PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes, gusto mapagsama-sama "yung lahat na inapi ko"

Gladys Reyes, may konsepto na para sa dream project niya!
by PEP Troika
Published Apr 26, 2023
Gladys Reyes and Judy Ann Santos
Gladys Reyes, may konsepto na sa dream project kasama sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angelu de Leon, at Jolina Magdangal: "I have something in mind na baka puwede para sa aming lima yung material na yun. Parang something na pagka-Desperate Housewives... Yung totoong nangyayari din at the same time, may twist."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA:

Lalong na-excite si Gladys Reyes nang malamang maganda ang feedback sa sinasabi niyang dream movie project niya—ang magsama-sama sila nina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, Angelu de Leon, at Claudine Barretto.

Nakatsikahan namin si Gladys sa DZRH nung nakaraang Lunes, April 24, 2023.

Ipinaliwanag niyang sinagot lang niya ang tanong kung ano ang dream project para sa kanya. Akala kasi ng iba, binubuo na ang pelikulang itong pagsasamahan nilang lima.

Sabi ni Gladys, “Nag-umpisa yan nung premiere ng Apag, may nagtanong sa akin kung ano yung dream project ko.

"Sabi ko, gusto talaga sana mapagsama-sama yung lahat na inapi ko.

"Puwera lang si Jolina kasi hindi ko pa naman naapi siya sa mga teleserye, pero siyempre 90s won’t be complete without Jolina din.

"Siyempre, Jolina, Angelu, Claudine, and Judy Ann."

Nabanggit na raw niya ito sa mga kaibigan niya, at interesado naman daw ang mga ito.

"Sa akin, dream project yun. Although, nabanggit ko yun kay Jolina nung mag-guest ako sa Magandang Buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nabanggit ko na rin kay Juday, and I think sa isang Viber message ko sa kanya or even before.

"Nung nagkasama kami nung huli ni Claudine, yes, parang nabanggit ko rin sa kanya yan, sa isang guesting namin sa isang series.

"Siyempre, kailangan buuin muna yung material, di ba? Kailangan konkreto yung istorya bago talaga matuloy.

"Very positive naman sila, even Jolina nung last time nag-guest ako sa Magandang Buhay, niloko ko pa siya na, ‘Uy, ha? Pag may tumawag na sa yo, tanggapin mo.’"

May pag-asa na raw matupad ang pangarap niya ngayong may exceptions na sa network war.

"Mukhang positive naman yung ano nila. Yung magiging challenge dun if ever, I think yung schedule.

"Alam naman natin, iba-iba… saka associated yung iba sa kanila in a particular channel.

"Tingnan natin kung possible project. Pero who knows? Uso naman ngayon ang collab, di ba? Nag-collab na nga yung GMA and ABS, di ba?" pahayag pa ni Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Ang maganda ay kung ang mga artista mismo ay may stake at willing sumugal sa gagawin nilang pelikula.

Sabi pa ni Gladys, kung meron na raw magandang material na puwede nilang gawing lima, willing siyang mag-co produce.

"As of now, iyun yung pakiramdam ko. I’m willing to co-produce it if ever. Siyempre, malaking tulong kung meron akong katuwang na magpu-produce nun.

"Kasi di ba, kinu-co-prod ko naman yung Moments, e."

Ang tinukoy ni Gladys na "Moments" ay ang talk show niya sa Net25.

"Ako talaga pag may gusto talaga ako... Very hands on ako sa proyekto, e. Siyempre, iba pag hands on ka. Masusunod ka kung ano yung gusto mong mangyari.

"As of now, iyun yung pakiramdam ko. I’m willing to co-produce it if ever. Siyempre, malaking tulong kung meron akong katuwang na magpu-produce nun."

Kung ganoon si Gladys, I’m sure iyung iba rin, magiging open sa ganoon! Let’s see kung matutuloy!!!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA:

Iyang dream project na iyan ni Gladys, bongga kung horror, di ba? Huwag namang nightmare?!

Sa edad nilang lima na 43 to 45 years, ano ba ang magandang genre o storyline para sa kanila? Action na tipong The Expendables?

Sey ni Gladys, "I have something in mind na baka puwede para sa aming lima yung material na yun. Parang something na pagka-Desperate Housewives nga, di ba, since pareho naman kaming mga nanay na, di ba?

"Kanya-kanyang kuwento ng pagiging isang ina. Puwede namang ang isa, wala namang asawa. Iyung isa, single mom, mga ganun, di ba?

"Yung totoong nangyayari din at the same time, may twist. Siyempre kilala silang lahat bilang dramatista na. Dapat naman something yung hindi nila ini-expect pero yun pala yung kuwento nung movie."

More hot stories on PEP.ph:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes, may konsepto na sa dream project kasama sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angelu de Leon, at Jolina Magdangal: "I have something in mind na baka puwede para sa aming lima yung material na yun. Parang something na pagka-Desperate Housewives... Yung totoong nangyayari din at the same time, may twist."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results