GORGY RULA
Napapag-usapan noon ang alok ng NET25 sa Eat Bulaga!.
Ang latest namang nasagap ng PEP Troika ay ang posibilidad na paglipat ng Tropang LOL sa NET25.
Read: Tropang LOL, pormal nang nagpaalam sa ere
Ayaw itong kumpirmahin sa amin ng supervising producer ng Tropang LOL na si Ms. Pat-P Daza ng Brightlight Productions, pero hindi niya itatangging may pag-uusap. Ang tanging hangad lang daw nila ay tuluy-tuloy pa rin ang trabaho ng mga staff, at ang mga host na naging close na sa isa’t isa.
Nakikita raw ang masayang samahan ng mga host, at kung sakali ay gusto nilang sila pa rin ang magkakasama, walang mababawas.
Read: Tropang LOL, posibleng ilipat sa ibang network pagkatapos ng last airing nito sa TV5
Sinasabi naman ng iba na kapag nasa NET25 na ang Tropang LOL ay may mga restriction na ito.
Nilinaw ng presidente ng NET25 na si Ka Caesar Vallejos na commercial station ang NET25, pero gusto raw nilang talagang wholesome ang entertainment programs na mapapanood sa naturang istasyon.
“Let me clarify that NET25 is a commercial TV station. As a commercial TV station, we accept sponsorships, we accept TV advertising and we get corporate sponsors.
"So our programming is in the general entertainment cluster. Hindi kami doon sa… we are not supposed to be in the news and religious cluster.
“Kasi if you have cable, the news and religious clusters, nandun sa dulo. So, dito naman sa NET25, dapat nandun kami sa general entertainment cluster,” pahayag ni Ka Caesar nang nakatsikahan namin kamakailan.
NOEL FERRER
Kung sakaling magkasundo at matuloy ang paglipat ng Tropang LOL sa NET25, willing daw silang mag-adjust at sumunod sa guidelines ng naturang istasyon.
Noon pa man ay wholesome na raw ang Tropang LOL, at advertiser-friendly pa ito.
Sasd ni Ka Caesar, “We are the genuine wholesome family programming network. So, that is what we offer.
“Others claim that, but is it really family-friendly. Is it really a… when they say wholesome, is it really wholesome?
“With us, we adhere to that values. We promote it as a wholesome family programming channel.”
Sana, dahil dito, maging financially viable ang NET25.
JERRY OLEA
Kumusta na ang Face 2 Face ni Karla Estrada, ang programang pumalit sa Tropang LOL umpisa May 1, Labor Day?
Read: Kumusta ang pilot episode ng 'Face 2 Face' ni Karla Estrada?
Kumusta na ang commercial load dito? Bet ba ng advertisers na maglagay ng mga patalastas sa rebranded Face 2 Face?
Negatron ang dating ng mga bangayan noon sa Face to Face, kaya kahit tumatak iyon sa televiewers ay inayawan ng advertisers.
Sa Eat Bulaga! nga, kapansin-pansin na nabawasan ang kanilang commercial load matapos lumutang ang mga isyu rito.
Read: FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
Patuloy na nagbabago ang TV landscape. Abang-abang tayo kung kailan magpu-full blast ang ALLTV, ang bagong Channel 2.
Read: Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere
Ngayong Mayo 8, Lunes ng gabi, kapana-panabik ang salpukan ng pilot episode ng Voltes V: Legacy at ng bagong yugto ng FPJ’s Batang Quiapo.
Sinasabing itong Voltes V: Legacy ang pinakamagastos na serye ng Kapuso Network so far.
Three to four years in the making, hindi minadali, hindi tinipid.
Si Coco Martin ay tinaguriang Hari ng Telebisyon. Bilang Tanggol sa FPJ’s Batang Quiapo, pinataob niya ang Mga Lihim ni Urduja.
Abangan natin ang pakikipagbakbakan ni Tanggol sa robotserye umpisa ngayong gabi!!!
