PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Voltes V vs Quiapo: TV ratings, YouTube views lineup

Voltes V: Legacy, nagpakitang gilas agad sa TV ratings.
by PEP Troika
Published May 9, 2023
voltes v coco martin primetime
Voltes V vs Tanggol: who won in the ratings game and YouTube views?

GORGY RULA

Tila umepek ang pa-cinematic experience ng Voltes V: Legacy kaya nagkaroon ng curiosity sa millennials hanggang Gen Z ang animé series na ito nung late '70s. Puspusan ang promo nila at minu-minutong teaser sa GMA-7.

Mataas ang rating ng pilot episode ng Voltes V: Legacy: 14.6% ang combined rating nito sa GMA-7, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Ang katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo ay 10.6% ang combined ratings sa apat ding channels (Kapamilya Channel, TV5, A2Z, at CineMo!).

Challenge ito ngayon sa Voltes V: Legacy kung paano nila mami-maintain ang mataas na ratings dahil tiyak na hindi magpapabaya si Coco Martin para mabalik ang interes ng mga manonood kay Tanggol.

Pero mukhang marami na rin ang interesado sa limang bida ng Voltes V. Kahit ang guesting nila sa Fast Talk With Boy Abunda kahapon ay mataas din ang rating. Naka-5.8% ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan natin ang susunod pang magaganap kina Steve Armstrong (Miguel Tanfelix), Jamie Robinson (Ysabel Ortega), Mark Gordon (Radson Flores), Big Bert Armstrong (Matt Lozano), at Little Jon Armstrong (Raphael Landicho).

NOEL FERRER

Grabeng inabangan ang tapatang Voltes V at Batang Quiapo kagabi.

Just to provide context, in terms of reach, expected nating umungos ang istasyon na may franchise. Aminin natin, hindi patas ang labanan rito sa TV ratings, at feat para sa Batang Quiapo (or any ABS-CBN show) na makaungos sa isang GMA show.

And yes, we’ve seen ABS-CBN now as a content creator na nagko-collab at nagse-service sa iba’t ibang plaftorms. But given the new landscape, maganda ring malaman ang numbers sa digital engagements ng dalawang magkarapat na show.

Sa concurrent live viewers ng YouTube kagabi na nag-peak at 8:42 p.m., naka-38,407 ang Voltes V versus 278,271 ang Batang Quiapo, according to Philippine TV Official.

Ibig sabihin, kanya-kanya silang audience talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tanong: sa ginagastos nila sa produksiyon, maganda ring malaman, ano kaya ang kanilang kita?

I-enjoy natin itong mga susunod na araw ng mga bagong panoorin. Kasi, parang panahon natin, it’ll definitely get hotter.

JERRY OLEA

Wagas ang bakbakan ng Voltes V: Legacy at FPJ’s Batang Quiapo sa ratings, online views, pagte-trending, at commercial load.

Tuluy-tuloy ang ilang cast members ng Batang Quiapo sa Katok Bahay nila. May laban ba iyon sa TV promo ng Kapuso Network para sa Voltes V: Legacy?

Narito ang ratings ng iba pang programa noong Lunes, Mayo 8:

Eat Bulaga!, 7.2% versus It’s Showtime, 1.9%

Abot Kamay ang Pangarap, 10.5%; AraBella, 8.9%; The Seed of Love, 7%

Fast Talk With Boy Abunda, 5.8; Game of Outlaws, 4%

Ang Family Feud, kung saan naglaro ang grupong BGYO at BINI, ay naka-9.8%.

Ang 24 Oras ay 15.4%, at ang TV Patrol ay 3.3%.

Ang Frontline sa TV5 ay 1%, at ang True Beauty ay 1.6%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Siyanga pala, maghahatid ng mga balita at trending na mga istorya ang "Patrol ng Pilipino" ng ABS-CBN News sa pamamagitan ng mga vertical short-form na video na mapapanood sa Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube.

Layunin ng “Patrol ng Pilipino” na maabot ang mas maraming audience at magdala ng mga content tungkol sa mga trending na balita, at araw-araw na kuwento ng pag-asa at inspirasyon.

Bukod sa paghahatid ng mga balita, tampok din sa “Patrol ng Pilipino” ang mga makabuluhang explainers, mga feel-good na panayam sa kalye, at mga behind-the-scenes footage sa pagbabalita.

At nasa TikTok na ang flagship news program ng ABS-CBN News na TV Patrol, kung saan mapapanood ang mga report at mga orihinal na napapanahong content.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Voltes V vs Tanggol: who won in the ratings game and YouTube views?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results