PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiko Melendez at Jay Khonghun, kasal na ba?

Marami kasing lihim na nagpapakasal na ngayon.
by PEP Troika
Published May 6, 2023
Aiko Melendez, Jay Khonghun, are they already married?
Dahil uso sa celebrity couples ang lihim at pribado ang kasal, natanong tuloy si Aiko Melendez kung nagpakasal na rin sila ng boyfriend na si Jay Khonghun sa kanilang pagbabakasyon sa Paris, France.
PHOTO/S: @aikomelendez Instagram

GORGY RULA

Isang tanong din ang sagot sa akin ni Jonas Gaffud nang tinanong ko siya tungkol sa pagpapakasal nina Jeremy Jauncey at Pia Wurztbach.

“Tapos na ba? hehehe!” sagot niya nang tinext ko siya kung naka-attend ba siya sa wedding.

Simple at pribado ang kasalang ginanap sa North Island, Seychelles na ikinatuwa ng mga malalapit na kaibigan ni Pia.

Iyon daw ang gusto niya, nang tinanong ko rin si Pauleen Luna kung aware ba siya sa pagpapakasal ng kanyang bestfriend.

“I knew naman na soon na. Wala lang date,” text sa akin ni Pauleen.

“I’m super happy for her,” dagdag niyang text.

Mas magandang tahimik lang at pribado ang seremonyang ginawa. Kaya masaya na raw silang mga friends ni Pia.

So far, wala pang balita kung magkakaroon ba ng gathering dito para sa mga malalapit na kaibigan.

Ang mahalaga ay natuloy ang kasal at nakikitang masayang-masaya ang bagong kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nagpag-uusapan na ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Hulyo, pati nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Uso na ngayon ang mga very intimate at private wedding. Yung iba, kasal na nga, hindi na lang ipinaalam, di ba?

After Pia, all eyes are on Catriona Gray. Kailan naman kaya sila ni Sam Milby?

JERRY OLEA

May ibang showbiz couples na matagal nang engaged, pero wala pa ring petsa kung kailan ang kasal.

Nang mag-Facebook post si Quezon City Konsi Aiko Melendez ng kissing photo nila ni Congressman Jay Khonghun noong Abril 24 kung saan nasa background ang Eiffel Tower, may mga nagtanong kay Aiko kung kasal na ba sila.

Nilinaw niyang hindi pa. At game na game pang inilista ni Aiko ang ilan sa mga kukuning ninong at ninang.

Sa group chat ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) with Aiko, sinabi pa ng actress-politician (published as is), “Ahhahahahahaha nangangarap lang! Wala nga proposal pero me ninong at ninang ako ahahahahahah!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sinong groom ahahahaahah Si casper ahahahahah!”

Just the same, bumati na kami ng "Congrats" at "Best Wishes" kina Aiko at Jay.

Sey ni Aiko, “Hindi pa wala pa ahahhahaha invited kayo kng sakali. Di ako madamot sa press mahal ko kayo kaya dapat wag ipagdamot nangangarap lng ako kanina. Kasi ang ganda ng view ko kanina”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil uso sa celebrity couples ang lihim at pribado ang kasal, natanong tuloy si Aiko Melendez kung nagpakasal na rin sila ng boyfriend na si Jay Khonghun sa kanilang pagbabakasyon sa Paris, France.
PHOTO/S: @aikomelendez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results