PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Estrada kinumusta ang estado nila ni Priscilla

Kumusta na nga ba sila talaga ni Priscilla?
by PEP Troika
Published Apr 9, 2023
Priscilla Meirelles and John Estrada.
Kumusta na nga ba sila ng asawang si Priscilla Meirelles matapos maging maingay ang pinagdadaanan ng kanilang relasyon? Makahulugan ang naging sagot ni John Estrada sa PEP Troika.
PHOTO/S: @johnestrada__ Instagram

GORGY RULA

Ilang beses din namin kinulit si John Estrada bago siya nagbigay ng pahayag kaugnay sa isyu nila ng asawa niyang si Priscilla Meirelles.

Nag-post lang siya sa kanyang Instagram account na tila nagpapahiwatig na okey na silang mag-asawa.

Read: John Estrada posts intimate photos with Priscilla Meirelles amid marital-problems issue

Kaya kinulit ko siya uli through text nung nakaraang Sabado, April 8 na baka puwedeng magbigay naman siya ng statement o sagutin niya ang ilang katanungan ng PEP Troika.

Nagkaayos na ba sila ni Priscilla? Wala nang problema, at okay na sila?

Makahulugan ang kanyang pahayag na ipinadala sa PEP Troika.

Aniya, “There are some people who could hear you speak a thousand words and still not understand you.

“And there are others who will understand without you even speaking a word.”

May kasunod pa sana akong tanong sa kanya. Pero nag-text siya uli ng, “Tama na yan ha friend hehe. Happy Easter bukas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya tumigil na kami sa pangungulit sa kanya.

Noon pa man ay ayaw na talaga ng aktor na magsalita tungkol sa isyu nila ni Priscilla.

Ang mahalaga ay mukhang nagkaayos na silang mag-asawa. Kaya mas gusto na lang niyang manahimik.

NOEL FERRER

Katulad ng mensahe ng Easter—may kapatawaran, pag-aayos, at pagbuhay na mag-uli ng mga relasyon, sana’y muling mabuhay ang pag-ibig kina John at Priscilla dahil we wish them and everyone only the best!

Happy Easter sa lahat!!!

JERRY OLEA

Makabuluhang Pasko ng Pagkabuhay!

Nawa’y buhay na buhay pa ang pag-ibig sa puso nina John at Priscilla!

Na-train si John ng namayapa niyang manager na si Tito Douglas Quijano na mas mabuting manahimik na lang upang huwag lalong lumaki ang isyu.

Kani-kanya na lang tayo ng pag-unawa sa mahiwagang pahiwatig ni John!

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumusta na nga ba sila ng asawang si Priscilla Meirelles matapos maging maingay ang pinagdadaanan ng kanilang relasyon? Makahulugan ang naging sagot ni John Estrada sa PEP Troika.
PHOTO/S: @johnestrada__ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results