JERRY OLEA
Bago umpisahan ang 1st Summer MMFF Parade of Stars noong April 2, 2023, Palm Sunday, nag-“class picture” ang mga artistang kalahok doon sa makeshift stage sa Villa Beatriz, Commonwealth Avenue, Quezon City.
Read: Coco, Gerald, Kylie, Alex, other celebs brave summer heat for 1st Summer MMFF Parade of Stars
Hindi nakasama sa group photo ang cast ng Apag at Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera.
Sa 1st Summer MMFF Gabi ng Parangal nitong Abril 11, Martes, sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City, sa pagtatapos ng programa ay nagsama-sama sa entablado ang winners.
Present ang best actress na si Gladys Reyes (Apag), best actor na si Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us), at best supporting actress na si Kaladkaren (Here Comes The Groom).
Wala ang best supporting actor na si Keempee de Leon (Here Comes The Groom).
Ang tumanggap ng award ni Keempee ay ang Quantum producer na si Atty. Joji Alonso. Ayon kay Atty. Joji, may back pain si Keempee kaya hindi ito naka-attend.
Matapos ang group photo ng winners ay naiwan sa gitna ng entablado sina Gladys, Romnick, at Kaladkaren, at pinagkaguluhan ng media people, vloggers at mga uzi.
Later on ay nagpa-picture with Senator Bong Go sina Gladys at Kaladkaren. Take note na ang characters na ginampanan nina Romnick, Keempee, at Kaladkaren ay pawang members ng LGBTQ community.
Big winner sa 1st Summer MMFF Gabi ng Parangal ang About Us But Not About Us na nagkamit ng sampung tropeyo — best picture, best director (Jun Robles Lana), best actor (Romnick Sarmenta), Jury Prize: achievement in acting (Elijah Canlas), best screenplay (Jun Robles Lana), best cinematography (Neil Daza), best production design (Marxie Maolen Fadul), best musical score (Teresa Barrozo), best editing (Lawrence Ang), at best sound (Armand de Guzman).

About Us But Not About Us (from left) co-producer Perci Intalan, writer and director Jun Robles Lana, and lead stars Romnick Sarmenta and Elijah Canlas
Nakaapat ang Here Comes The Groom — third best picture, best supporting actor (Keempee de Leon), best supporting actress (Kaladkaren), at Jury Prize.

Kaladkaren
Nakadalawa ang Apag — best actress (Gladys Reyes), at best original theme song (“Paralaya”).
Dalawa rin ang natamo ng Love You Long Time — second best picture at best float.
Bokya ang Unravel: A Swiss Side Love Story, Yung Libro Sa Napanood Ko, Single Bells, at Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera.
Tatlo lamang ang best picture nominees — About Us But Not About Us, Love You Long Time, at Here Comes The Groom.
Siyempre pa, sure win na sila. Magkakatalo na lang ng placement, kumbaga.
Ang presenter para sa best picture winners ay ang mga bida ng Yung Libro Sa Napanood Ko na sina Bela Padilla at Yon Min Gon.
Si Bela mismo ang nagsulat at nagdirek ng Yung Libro Sa Napanood Ko.

Bela Padilla and Yoo Min Gon
Read: 2023 Summer MMFF Gabi ng Parangal: Romnick Sarmenta and Gladys Reyes win top acting honors
Anim ang nominadong best actor — Carlo Aquino (Love You Long Time), Elijah Canlas (About Us But Not About Us), Enchong Dee (Here Comes The Groom), Gerald Anderson (Unravel: A Swiss Side Love Story), Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us), at Yoo Min-gon (Yung Libro Sa Napanood Ko).
Hindi pumasa sa panlasa ng mga hurado ang akting nina Coco Martin (Apag) at RK Bagatsing (Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera).
Nagkataon lang na hindi nakasama sina Coco at RK sa group picture noong Palm Sunday sa makeshift stage ng Villa Beatriz bago pasimulan ang Parade of Stars. Walang kinalaman iyon sa hindi nila pagka-nominate.
Ayon sa source ng PEP Troika, gusto ng ilang hurado na gawing tabla sa best actor sina Romnick at Elijah. Ayaw pumayag ng iba. Kaya si Romnick ang tinanghal na best actor, at pinagkalooban ng Jury Prize si Elijah.

Elijah Canlas and Romnick Sarmenta
Matatandaang sa MMFF 2018 ay tinanghal na best actor si Dennis Trillo (One True Love), at pinagkalooban ng Special Jury Prize si Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset).
Read: Rainbow's Sunset, humakot ng 11 awards sa MMFF 2018 Gabi Ng Parangal
Ang presenters para sa Jury Prize ng 1st Summer MMFF Gabi ng Parangal ay sina Direk Jose Javier Reyes at Gerald Anderson.
Si Direk Joey ang nagbasa ng citation para sa Here Comes The Groom, samantalang si Gerald ang nagbasa ng citation para kay Elijah.

