GORGY RULA
Napangiti si Sunshine Cruz nang binati naming blooming na blooming siya sa nakaraang story conference ng pelikulang Lola Magdalena.
Si Sunshine ang pinakabatang "lola magdalena" sa pelikulang ito, at ibang challenge ito sa kanya, lalo na’t ididirek siya ni Joel Lamangan.
Umiiling ang aktres nang tinanong namin kung meron bang special someone na nagpapa-blooming sa kanya ngayon.
“Ano lang, stay away from negativity,” pakli ni Sunshine noong Abril 30, 2023, Linggo, sa Max’s restaurant, Scout Tuason St., Quezon City.
Ang mga anak daw niya ang nagpapasaya sa kanya ngayon na parang magkakabarkada lang sila.
“Pag kasama ko lagi ang mga bata, ang mga anak ko na parang mga barkada ko.
“So, I think it helps na lagi ka lang happy. Tapos, sila na rin mismo yung nagtuturo sa akin kung ano ang magandang kulay ng buhok, kung anong magandang make-up, kung anong magandang damit.
“So, I think it helps a lot, kasi mga fashionista ang mga anak ko.
“Involved sila kay Mommy nila when it comes to clothes, outfit, make up, buhok… na ‘Mom, we like your hair like this. Mom, we like your make up like this,’” saad ng 45-year-old actress.
Hindi naman daw niya isinasara ang posibilidad na magka-love life siya uli. Pero hindi naman daw siya naghahanap sa ngayon.
“Ano muna. Kung may dumating, okay; kung wala, okay na okay lang. Nandiyan naman yung mga anak ko. Nandiyan yung mga aso ko.
“Para sa akin… kung ano yung plans ni God sa akin, follow na lang tayo,” saad ni Sunshine.
NOEL FERRER
Masaya na raw ngayon si Sunshine sa kanyang showbiz career kahit zero ang love life.
Bukod sa pelikulang Lola Magdalena na sisimulan na nila ang shooting ngayong linggo, kasama rin siya sa teleseryeng Unbreak My Heart, na collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN.
Okay na raw yun kahit wala muna siyang love life sa ngayon.
“Kahit anong pilit mo naman kasi, kung talagang wala, hindi yun yung destiny mo, wala tayong magagawa, di ba? Focus on work.
“Sino yung 45-year-old ang nabibigyan at nabibiyaan ng mga ganitong klaseng opportunities? So, I’d rather focus on that.
"Pag may dumating, fine. Kung wala, fine. Pero it’s something that I want to keep for myself na lang. Mas naging discreet. Mas maging tahimik na lang when it comes to my personal life.”
It seems like ang paboritong word ngayon ni Sunshine ay “discreet.”
JERRY OLEA
Ayaw nang sagutin ni Sunshine ang mga tanong tungkol sa kanila ni Macky Mathay.
Napanatili ba nila ang friendship kahit break na sila?
“Huwag na natin yan pag-usapan,” pakli niya.
Read: Sunshine Cruz finally breaks silence on breakup with Macky Mathay
Kung sakaling may dumating na panibagong love life, mas gusto raw niyang tahimik na lang at hindi na pag-usapan pa sa publiko. Kung maari lang, ayaw niya ng taga-showbiz para napapanatili ang privacy.
“Mahirap na magsalita nang tapos, ha? Pero if ever na meron mapa-showbiz o hindi, I’ll keep it to myself.
"I don’t want people to be involved. Kasi yun na lang yung parang natitira ko.
"Forty-five na ako, my God! Ayoko nang magpabebe, di ba?
“So, mas maganda yung topic na lang natin, kung ano yung nangyayari sa career, kung ano yung nangyayari sa mga anak.
"Pero pagdating dun, parang, dapat natuto na rin ako. And I’d rather keep it to myself and be discreet about it.
“Nandito na ako sa edad ko na hangga’t maari na dapat hindi na.
“Yun ang paniniwala ko sa sarili ko. Though I’m not against sa iba na they want to share their love story, personal lives. Pero for me, parang huwag na lang.”
Nasa cast din ng Lola Magdalena sina Gloria Diaz, Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran, Angel Guardian, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Harlene Bautista, Dorothy Gilmore, Angela Cortez, Myrna Castillo, at Joonee Gamboa.
