JERRY OLEA
Umiwas ba si Dennis Padilla kay Gerald Anderson sa 1st Summer MMFF Parade of Stars?
Bago ang parada noong Abril 2, 2023, Palm Sunday, ay may interbyu sa mga artista ng walong official entries ng filmfest.
Early bird sa tent ng Villa Beatriz, Commonwealth Avenue, Quezon City, ang grupo ng Unravel: A Swiss Side Love Story na kinabibilangan nina Gerald Anderson, Kylie Padilla, Direk RC de los Reyes, at Megan Campbell.

Lumabas na sa tent sina Gerald nang pumasok sa tent ang grupo ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera na kinabibilangan nina RK Bagatsing, Meg Imperial, Eric Nicolas, at Shira Tweg.
Sa opening ceremony ay pinapunta sa makeshift stage ang mga artista. Hindi agad sila naipon dahil nakahanda nang umakat ang mga artista sa kani-kanyang float.
Naunang pumunta sa makeshift stage ang mga artista ng Yung Libro Sa Napanood Ko, About Us But Not About Us, Love You Long Time, Single Bells, at Here Comes The Groom.
Nag-group picture na sila, nang humabol sina Gerald at Kylie, kaya nag-take 2 sa “class picture.” Panghuli sa parada iyong float ng movie nilang Unravel: A Swiss Side Love Story.
Hindi na humabol sa group picture ang grupo ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera at Apag.
Sumunod na ang pag-awit ng "Lupang Hinirang," at invocation sa pangunguna ni Tita Boots Anson Roa-Rodrigo.
After a little while ay nag-umpisa na ang parada.
Read: Coco, Gerald, Kylie, Alex, other celebs brave summer heat for 1st Summer MMFF Parade of Stars
Nagulat na lang ako nang malaman ko later on na kasama pala si Dennis Padilla sa float ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera.

Ang pagkakasunud-sunod ng mga float sa Parade of Stars: Yung Libro Sa Napanood Ko, About Us But Not About Us, Here Comes The Groom, Love You Long Time, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, Single Bells, Apag, at Unravel.
Sa pagtatapos ng parada, sunud-sunod ang pagsalang ng mga artista nila sa entablado ng Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle. Kaya noong nakasalang na sa stage ang grupo ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, naghihintay na rin sa may gilid ang mga taga-Single Bells na sina Aljur, Alex, at Angeline.

Aljur Abrenica, Alex Gonzaga, and Angeline Quinto with MMFF and MMDA Chairman Don Artes (in yellow polo shirt) and MMFF Screening Committee Chairperson Boots Anson Roa-Rodrigo (extreme right)
Habang nakasalang ang Single Bells, naghihintay ang mga taga-Apag, at nakaalis na ang grupo ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.
Nang sumalang ang mga taga-Apag, naghihintay ang last group, iyong Unravel.
So, slim ang chance na magkasabay sa stage ng Quezon Memorial Circle ang grupo ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (kung saan kabilang si Dennis) at grupo ng Unravel (kung saan kabilang si Gerald).
Aba! Sakaling nagkasama sa stage sa Villa Beatriz man o Quezon Memorial Circle sina Dennis at Gerald, magiging isyu iyon. Pag-uusapan nang lubos!
Kabog sana ang pagtatagpo nina Aljur at Kylie sa makeshift stage ng Villa Beatriz!
Si Dennis ang ama ng girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto.
Read: Ex-couple Kylie Padilla at Aljur Abrenica, nagtagpo sa 1st Summer MMFF Parade of Stars
NOEL FERRER
May tamang panahon ang lahat. Parang hindi pa panahon para magkita sina Dennis at Gerald — lalo na sa public event tulad ng nakaraang Summer MMFF Parade of Stars.
Maganda sigurong magkita o magkausap sila sa personal nang pribado at walang ibang audience para lalong magkakalinawan at maayos ang usapang lalaki.
What do you think, Tito Gorgs?
GORGY RULA
Tiyak akong hindi iiwasan ni Dennis Padilla si Gerald Anderson.
Pero okay na ring hindi sila nagtagpo doon, at baka magkaroon lang ng awkwardness sa isa’t isa.
Ang tiyak kong iniiwasan doon ni Dennis ay ang reporters na nag-aabang nang mai-interview. Pinanindigan na nga ni Dennis na hindi magpa-interview dahil pinagbabawalan na siya.
Naintindihan naman natin kung nananahimik na si Dennis, at iniiwasan nang pag-usapan ang tungkol sa mga anak nila ni Marjorie Barretto.
Read: Dennis Padilla umiiwas magpa-interview tungkol sa personal issues
Marami namang magagandang tagpo tayong nasagap doon pagkatapos ng parada. Kagaya ng pagiging magiliw ni Coco Martin sa lahat na mga gustong magpa-picture sa kanya.
Kahit ang daming nagkakagulong gustong magpa-picture sa kanya, nagawa pa niyang tumulong makababa sa float sina Jaclyn Jose, Gladys Reyes, at pati si Senator Lito Lapid.

Pagkatapos nilang mag-promote sa stage ng Quezon Memorial Circle, natagalan pa bago nakasakay si Coco sa kotse niya dahil sa dami ng mga gustong magpa-picture sa kanya.
Nasalubong pa niya sina Gerald at Kylie na pinakahuling nag-promote.
Napa-“hello Ma’am” at nagbeso kay Kylie, at mahigpit silang nagyakap ni Gerald, at sandali pa silang nagkakuwentuhan.
Si Carlo Aquino naman na kahit kumakanta sa stage kasama ang leading lady niyang si Eisel Serrano ng Love You Long Time, lumalapit pa siya sa ilang entertainment press para bumeso.
Si Carlo ang isa sa pinakamagiliw rin doon sa parada ng Summer MMFF.

Eisel Serrano and Carlo Aquino
Meron ding ibang baguhang artista na hindi pa kilala, pero wagas kung makapag-wave sa mga taong nakatulala na parang nag-iisip kung sino ba ang artistang ito.
Ang suwerte nga nila dahil first movie pa lang nila, pasok na agad sa Summer Metro Manila Film Festival.
