PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Super Mario Bros. Leads Box Office, Voltes V Extended

Voltes V: Legacy, palabas na sa 73 sinehan.
by PEP Troika
Published Apr 24, 2023
the super mario bros. movie voltes v
Masigla ang mga sinehan ngayon dahil humahataw sa takilya ang The Super Mario Bros. Movie (kaliwa) at maging ang limited run ng Voltes V: Legacy.

JERRY OLEA

Third consecutive weekend nang nanguna sa takilya ng North America ang The Super Mario Bros. Movie.

Nitong nakaraang weekend (Abril 21-23, 2023), wala pa sa kalahati ng third weekend gross ng The Super Mario Bros. Movie ang pumangalawa sa takilya ng U.S. at Canada, ang bagong bukas na Evil Dead Rise. So-so lang iyong pumangatlo na bagong bukas ding The Covenant.

As in kumain ng alikabok sa adventure nina Mario, Luigi, at Princess Peach.

Itong The Super Mario Bros. Movie so far ang pinakamalakas na pelikula ng 2023. Ang worldwide gross nito ay $872M.

Ang iba pang nasa Top 7 Global Grosses sa 2023 movies ay Ant-Man and The Wasp: Quantumania ($474M), John Wick: Chapter 4 ($358M), Creed III ($272M), Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves ($178M), Scream VI ($167M), at Shazam! Fury of the Gods ($132M).

Nag-open sa local cinemas ang The Super Mario Bros. Movie noong Abril 19, Miyerkules, pagkatapos ng 1st Summer MMFF (Abril 8-18).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anim na pelikula ang kasabay ng The Super Mario Bros. Movie na nagbukas sa ating mga sinehan — Voltes V: Legacy, Adik Sa ‘Yo, AIR, One True Loves, Ride On, at The Pope’s Exorcist.

Needless to say, pinakamalakas sa mga ito ang The Super Mario Bros. Movie, na pinakabonggang panoorin bilang 3D sa IMAX kung saan P670 ang admission price.

Ayon sa source ng PEP Troika, as of April 23, Sunday, ay umabot na sa P61M ang hinamig ng The Super Mario Bros. Movie sa lupang hinirang.

Iyong Voltes V: Legacy ay showing na sa 73 SM cinemas nationwide as of April 24, Monday.

Dapat ay hanggang bukas, April 25, lamang ang limited run nito sa mga sinehan ngunit malakas ang usap-usapang "due to public demand" ay extended ito sa ilang SM cinemas hanggang sa May 2.

Patunay na malakas din talaga sa takilya ang Voltes V: Legacy.

Sa May 8, Lunes, ang simula ng airing ng TV version ng Voltes V: Legacy sa GMA Network.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Nakausap ng PEP Troika si Direk Joey Reyes sa FDCP Parangal ng Sining nitong Abril 23, Linggo ng gabi, sa Seda Hotel Vertis North, Diliman, Quezon City. Isa si Direk Joey sa mga hurado ng 1st Summer MMFF.

Pahayag ni Direk Joey, pinaplano na ng FDCP ang pagpapalabas ng mga pelikula na P50 lang ang admission price.

“That’s one of the immediate plans para bumalik ang tao sa sinehan. Pero maganda ang nangyari ngayon. Maganda yata ang resulta ng Voltes V,” sabi ni Direk Joey.

“It proves na babalik sila if it’s an event movie. Kailangan malaki ang pelikula para balikan nila.

“So sana, mamulat ang mga producer na pag tinipid mo, hindi ka talaga kikita.”

Tinipid ba iyong official entries ng 1st Summer MMFF?

“Hindi naman. Ang feeling ko, ahhh mali lang ang timing. Kasi, ang tao, nagbakasyon out of town,” tugon ng multi-awarded scriptwriter-director.

“O kaya out of country. They are the ones who can afford. May pera ang tao. Pag Holy Week, hindi siya celebratory.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magandang playdate dati iyong Black Saturday, na first day ng 1st Summer MMFF.

“Oo, pero ngayon, hindi na siya celebratory, e. Kaya tayo atat na atat noon dahil pag Holy Week, wala tayong mapanood,” sey pa ni Direk Joey.

“E, ngayon with streaming, people stay home. Hindi na sila nainip. Pero sayang because it was one of the best MMFFs dahil ang gaganda ng mga pelikula.”

Sa Abril 26, Miyerkules, ay showing na sa local cinemas ang Papa Mascot ni Ken Chan, Sa Muli nina Xian Lim at Ryza Cenon, ang comedy-horror film na Renfield, at ang romantic-drama film na Beautiful Disaster.

NOEL FERRER

Interesado ako sa 50 pesos na admission fee sa sinehan courtesy of FDCP, ha! Sana, mag-flourish ito.

Napanood na ng mga pamangkin ko ang The Super Mario Bros. Movie at kahit anupaman ang reviews abroad, na-enjoy nila ito. At totoo, marami raw tao sa sinehan.

Nang yayain namin ang mga batang mag-Voltes V: Legacy, nag-pass na sila, at kami na lang na nostalgia audience ang nanood at in-enjoy namin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yun lang, magkaiba ng market ang dalawang pelikula. Sana lang, makuha ng Voltes V: Legacy ang bagets market kapag nasa TV na umpisa Mayo 8, katapat ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

As of now, kalunus-lunos pa rin ang sinasapit ng local films sa box office. Sana, makaahon dito sina Ken, Xian at Ryza.

Nakakakaba.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masigla ang mga sinehan ngayon dahil humahataw sa takilya ang The Super Mario Bros. Movie (kaliwa) at maging ang limited run ng Voltes V: Legacy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results