PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lovi Poe on kissing scene with Coco Martin in FPJ's Batang Quiapo

Bagong yugto ng Batang Quiapo, isasabay sa pagsisimula ng Voltes V: Legacy.
by PEP Troika
Published May 6, 2023
lovi poe coco martin
Lovi Poe on kilig feels on kissing scene with Batang Quiapo actor-director Coco Martin: “Hindi mo maiiwasan, e, kasi parang yun nga, pag pinapanood mo pa lang si Coco na nagdidirek at the same time habang ginagawa ang eksena na yun, siya pa rin ang nagdidirek habang nagki-kissing scene. Makikita mo siya after nun, siya pa ang magka-cut, siya pa ang magsasabi kung saan. So, mahirap hindi kiligin talaga.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Naghalikan sina Tanggol (karakter ni Coco Martin) at Mokang (karakter ni Lovi Poe) sa teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo.

Read: Batang Quiapo main cast and their roles

Kinilig ba si Lovi sa kissing scene nila ni Coco?

Natawa sina Lovi at Coco sa thanksgiving mediacon nitong Mayo 4, 2023, Huwebes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, lalo pa’t humirit si Pen Medina, “Definitely!”

Itinuro ni Lovi si Pen saka siya nagturan, “Inaasar nga ako ni Tatay, ni Tito Pen na, ‘Ang landi-landi mo!’ Ha! Ha! Ha! Ha! May paganun-ganun ka pa! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Panunudyo pa ni Pen, “Kae-eighteen mo lang!”

Mas madali ba o mas mahirap na naghalikan sila considering na close sila off cam? Take note na co-director at creative director din ng teleserye si Coco.

Napangiti si Lovi, “Well, ahhmm… no… paano ko ba sasagutin? Mahirap namang hindi kiligin, e.

“Sabi ko nga, nagdidirek pa lang siya, ahhmm kinikilig… bakit nakatingin sa akin lahat?” sambit ni Lovi sabay hawak sa bisig ng katabing si Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Lovi, “Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Mahirap kasi talagang hindi kiligin. Di ba, may part doon na nag-e-entrance pa lang? Ha! Ha! Ha!

“Hindi mo maiiwasan, e, kasi parang yun nga, pag pinapanood mo pa lang si Coco na nagdidirek at the same time habang ginagawa ang eksena na yun, siya pa rin ang nagdidirek habang nagki-kissing scene.

“Makikita mo siya after nun, siya pa ang magka-cut, siya pa ang magsasabi kung saan.

“So, mahirap hindi kiligin talaga.”

Magpapakilig din sina Coco at Lovi kasama ang iba pang artista ng FPJ’s Batang Quiapo sa isang special thanksgiving treat sa ASAP Natin ‘To sa Mayo 7, Linggo ng tanghali, sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.

Sa Mayo 8, Lunes, ay matutunghayan ang bagong yugto sa buhay ni Tanggol sa FPJ’s Batang Quiapo.

batang quiapo presscon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nasa istorya ba talaga ng FPJ’s Batang Quiapo na magki-kissing scene na sina Mokang at Tanggol? O naisip lang iyon ni Coco noon?

“Actually ganun yun, e. Ahh…” pakli ni Coco.

Improvised ba ang kissing scene na iyon, o parte talaga ng daloy ng kuwento?

“Hindi, sinadya ko lang yun!” paghalakhak ni Coco na napayuko pa.

“Naisip ko yon ora mismo. Sabi kong ganun, ahhh sabi ko, ‘Maganda ‘to.’ After nung pag-uwi niya, napanaginipan niya pa.

“Fumollow up yung nangyari. Kasi, wala namang nangyari nung debut. Kinilig lang siya na na-appreciate niya na merong pumalit sa escort niya, e.

“Pero ang pinakanakakaano dun… kasi, dapat sa totoo lang, ang eksena dun, nag-kiss lang kami ng isang smack.

“E, nung naramdaman na namin yung music habang sumasayaw kami, nagdire-diretso na.

“Kumbaga, parang dun na lang kami nag-ano. Naramdaman namin, e.”

Sabi pa ni Coco, pinapakiramdaman niya si Lovi.

Dagdag ni Coco, “Kasi siyempre nahihiya ako as an actor. Lalaki pa ako. Baka magmukhang nagti-take advantage ako…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“E, nung naramdaman ko na parang nararamdaman ni Lovi ang eksena, pinaramdam ko na rin sa kanya ang eksena. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Napahagikgik si Lovi at natawa maging co-stars nila na nasa mediacon.

Pagmumuwestra ni Coco, “Yun, e, naramdaman! Dinire-diretso na namin! Sabi nga ni Ma’am Charo (Santos), ‘Kailangan, chemistry!’

“Sabi niyang ganun, ‘Pag walang chemistry yan, hindi tatayo yan,’ sabi niya. E di siyempre, may pressure yun sa likod ko.

“Hindi nawawala sa isip ko yun. Kailangang maramdaman ang chemistry.

“Ipinaramdam namin ang chemistry dun! Kaya naging successful naman, kaya nagpapasalamat kami sa lahat ng manonood!”

GORGY RULA

Masigasig ang mga taga-Batang Quiapo sa pag-promote ng bagong yugto nila dahil magsisimula na ang Voltes V: Legacy ng GMA-7 sa Lunes, May 8.

Maganda rin kasi ang ginawa ng Voltes V: Legacy na nagpa-cinematic experience sila. Nakikita na kung sino ang interesadong panoorin Ito.

May mga fans pa rin kasi ang sikat na animé series na ito nung '70s, at ito rin ang karamihang viewers ng Batang Quiapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang lamang ng Voltes V: Legacy, may nahahatak silang mga kabataang curious kung anong klaseng animé ito.

Nag-adjust naman sina Direk Mark Reyes para magustuhan ito ng Gen Z. Proud silang lahat na nabuo nila ito sa kabila ng challenges na hinarap nila lalo na nung pandemic.

voltes v legacy cast

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng AVP for Drama na si Ms. Helen Rose Sese, proud silang isasama nila sa kanilang portfolio itong Voltes V: Legacy.

“We sacrificed a lot of our time. Yung times na we’d be spending with our families, wala kami dun. But I’m not complaining because this is such a legacy project and I’m really proud na sa amin ito napunta because tangay na namin ito forever.

“Credits to the team behind me na never sumuko sa lahat ng challenges,” pahayag ni Ms. Sese.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe on kilig feels on kissing scene with Batang Quiapo actor-director Coco Martin: “Hindi mo maiiwasan, e, kasi parang yun nga, pag pinapanood mo pa lang si Coco na nagdidirek at the same time habang ginagawa ang eksena na yun, siya pa rin ang nagdidirek habang nagki-kissing scene. Makikita mo siya after nun, siya pa ang magka-cut, siya pa ang magsasabi kung saan. So, mahirap hindi kiligin talaga.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results