PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tabing Ilog Stars Reunion Project Confirmed

Patrick Garcia at Kaye Abad, tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz?
by PEP Troika
Published Apr 29, 2023
patrick garcia kaye abad paolo contis
Patrick Garcia, Kaye Abad, and Paolo Contis will reunite in an upcoming movie under Mavx Productions.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Tulit na tuloy na ang pelikulang ipu-produce ng Mavx Productions na pagsasamahan ng magkakaibigang produkto ng Tabing Ilog — sina Paolo Contis, Patrick Garcia, at Kaye Abad.

Read: Tabing Ilog cast members, may reunion sa iba't ibang proyekto

Nagkaroon sila ng look test at character briefing sa Cornerstone Studio, Quezon City, nung Biyernes, April 28, 2023.

Kitang-kita ang closeness nilang tatlo na tuwang-tuwa at magkasama sila sa magandang proyektong ito.

Bukod sa maganda ang material, ngayon lang daw sila magsasama uli pagkatapos ng Tabing Ilog.

Limang taon nang hindi umaarte si Patrick, at si Kaye naman ay apat na taon nang nag-focus sa kanyang pamilya na naka-base sa Cebu, kaya na-excite daw sila nang inalok sa kanila ang proyektong ito.

Sabi ni Kaye, “Very excited, kasi si Paolo lalo, kasi siya yung matagal ko nang hindi nakikita. Matagal ko nang hindi nakatrabaho. I think, last ko siyang nakatrabaho was Tabing Ilog pa talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Patrick kasi nakatrabaho ko pa siya in other shows after ng Tabing Ilog. Tapos magkumpare kami, kaibigan ko yung wife niya,” pahayag ni Kaye.

Sina Kaye, Patrick, at Paolo ay pare-parehong produkto ng ABS-CBN.

Sabi naman ni Paolo, “Si Lucky [Blanco], yung producer namin, Tabing Ilog fan. Ang TV, Okidoki Doc… fan ko actually…

"Hindi, ano siya… mahilig si Lucky sa mga dating television shows.

"Matagal na naming napag-usapan na sana magkaroon ng Tabing Ilog reunion.

“So, nung kinuha namin… ba, John Lloyd [Cruz] saka Jodi [Sta. Maria]! E, wala sila!

“Ah, hindi, ever since, sila [Kaye at Patrick] talaga ang gusto.”

Sumingit naman si Kaye, “Kami ang mas madaling makuha.”

Sabi naman ni Patrick, “Busy sila, e."

“Totoo ito,” seryosong pahayag ni Paolo.

“Dream come true ito na makatrabaho ko sila ulit, kasi sabi ko nga, yung mga katrabaho ko ngayon, masasabi natin na iba na yung work ethics, lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi ko sinasabi na ano… iba lang talaga makatrabaho tong mga to.”

Wala pa silang na-finalize na title ng pelikula, pero si Onay Sales ng Doll House ang nagsulat nito at ididirek ni RC delos Reyes.

Ito ang movie project na dapat kukunan sa Chile, pero hindi na raw sila matutuloy roon.

Hindi pa raw muna nila masasabi kung saang bansa na sila magsu-shoot. Uunahin muna nila ang mga eksena dito sa Maynila.

NOEL FERRER

Kahit nabigyan ng pagkakataong magbalik-acting sina Kaye at Patrick sa pelikulang ito, hindi pa nila masagot sa ngayon kung magiging active na ba sila uli sa pag-arte at tatanggap ng iba pang movie offers o drama series.

“Baka hindi pa. Medyo namimili ako kasi bata pa yung youngest ko, one year and seven months,” pakli ni Kaye.

Dagdag niya, “I think, medyo mahirap sa part ko kasi I’m based in Cebu. If I’ll do a project, more or less maiiwan talaga yung kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Very hands on ako sa mga bata.”

Okay na raw muna kay Kaye itong pelikula nila nina Paolo at Patrick.

“Kasi ano lang naman siya, e, four shooting days, tapos makakabalik ako sa Cebu. Then abroad, balik uli ng Cebu. Then Manila ulit, balik uli ng Cebu. Kumbaga, hindi siya straight.

