TRIGGER WARNING: Suicide, depression
JERRY OLEA
Maselan ang istorya nina Lucy (Kylie Padilla) at Noah (Gerald Anderson) sa Unravel: A Swiss Side Love Story.
Iyong “Swiss Side” ay paglalaro sa salitang “suicide.”
Tinalakay sa pelikula ang Assisted Voluntary Death o AVD, na legal sa Switzerland kung saan kinunan ang halos kabuuan ng pelikula.
“When I first read the script, natakot ako,” pagtatapat ni Kylie sa mediacon noong Marso 29, 2023, Miyerkules ng hapon sa Vertis North, Quezon City.
“Kasi sobrang dark ng subject matter. But as an actress, I stepped into Lucy’s point of view kaagad.
“And sa story niya, human connections saved her life. And I think dahil nga dun sa pinagdadaanan nilang dalawa, they needed human connection.
“And after reading it, kahit in-anxiety ako ng isang linggo after reading it, nagkaroon ako ng konting hope na sana, yung mga manood nito, maramdaman nila na hindi sila nag-iisa.
“And there’s always a second chance in life. Just give a chance for people to give you that hope, parang ganun.
“Never lose hope and try again, ganun yung nakuha ko. And yun nga, I thought so much empathy for her character kaya gusto ko siyang gawin kahit natakot ako.
“Pero I feel like yung subject matter is a good conversation starter. Kasi this is reality.
“People go through this, and di ba, if we have more awareness about it, pag open tayong pag-usapan… maybe we can save more people.”
NOEL FERRER
Nasa Budapest, Hungary si Gerald Anderson para sa shooting ng ibang movie nang ikuwento sa kanya ang tungkol sa Unravel: A Swiss Side Love Story.
Sabi ni Gerald, “Ikinukuwento pa lang sa akin, sobrang na-fascinate na ako. Na-excite akong gawin.
“Kasi as an actor, hindi ko pa nata-tackle yung ganitong kuwento, yung ganitong character, yung ganitong journey namin. So that really excited me…
“Actually, motto ko ito sa buhay talaga even before this film is — always be nice para dun sa mga strangers na hindi natin kilala.
“Kasi hindi nga natin alam yung pinagdadaanan nila. And meron tayong kanya-kanyang journey sa buhay. May mga pinagdadaanan tayo.
“Nakita niyo sa film, yung pinagdadaanan ni Lucy, iba din sa pinagdadaanan ni Noah, di ba?
“Kanya-kanya yan, e. Tayo lahat dito, meron tayong kanya-kanyang pinagdadaanan. So just be nice, respectful. Always be kind.”
In fairness, Gerald has endeared himself sa mga tao with this project, proving true to what I have believed in na your best weapon is a good work. Deadma na sa mga controversies, di ba?

GORGY RULA
Kapamilya si Gerald Anderson. Kapuso si Kylie Padilla.
Kumusta ang pakikipagtrabaho nila sa isa’t isa sa pelikulang Unravel: A Swiss Side Love Story?
Tugon ni Kylie, “Easy. Parang ako, I had a great time. Siyempre may kaba noong una. Kasi, unbelievable pa siya sa akin na makakasama ko si Gerald. Sobrang ano siya, surreal.
“Tapos nung nandiyan na ako and I jumped into my character, and you know we were both in character, talagang tumalon ako and I trusted Direk [RC de los Reyes].
“Yun, maganda naman. Maganda ang kinalabasan.”
Pagsang-ayon ni Gerald, “Yeah, masaya. Masayang katrabaho si Kylie dahil nakita niyo naman sa film kung gaano siya ka-passionate at gaano din niya kamahal ang craft niya, yung proyekto.
“Tapos kapag nagsu-shoot ka sa abroad, kumbaga konti lang kami, so ang laking bagay na yung mga kasama mo, ganun ka-professional.
“And she’s a very great representative of her network na GMA because talagang mahal niya ang trabaho niya.”
Ang Unravel: A Swiss Side Love Story ay isa sa walong official entries ng 1st Summer MMFF (April 8-18, 2023).
