JERRY OLEA
Four consecutive weekends na nanguna sa takilya ng North America ang computer-animated adventure film na The Super Mario Bros., kung saan si Chris Pratt ang voice sa likod ni Mario.
Ito ang pinakamalakas na pelikula ngayong 2023, so far. Ang worldwide gross nito ay lampas $1B na.
Ang iba pang malalakas globally this year ay Ant-Man and The Wasp: Quantumania ($475M), John Wick: Chapter 4 ($403M), Creed III ($274M), Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves ($195M), Scream VI ($167M), at Shazam! Fury of the Gods ($133M).
This weekend, ibang movie na ang mangunguna sa takilya ng U.S. at Canada. Magbubukas na kasi sa Biyernes, Mayo 5, ang Guardians of the Galaxy Vol. 3, na ang cast ay pinangungunahan ni Chris Pratt bilang Peter Quill aka Star-Lord.
Nauna ang mga Pinoy na makapanood ng Guardians of the Galaxy Vol. 3, na nag-open sa local cinemas nitong Mayo 3, Miyerkules, kasabay ang Rebound at The Unseen.
Napanood ko ang 2:45 p.m. screening ng Guardians of the Galaxy Vol. 3 sa opening day nito sa IMAX ng SM Mall of Asia.
Sa tantiya ko ay wala pang 30% ng seating capacity ang okupado sa nasabing screening. Hindi ba worth it ang P670 na presyo ng tiket, o may ibang pinagkakaabalahan ang moviegoers?
Napaluha ako sa kuwento ng Guardians of the Galaxy Vol. 3, kung saan inilahad ang pinagmulan ni Rocket (boses ni Bradley Cooper). It’s time to face the music, ika nga.
“I’m done running!” sabi ni Rocket.
Dito ang huling paglabas ni Zoe Saldaña bilang Gamora, ganoon din ni Dave Bautista bilang Drax the Destroyer.
Pangunahing kontrabida rito si Dr. Herbert Wyndham aka The High Evolutionary (ginampanan ni Chukwudi Iwuji), isang scientist sa Counter-Earth na siyang lumikha kay Rocket.
May kani-kanyang moment din sa movie sina Nebula (Karen Gillan), Mantis (Pom Klementieff), Groot (boses ni Vin Diesel), Kraglin Obfonteri (Sean Gunn), Adam Warlock (Will Poulter), Ayesha (Elizabeth Debicki), Cosmo the Spacedog (boses ni Maria Bakalova), at Stakar Ogord (Sylvester Stallone).
Oh yes, merong dalawang post-credit scenes. Sa una, tampok sina Rocket, Groot, Kraglin, Adam Warlock, Blurp, at Phyla-Vell. Sa pangalawa, nakaupo si Peter Quill sa breakfast table.
Ang huling shot ng pelikula, “The Legendary Star-Lord Will Return.”
GORGY RULA
Ayon sa reliable source ng PEP Troika, naka-P17M kahapon ang first day gross ng Guardians of the Galaxy Vol. 3.
Hindi raw naabot ang ini-expect nitong P27M to P30M, dahil sa marami ang nag-aabang sa pelikulang ito.
8:00 a.m. ay nagbukas na ang ilang Director’s Club ng SM pero hindi siya kasinlakas kung ikumpara sa mga nakaraang malalaking Hollywood films. Kaya walang bumangga na local films nung araw na yun.
Tingnan na lang natin sa weekend na posibleng tumaas pa ito, dahil maganda naman ang review sa pelikula.
NOEL FERRER
Akala ko, major-major ang magiging box office gross ng Guardians of the Galaxy Vol. 3 sa atin para nakabawi naman kahit papaano ang mga sinehan natin sa past losses, pero good lang, sapat lang ito — at hindi tulad ng box-office grosses sa ibang bansa.
Sana, patuloy pang manood ang mga tao sa sinehan lalo pa’t bakasyon naman na . Ang problema lang ay ang tumataas na kaso ng COVID ngayon, na kahit sabihing hindi naman severe ay nakakagambala pa rin sa ating pamumuhay.
Ow, kailan pa ba talaga aahon ang ating industriya ng pelikula? Sana, matulungan din tayo ng ating mga Guardians of the Cinema!!! Pronto!!!
