Mar 27, 2023
andrei sison sparkle teen
Andrei Sison, the 17-year-old Kapuso actor who died in a car accident on March 24, 2023, was supposed to be one of the members of the Sparkle Teens, 10 boys and 10 girls, who will be launched into stardom by GMA-7.

GORGY RULA

Ang unang napag-usapan sa Sparkle GMA Artist Center, i-move na ang launching ng Sparkle Teens dahil sa nangyari sa kanilang talent na si Andrei Sison.

Pumanaw si Andrei, 17, dahil sa car accident na nangyari sa may Commonwealth Avenue, Quezon City, noong Biyernes ng madaling-araw, March 24, 2023.

Read: Sparkle artist Andrei Sison, 17, dies in car accident

Pero ang latest na nasagap ng PEP Troika, itutuloy na raw ang launching ng Sparkle Teens.

Nai-tape na sa All-Out Sundays ang segment ng kanilang launching, at kasama pa roon ang namayapang si Andrei.

Pinag-uusapan daw nila ngayon kung ano ang gagawin ang segment na yun. Maaaring mag-reshoot, at bigyan ng tribute si Andrei. Pero wala pa raw final.

Ang tiniyak lang ng taga-Sparkle sa amin na tuloy ang launching ng Sparkle Teens na binubuo ng sampung boys at sampung girls na mga kabataang edad 14 hanggang 18.

Hindi pa raw nila masabi sa ngayon kung may nahanap na silang ipalit kay Andrei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago nangyari ang car accident, nakapag-tape pa si Andrei sa TiktoClock. Nakatakda rin sana siyang mag-tape sa Family Feud ngayong linggo.

Tuluy-tuloy na ang mga guesting ng Sparkle Teens dahil kailangan na ito para sa launching nila.

JERRY OLEA

Lubos ang pighati ng talent manager na si Manny Valera sa pagpanaw ni Andrei.

Facebook post ni Manny noong isang araw: “Cant help but cry for my talent ANDREI SISON’s sudden passing. Those moments where we dreamed about a successful journey in showbiz. He said he is ready to focus, train and give it all to make a mark.

“Pangarap nyang makabili ng bahay para sa kanila ng tatay nya Marco Salvador) at mabigyan ng magandang buhay.

“Go and join the angels in heaven, Andrei! God only knows why u left us at a very young age of 17. Have a safe flight to eternal peace!”

NOEL FERRER

Habang nakikidalamhati tayo sa nangyari kay Andrei, nananalangin tayo na sana ay wala nang ganoong mga pangyayari na maglalagay sa alanganin ng buhay ng tao, lalo pa’t napakabata pa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dapat lang naman ituloy ang paglulunsad ng Sparkle Teens. At sana, may mga platforms na puwedeng sumalo sa kanila para maipakita ang kanilang kakayahan at hindi nakatengga lang.

Wait and see tayo kung sinu-sino ang ipapakilalang talents na ito. Sana, tunay na may talent at sparkle talaga!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrei Sison, the 17-year-old Kapuso actor who died in a car accident on March 24, 2023, was supposed to be one of the members of the Sparkle Teens, 10 boys and 10 girls, who will be launched into stardom by GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results