PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vic Sotto, tinamaan ng COVID bago mag-69th birthday

Bossing Vic, may birthday celebration sa Eat Bulaga!.
by PEP Troika
Published Apr 29, 2023
vic sotto birthday
Veteran comedian-TV host Vic Sotto celebrated his 69th birthday last Friday, April 28, 2023, with wife Pauleen Luna and daughter Tali.
PHOTO/S: Eat Bulaga! YouTube / @pauleenlunasotto on Instagram

GORGY RULA

Tamang-tama, nag-negative na si Vic Sotto sa kanyang 69th birthday nung Biyernes, April 28, 2023.

Read: Pauleen Luna to Vic Sotto on his 69th birthday: "My heart still beats fast for you, my love"

Limang araw pala siyang na-isolate dahil tinamaan siya ng COVID-19 pagkatapos ng pictorial. Hindi lang kami sure kung pictorial ito para sa bagong sitcom nila ni Maja Salvador o sa isang endorsement.

Nung kinumusta ko si Bossing Vic sa misis niyang si Pauleen Luna, sinabi nitong okay naman ang kanyang asawa. Wala naman daw gaanong naramdaman, pero kailangan nilang ma-isolate at pansamantalang mahiwalay sa anak nilang si Talitha.

Awang-awa sila kay Tali dahil iyak daw ito nang iyak at hindi naintindihan bakit hindi makalapit sa kanila.

Negative naman daw si Pauleen sa swab test, pero in-assume na ring positive siya kaya kailangang pansamantala muna silang magkahiwalay.

Tamang-tama naman nung mismong kaarawan ni Bossing Vic, negative na siya sa swab test at puwede na silang magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ni Pauleen sa kanyang Instagram post nung Biyernes: “Finally reunited! Happy to be celebrating Vic’s birthday together (we were both in isolation for 5 days and finally got ‘one line’ just in time for the birthday!)

“Thank you Lord for the gift of healing, family and friends. Thanks to everyone who sent in cakes and gifts! God bless us all!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Hindi muna pinapunta ang mga anak at mga apo ni Bossing Vic para mag-celebrate ng kanyang birthday dahil kagagaling lang niya sa COVID. Pero isi-celebrate na niya ang kanyang kaarawan sa Eat Bulaga! ngayong Sabado ng tanghali, April 29.

Pagkatapos magsalita ng dating Senator Tito Sotto, hindi na lang daw muna magsasalita sina Vic Sotto at Joey de Leon.

Tahimik na rin ang pamilya Jalosjos pagkatapos ng tell-all interview ni Tito Sen sa PEP.Ph.

Watch: Tito Sotto, IBINUKO ang gustong mangyari ng mga Jalosjos sa Eat Bulaga! (PART 1)

Watch: Tito Sotto sa tanong kung NALULUGI ang Eat Bulaga!: "HINDI!" (PART 2)

Watch: Tito Sotto, INILANTAD ang ginawa ng TAPE, Inc. sa kapatid na si Vic Sotto (PART 3)

Watch: Tito Sotto: Ryzza Mae, pinatatanggal; Vic at Joey handa na ring magsalita! (PART 4)

JERRY OLEA

“Ceasefire” muna sa Eat Bulaga!?! Status quo na rin hanggang Mayo?

E, ang advertisers, kumusta naman? Siyempre, may epekto ang ganitong gulo sa advertising load ng programa…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran comedian-TV host Vic Sotto celebrated his 69th birthday last Friday, April 28, 2023, with wife Pauleen Luna and daughter Tali.
PHOTO/S: Eat Bulaga! YouTube / @pauleenlunasotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results