“If I’ll do a serye, it’s a straight, like, three months straight na here in Manila. Iyon ang mahirap.

“Hindi naman papayag si Paul Jake na ang kids ang kasama ko, tapos siya lang ang hindi, siya ang maiiwan sa Cebu.

"Baka pagbalik namin, may iba na siyang dalawang batang inaalagaan!” natatawa niyang pahayag.

Pero may kuwento si Paolo.

“Actually, ang gusto pa ni Kaye, sa Cebu kukunan yung mga Manila na eksena. Attitude, di ba? Kababalik lang sa industriya!” bulalas ni Paolo.

“Nag-request ako, baka lang naman puwede,” apela ni Kaye.

“Puwede ba, i-Zoom na? I-Zoom na lang daw ang mga eksena niya?” sabi uli ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganundin si Patrick. Mahalaga pa rin sa kanya ang pamilya, kaya hindi pa raw niya alam kung magpaka-active siya sa pag-arte.

Tumanggi raw siya noon nang inalok gumawa ng drama series, dahil ayaw niyang pumasok sa lock-in taping. Kaya hindi pa niya masabi kung tuluy-tuloy na ang pagtanggap niya ng projects.

“If you have children. If you have a family, talagang mahirap. Sometimes, you have to make some sacrifices. Do something that you have to do to complete the passion.

“I don’t know. We’ll see,” saad ni Patrick.

Sabi naman ni Paolo, “Kaya nakita niyo ang suwerte namin. Kasi hindi naman sila sure kung gusto nila magtuluy-tuloy, pero napagbigyan kami.

"Sana masuportahan kami. Kasi baka first nila to, tapos last na rin. Hindi natin masasabi, e.

“Hopefully… because of this, mapagdesisyunan nilang magtuluy-tuloy din. Kasi naniniwala ako na silang dalawa dapat nasa industriya pa rin."

JERRY OLEA

May iba pang ikinakasang mga proyekto ang Mavx Productions. Kagaya ng Tabing Ilog reunion nina Paolo, Kaye, at Patrick ay kaabang-abang din ang nga ito. Dekalidad ang mga pelikula ng Mavx, hindi basta-basta!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ng pagkakaibigan itong gagawin nilang pelikula.

Mag-asawa dito sina Paolo at Kaye. Isang artista naman dito si Patrick, at si Paolo ang kanyang alalay.

May sakit daw dito si Kaye at nag-decide silang mag-abroad para pasayahin si Kaye sa kanyang nalalabing araw.

Nagustuhan ng aktres ang script, dahil ibang-iba raw ito sa mga drama movie o drama series na madalas niyang napapanood.

Ani Kaye, “Nung pinitch sa akin yung totoong istorya, na-excite ako kasi ito yung isa mga pelikulang matagal ko nang… sa mga projects na matagal ko nang gustong gawin.

“Since nag-pandemic, dun nag-start yung mga movies na yung hindi mainstream. Hindi sinunod yung gusto ng mga tao na love story, may inapi, may ganyan, may kabit.

“Dun nag-start yung mga movie, like ni Paolo, na hindi nila kinunan as super drama, pero masakit sa puso yung eksena.

“Di b, sa mga soap opera, away, drama, drama talaga yung eksena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung nag-pandemic, dun nag-start yung mga pelikula na, ‘Ay! Maganda pala yung ganitong treatment. Yung simple lang. Tumatawa sila, pero alam mong ang sakit sakit ng eksena.’

“So, nung nabasa ko yung script, isa ito sa mga ganung pelikula. Excited ako. Kumbaga, masakit yung eksena pero hindi ko kailangang umiyak. Yung ganung feeling.”

Aminado si Patrick na kinakabahan siyang muli siyang aarte sa isang napakagandang material.

“Kinabahan ako, kasi kung siya [Kaye]four years, ako five years… I haven’t worked for five years.

“So, when this was offered nung sinabing Paolo and Kaye, sabi ko ‘Male sure na its Paolo and Kaye, kasi kung hindi, hindi ko gagawin,” pakli ni Patrick.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patrick Garcia, Kaye Abad, and Paolo Contis will reunite in an upcoming movie under Mavx Productions.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results