PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Family Feud patok sa ratings|

Matuloy kaya ang showdown ng Eraserheads vs. Parokya ni Edgar sa Family Feud?
by PEP Troika
Published Apr 16, 2023
Family Feud
Kabilang sa mga celebrity guests na naglaro sa week-long 1st anniversary presentation ng GMA-7 game show na Family Feud sina: (clockwise, from top left) Gerald Anderson, Kylie Padilla, Sharlene San Pedro (shown with host Dingdong Dantes), at Arci Muñoz.
PHOTO/S: Screen shots from Family Feud/GMA-7

GORGY RULA

Naibalik ng Family Feud ang mataas na rating bilang isa sa top-rated afternoon shows ng GMA-7 sa kanilang week-long first anniversary celebration.

Sa episode noong Lunes, April 10, kung saan naglaro sina Gerald Anderson at Kylie Padilla para sa promo ng pelikulang Unravel: A Swiss Side Love Story, naka-9.4% ito.

Masaya ang episode nila nung Martes, April 11, kung saan naglaro si Kuya Boy Abunda kasama si Ai-Ai delas Alas na nagsisihan pa nang matalo sila ng Team KERIDAS na pinangunahan ni Carmi Martin at mga kasamahan niya sa pelikulang Ten Little Mistresses.

Kasama niya roon si Arci Muñoz na matagal nang di nakatuntong uli ng GMA-7, at ang laki na ng ipinagbago ng mukha. Naka-9.8% ang rating ng Family Feud nung araw na yun.

Pataas na ito nang pataas, dahil nung Miyerkules, April 12, kung saan naglaban ang cast ng Hearts on Ice at mga hosts ng TiktoClock, nakapagtala ito ng 11.4%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo pa itong tumaas nang maglaro na ang sikat na bandang Ben&Ben nung Huwebes, April 13. Naka-11.5% naman ito.

Na-surpass pa raw ng episode na ito ng Ben&Ben ang pinakamataas na views ng live streaming ng naturang game show.

Ang saya rin ng episode nung Biyernes, April 14, na natalo ni Matet de Leon at ng pamilya niya ang team nina Ice Seguerra at Liza Diño. Sa Lunes pa lalabas ang rating nito.

Pagkatapos nilang i-celebrate ang kanilang 1st anniversary, marami pa raw aabangan na maglalaro sa Family Feud.

Nandiyan ang mga candidates ng Miss Universe Philippines, at ang PPop groups na BINI at BGYO.

Siyempre, inaabangan din daw nila ang mga bagong programa na darating kagaya ng Unbreak My Heart na sana, makapaglaro raw sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia.

Sana raw, sa gitna ng kontrobersya ng Eat Bulaga, makakapaglaro na rin ang mga hosts nito na pangunguhan nina Tito, Vic and Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Congratulations sa lahat na bumubuo ng Family Feud lalo na sa magaling nilang host na si Dingdong Dantes.

NOEL FERRER

Tuluy-tuloy pa ang taping ng Family Feud, dahil magkakaroon pala sila ng season break. Abangan na lang ang kanilang official announcement.

At least, magkakaroon ng panahon si Dingdong sa kanyang drama series na Royal Blood at ang hosting niya sa The Voice: Generations.

Marami pa raw silang nasa wish list na makapaglaro sa Family Feud.

Kinakarir daw nilang maglaro ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos kasama ang kanilang pamilya. Pati ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Inaasahan din nilang mag-promote sa kanila ang cast ng reunion movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Baka puwede rin daw nilang mapakiusapan si Sharon Cuneta na maglaro kasama ang kanyang pamilya.

Sana, mangyari rin daw ang matagal na nilang pinapangarap ang Parokya ni Edgar versus Eraserheads. Matagal na rin daw nilang kinakarir na maglaro ang SB19.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Patuloy sa pamamayagpag sa ratings ang Kapuso programs maliban sa Mga Lihim ni Urduja na kinakabog ng FPJ’s Batang Quiapo.

Yung panghapong Abot-Kamay na Pangarap ay mas rumaratsada pa sa ibang primetime shows.

Exciting pa rin ang mga paandar ng Family Feud, maging ng Fast Talk With Boy Abunda.

Streaming na sa Netflix Philippines umpisa noong Biyernes, Abril 14, ang Kapuso series na Maria Clara at Ibarra.

Abangan natin bukas kung saan ito pupuwesto sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today.

Sa Abril 19, Miyerkules ay ipapalabas na sa SM cinemas ang Voltes V: Legacy.

Tingnan natin kung susugod ang moviegoers sa mga sinehan, o hihintayin na lang ang telecast nito bilang kapalit ng Mga Lihim ni Urduja.

Hinihintay din natin kung matutuloy ang pag-ober da bakod pa-GMA ng ilang pang kilalang Kapamilya.

Ngayong Abril 15, Sabado dapat ang pa-mediacon kaugnay sa mga kaganapan sa Eat Bulaga, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bet siyempre nating bumulaga sa Family Feud ang mga Dabarkads. Halimbawa, ang mga ikakasal sa Hulyo na sina Maine Mendoza-Cong. Arjo Atayde vs Maja Salvador-Rambo Nuñez.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa mga celebrity guests na naglaro sa week-long 1st anniversary presentation ng GMA-7 game show na Family Feud sina: (clockwise, from top left) Gerald Anderson, Kylie Padilla, Sharlene San Pedro (shown with host Dingdong Dantes), at Arci Muñoz.
PHOTO/S: Screen shots from Family Feud/GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results