Gerald Anderson and Joey Reyes
GORGY RULA
Maayos ang production ng Gabi ng Parangal na pinangasiwaan ng Viva Entertainment. Feel na feel mo ang summer mula sa red carpet hanggang sa stage na mala-ASAP o AOS.
Okay naman na inilabas nang maaga ang mga nominees, pero hindi na talaga nag-effort na dumalo ang mga hindi nominado.
Nakakatuwa nga sina Erwin Blanco ng Mavx Productions na kahit hindi napasali sa mga nominado ng Best Director at Best Picture ang pelikula nilang Unravel: A Swiss Side Love Story, dumalo pa rin sila dahil gusto nilang makisama sa pagdiriwang ng kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival.
Mas maganda pa rin kasi sana kung kasali ang walong pelikulang kalahok dahil bahagi pa rin sila ng taunang filmfest na ito. Parang hindi magandang tingnan na unti-unting nabawasan ang mga pelikulang kalahok sa kalagitnaan pa lang ng filmfest.
Maganda yung nagsasama-sama mula sa parada hanggang sa unang araw ng showing. Pero pagdating ng gabi ng parangal, tatlo o hanggang apat na pelikula na lang ang nagkakasiyahan sa gabing yun.
Pati sa mga sinehan ay nabawasan na rin sila dahil sa pahina nang pahina na ang kanilang pelikula.
Ang nangyari nung nakaraang awarding, hindi mo na naramdaman ang presence ng ibang pelikula kagaya ng Kahit Maputi Na ang Buhok Ko, Single Bells, at Apag. Mabuti nga at nanalong best actress si Gladys Reyes, kaya mangilan-ngilan na lang sa mga taga-Apag na nagbubunyi sa kanyang pagkapanalo.
Sana huwag naman tipirin ng board of jurors ang talaan ng mga nominado sa kategoryang Best Picture at Best Director, para maramdaman naman ng karamihan ng producers na namuhunan sa kanilang pelikula na kasali pa rin sila hanggang sa huling araw ng filmfest.
Samantala, ang tagal bago humupa ang sobrang kaba ni Gladys Reyes pagkatapos niyang tanggapin ang kanyang best actress trophy. Ang buong akala raw niya ay si Kylie Padilla na ang panalo dahil yun ang malakas na bulung-bulungan at maraming nominations ang Unravel.
“Akala ko talaga, si Kylie na ito,” text niya sa akin.

Gladys Reyes hugs Jury head Dolly de Leon
Napanood pa naman niya ang pelikula at nagalingan daw siya sa acting ni Kylie, pati si Gerald Anderson.
Nakakaloka pa raw na napapagitnaan siya ng dalawang Padilla dahil katunggali rin nila si Bela Padilla.
Nagpapasalamat si Gladys sa entertainment press dahil nababasa raw niya ang mga nasusulat ng press at bloggers na pinupuri ang kanyang pagganap sa Apag. “
Ang laki talaga ng tulong ng press, Kuya,” text pa ni Gladys sa akin.
NOEL FERRER
Dahil kauna-unahang Summer MMFF, maraming natututunan at may room for improvements pa, pero magandang simula na rin.
Tulad na lang ng tanong na ito: DAPAT BANG I-ANNOUNCE AGAD ANG MGA NOMINEES BAGO MAG-AWARDS NIGHT?
1. Maganda kapag magagawa ito dahil nabibigyan ng halaga ang mga manggagawa ng pelikula nang mas matagal, hindi lang doon sa Gabi Ng Parangal mismo.
2. Dahil kauna-unahang Summer MMFF, sinubukan naming gawin ito. Hindi katulad ng ibang award-giving bodies, real time ang paggawa namin sa nagaganap na deliberation kahapon. Kantiyaw nga ng ibang kasamahan namin sa industriya, mas mahaba pa inabot ang aming Nominees Reveal kaysa sa Oscars.
3. Paumanhin sa hindi pagkakabanggit ng mga pangalan ng mga nasa likod ng camera sa mga naunang reveal artcards dahil pressed for time na talaga ang aming secretariat. Hindi pa kasi templated ang lahat ng ito. Nangangay pa lang po kami, pero hindi ibig sabihin na hindi pinahahalagahan ang mga kasamahan naming manggagawa sa pelikula. At least sa mismong awards night at sa aming sumunod na postings, kumpleto na po ang mga pangalan — di tulad ng ibang online entertainment sites.
4. Sabi ng ilan, marahil naka-limit daw ng attendance ng ibang pelikula at stars ang paglabas ng mga nominees ahead of time. Pero nagpapasalamat pa rin kami sa mga dumalong mga produksiyon dahil hindi tulad ng ibang award-giving bodies, walang leak, at hindi talaga sinasabihan ang mga mananalo na dumalo. Maliban na lang kay Andy Alviz na lone nominee sa Best Theme Song na tinakot pa ng Jury Chair na si Dolly de Leon at sinabihang, “Sigurado ka bang mananalo ka?” — na ikinakaba ni Andy na nagbiyahe pa mula Pampanga.
5. Salamat na lang at sa MMFF nagaganap pa yung pagdalo ng mga produksiyon at artista, manalo man o matalo, nominado man o hindi, dahil buhay pa rin ang pagiging iisang komunidad natin dito… isang industriya na kailangang magtulungan at magsuportahan lalo na sa panahon ngayon.
Muli, maraming maraming salamat po, at patuloy nating tangkilikin ang mga magagandang pelikulang sariling atin.
Palabas pa po ang mga pelikula sa 1st Summer MMFF hanggang April 18, Tuesday.
