GORGY RULA
May pinapahulaan ang isang solid source ng PEP Troika.
Alam daw ba namin kung ano ang latest chika sa mestisang aktres na matagal-tagal nang hiwalay sa matagal niyang nakarelasyon.
Na-link na ang mestisang aktres sa ibang non-showbiz guys, pero girl daw ang bago nitong karelasyon. Hindi lang daw sila sure kung seryoso ang relasyon.
Baka naman daw fling-fling lang, kagaya ng ibang babae na gusto lang nilang maka-experience ng kapwa girl.
Sa totoo lang, iba na ang ibang kabataang girls ngayon. Kung hindi man sila gender fluid, parang exciting sa kanila ang maka-experience sa kapwa girl.
Ang iba ay hindi sure kung ano ba talaga sila dahil nag-e-enjoy raw sila kung girl ang karelasyon nila.
Ilang Vivamax girls nga ang nakatsikahan namin, at inamin nilang nag-e-enjoy sila sa kapwa girl.
Kagaya ni Micaella Raz ng Vivamax series na Ssshhh, na-curious lang daw siya kaya gusto niyang maka-experience sa kapwa girl.
“Na-attract ako sa mga girls. Siyempre, girls yan, e. Mas okay ako sa mga girls, kesa sa mga guys.
“Kapag makipagkaibigan o makipag-usap ganun. Pero relationship, feel ko, hindi ako makipag-ano sa girls.
“Fling lang. Nag-experiment lang ako. Kakaiba siya, nag-enjoy ako,” sabi ni Micaella.
Si Robb Guinto naman ng Vivamax movie na Paupahan ay inaming meron talaga siyang niligawan na magandang girl noon.
“Before po kasi, nagka-crush ako sa isang girl. Pero hindi lang natuloy. Niligawan ko talaga siya. Pinapadalhan ko siya ng flowers. Pumunta pa talaga ako sa bahay nila sa ‘Farview.’
“Ewan ko! Nagka-crush talaga ako sa kanya. Pero later, nalaman ko na nagkabalikan sila ng ex niyang guy. Na-hurt ako,” natatawang kuwento ni Robb.
Hindi rin daw maintindihan ni Tiffany Grey kung may pagka-tibash ba siya o ano. Kasi minsan, nakahalikan niya ang kaibigan niyang girl, nag-enjoy raw siya at hindi niya maintindihan kung ano talaga ang feeling niya sa kaibigan niyang girl.
“One time po yung nag-kiss lang sa akin, tapos na-attach na ako sa kanya. May girl na nano, tapos after nun, parang bakit parang iba yung naramdaman ko. As in nag-kiss lang talaga kami.
“Kasi close ko talaga yung girl. Kasi mabait naman siya, sobrang ganda. Tapos, hala! Parang na-confuse ako kung ano ba itong nararamdaman ko,” natatawa namang kuwento ni Tiffany ng pelikula ring Paupahan.
JERRY OLEA
Clash of the Cymbals! 2023 na, dapat pa ba natin itong ikagimbal?
Ipinagtapat ng mestisang aktres sa isang young dramatic actress na meron siyang lesbian tendency.
Kamuka’t mukat mo’y naghinang na ang kanilang luscious lips, at nilasap ang init sa magdamag.
NOEL FERRER
Naiintindihan natin ang mga ganito lalo pa’t wala naman silang inaagrabyadong tao.
Actually, ang katotohanan diyan ay every time someone comes out, it makes other people think about their own sexuality.
Kaya naman, kindred spirits with all these people wanting to express themselves freely and lovingly!!!
