PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

19 members ng Sparkle Teens, isasalang na sa Kapuso projects

Sparkle Teens, dumaan sa matinding training
by PEP Troika
Published Apr 18, 2023
sparkle teens
The 19 members of the Sparkle Teens were introduced to the press via a media conference held at Novotel Hotel, in Cubao, Quezon City, on April 18, 2023.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ipinakilala na ang labingsiyam (19) na miyembro ng Sparkle Teens ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network.

Ginanap ang media launch nitong Abril 18, 2023, Martes, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Nagpakitang-gilas ang mga bagets ng kanilang talent sa pagkanta at pagsayaw. Nakipagbiritan ang tatlong members na sina Princess Aliyah, Selina Griffin, at Gaea Mischa sa isang song number.

Sabi ng assistant vice president ng Sparkle na si Ms. Joy Marcelo, magiging bahagi na ng All-Out Sundays ang Sparkle Teens.

Hindi raw sila sabay-sabay mabibigyan ng projects, pero ang iba ay kasali na sa mga sinimulang drama series sa GMA Telebabad at Afternoon Prime.

“Meron sa kanila, kasama sa teleserye, mga upcoming series namin. Like sina Josh Ford, meron na yang mga yan. Sina Bryce Eusebio, meron na silang ginagawa.

"Like si Josh Ford, if I’m not mistaken, sa Wattpad 2, kasama siya sa MavLine [Mavy Legaspi at Kyline Alcantara].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro mga eight of them na medyo hasa na, na magaling na umarte, na-cast na namin. Yung iba, upcoming soaps.

"Yung iba, hindi pa nag-start, pero nag-audition na sila, casted na sila,” pahayag ni Ms. Joy.

Matindi ang training na pinagdaanan nila, na ang iba ay halos isang taon dumaan sa training.

Bukod sa acting, dancing, singing, pati sa communications, dumaan din sila sa training ng personality development.

Ayon kay Ms. Joy, “I think as early as June… habang inaano namin yung list, so nung nasabi na, 'O eto na, eto na yung grupo na ito,' yung iba, nagsimula nang mag-train.

“So, yung iba diyan, almost a year into training. Pero sabihin na natin na complete lahat sila nung October last year. So, mga five to six months din sila ng intensive training.”

Ilan pa sa miyembro ng Sparkle Teens ay sina Zyren dela Cruz, Charlie Fleming, Keisha Serna, Antonio Vinzon, John Clifford, Waynona Collings, Liana Mae, Naomi Park, Aya Domingo, Marco Masa, Lee Victor, Ashley Sarmiento, Aidan Veneracion, at James Graham.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Ini-encourage pa rin ng Sparkle ang mga batang ito na ituloy nila ang kanilang pag-aaral. Sinasabi raw sa kanila na papayagan silang mag-break kung gusto muna nilang mag-focus sa pag-aaral.

“Yung iba, hindi naman nag-stop. Parang nag-online sila. By that time, parang na-accommodate naman na kalahati. Parang online sa umaga, tapos yung training nag-start sila lunchtime. Nama-manage naman,” sey ni Ms. Joy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, magtatak itong Sparkle artists na ito sa panahong mas mahirap magpasikat ng artista.

JERRY OLEA

Kuwento ng ilang media na nakadalo sa naturang launch, pagkatapos ng programa ay hindi na nila iniharap sa one-on-one interviews si Josh Ford, na nakasama ni Andrei Sison sa malagim na car accident noong Marso 24.

Read: Sparkle artist Andrei Sison, 17, dies in car accident

Masyado pa raw traumatic sa bata ang karanasang yun kaya iniiwas muna nilang sagutin ito ni Josh.

Hindi na rin sila naghanap ng kapalit ni Andrei, kaya 19 na lang ang ipinakilalang Sparkle Teens sa media.

Samantala, inamin ni Karla Estrada sa mediacon ng Face 2 Face noong Abril 17, Lunes, sa TV5 Media Center, Mandaluyong City, na ipinagdadalamhati pa rin niya ang pagpanaw ng anak-anakan niyang si Andrei.

Sabi, three years old pa lang si Andrei ay tumira na sa poder ni Mama Karla, at last year bumalik sa poder ng ama nitong si Alain Marco Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Showbiz connection of late Sparkle artist Andrei Sison

Kahit nagdurugo ang kanyang puso, hindi iyon halata kapag sumalang si Mama Karla sa taping ng Face 2 Face.

Salaysay ni Mama Karla, “Ganun talaga, the show must go on. Ahh at hindi naman tayo puwedeng tumigil, no?

“Pero siyempre, binibigyan natin ng pagkakataon ang bawat damdamin na nararamdaman natin.

“So, meron akong mourning moments, pero pagdating sa trabaho, e, marami tayong matutulungan, so kailangan lakasan ko ang loob ko.”

Isiniwalat ni Mama Karla na tine-take advantage niya ang pagkawala ng gana niyang kumain sa kanyang pamimighati.

Hirit pa ni Mama Karla, “Ngayon, sinasanay ko talaga na konti lang ang kakainin ko… sa umaga.”

Read: New Face 2 Face host Karla Estrada gets support from former hosts Amy Perez and Gelli de Belen

Meron ba siyang gustong dalhin sa mga kaaway o kairitahan sa Face 2 Face? Gusto ba niyang iharap ang mga ito sa Trio Tagapayo na sina “Dr. Love” Bro. Jun Banaag, Atty. Lorna Kapunan, at Dr. Camille Garcia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi sa nagpapaka-Mama Mary ako, ha? Wala akong kaaway. OK, hindi ko sila itinuturing na kaaway,” pagmamatuwid ni Mama Karla.

“Wala akong naalalang kagalit dahil feeling ko, ayaw nila akong maging kagalit… charot lang!!! Nanakot?!

“Hindi, ahhh wala akong kagalit dahil ang ikli ng buhay lalo na sa yung nangyari sa pamangkin ko.

“Parang yung ikagagalit ko, baka ikain ko na lang. Ikain ko na lang, itulong ko na lang, di ba?

“At saka higit sa lahat, yung aking mga anak at mga pamangkin na kinalakihan na kasama ni Andrei, na pamangkin ko rin na pinalaki.

“Sila talaga yung binabantayan ko dahil sila talaga yung kung nagdadalamhati ako, mas doble sila.

“Dahil yun talaga, kasama nila every day sa buhay nila. Kaya medyo… but yes, ina-acknowledge ko lagi ang mga blessings kapalit ang mga kalungkutan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The 19 members of the Sparkle Teens were introduced to the press via a media conference held at Novotel Hotel, in Cubao, Quezon City, on April 18, 2023.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results