NOEL FERRER
Ibang level ang kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival (MMFF).
Habang parami nang parami na ang mga taong nanonood sa mga sinehan — na sana ay dumami pa dahil holiday para sa Araw Ng Kagitingan ngayong Lunes, April 10, 2023 — usap-usapan pa rin ang magandang kalidad ng walong entries.
Read: The Ultimate Guide to the 1st Summer MMFF entries
Ipinakita ng Here Comes The Groom ang bagong maayos at masayang standard ng comedy ngayon.

The cast of Here Comes The Groom
Sa rom-com naman, iba ang na-achieve ng Yung Libro Sa Nabasa Ko at Love You Long Time.
Kung drama, kakaibigang cinematic experience ang About Us But Not About Us, Unravel: A Swiss Side Love Story, at Apag.

Romnick Sarmenta and Elijah Canlas in About Us But Not About Us
Iba rin sa nakasanayang Alex Gonzaga films itong Single Bells, samantalang ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera ay naiibang musical journey rin ng isang music icon na puwedeng magmistulang karaoke session sa sinehan.

RK Bagatsing in Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko
Basta, nagtitiwala pa rin tayo at umaasang may mga Pinoy na patuloy na tatangkilik ng maaayos na mgapelikulang atin.
At bukas, Abril 11, Martes, na ang Gabi ng Parangal.
Isang napaka-credible, independent at hindi matatawarang Jury Chair ang natalaga ng pamunuan ng MMFF, walang iba kundi ang ating ipinagmamalaking Pinoy international artist — Dolly de Leon.
Di ba, magandang pangitain ito, mga ka-Troika?
GORGY RULA
Minimal daw ang itinaas ng ticket sales noong Easter Sunday. Wala pa rin tayong nakuhang figures kung nakamagkano ang walong pelikulang kalahok.
Pero ayon sa mga napagtanungan namin, nangunguna pa rin daw ang Here Comes The Groom at sumusunod ang Yung Libro sa Napanood Ko.
Humahabol naman daw ang About Us But Not About Us, Apag, at Unravel.
Pagdating sa Gabi ng Parangal, posibleng magpapaligsahan daw sa awards ang About Us But Not About Us, Here Comes The Groom, at Unravel. Iyon ay mula sa mga napagtanungan kong napanood na ang walong pelikulang kalahok.
Posibleng umakyat daw sa entablado para tanggapin ang kanilang acting awards sina Romnick Sarmenta, Kylie Padila, Gladys Reyes, at Elijah Canlas.
Depende pa rin iyan sa taste ng jurors, di ba? Sana makatulong sa box-office ang resulta ng awards night bukas.
Summer wear lang daw sa Gabi ng Parangal bukas kaya paseksihan pa rin ang labanan diyan at kumportable lang ang mga dadalo sa kanilang isusuot.
JERRY OLEA
Nag-topless sa 1st Summer MMFF Parade of Stars sina Fino Herrera at Nico Antonio sa float ng Here Comes The Groom.
Read: Coco, Gerald, Kylie, Alex, other celebs brave summer heat for 1st Summer MMFF Parade of Stars
Ang pagta-topless nila, pahiwatig ng pagta-topgrosser ng kanilang movie?!
Meron din kayang mag-topless sa Red Carpet bukas, o bilang presenters sa awards ceremony?!
Live ang telecast by 8:00 pm sa OnePH, at 10:45 pm ang delayed telecast sa TV5. Abangan ang mga kaganapan!
