GORGY RULA
Tahimik ang kampo ng magandang sexy star tungkol sa kuwentong nakarating sa amin na dumidistansiya na siya kay powerful politician na ilang buwan ding na-link sa kanya.
Hindi malinaw kung ano talaga ang namagitan sa sexy star at sa powerful politician dahil pinaninindigan ng isang singer-actress na sila pa rin ng powerful politician.
Pero marami ang nagkuwentong nakita nilang magkasama si sexy star at si powerful politician kung saan-saan.
Nasagap ng PEP Troika na aware si singer-actress tungkol sa powerful politician at sa sexy star. Kinausap na raw ni singer-actress si sexy star para linawing sila pa rin ng powerful politician na natsitsismis sa sexy star.
Para walang gulo, nag-decide si sexy star na kumalas sa kung anong meron sa kanila ni powerful politician.
Ang dami namang nanliligaw kay sexy star, puwede siyang mamili, pero mas gusto raw niyang mag-focus na muna sa trabaho niya.
Kahit anong pilit namin, ayaw sagutin ni sexy star ang isyung ito. Maging ang ilang taong malapit sa kanya ay ayaw na ring mag-comment.
Mas gusto raw niyang tahimik na lang at iniiwasan na niyang ma-link sa mga kilalang personalidad, lalo na sa mga batang pulitiko.
Mukhang meron na naman kasing nagpaparamdam, pero nakipag-friend na lang si sexy star at hanggang doon na lang daw muna.
JERRY OLEA
Aware kaya si singer-actress na nali-link din kay powerful politician ang isang young actress?
Palipat-lipat man o papalit-palit ng kandungan si powerful politician, tiis-tiis na lang ang singer-actress at pigil na pigil ang panggigigil.
That’s what “friends” are for?
NOEL FERRER
What are we in power for? Ang lakas makadagit ng anumang gusto mo kapag ika’y makapangyarihan.
Sana lang, hindi umaasa at mawalan ng ulirat ang mga babaeng napapabalitang enamoured kay powerful politician. Kasi, hindi naman ito magseseryoso kapag nakukuha niya nang mabilisan ang mga gusto niya.
Tayo’y mga spectators lang dito at tingnan kung paano umusad ang istorya at kung paano rin gumulong ang karma.
