GORGY RULA
Maingat at tipid lang ang sagot ng American actor na si Lee O’Brian kapag tungkol sa isyu nila ng dating partner na si Pokwang ang pinag-uusapan.
Sandali namin siyang nakapanayam sa mediacon at press screening ng pelikulang Sandwich na mapapanood sa Vivamax simula Mayo 19, 2023.
Kasama si Lee O’Brian sa pelikulang ito na tinatampukan nina Nico Locco, Kat Dovey, Luke Selby, at ang apo ng veteran actress na si Marissa Delgado na si Andrea Garcia.
Aware daw siya sa mga ipinu-post ni Pokwang sa social media, pero hindi nagsalita si Lee laban sa dating partner.
Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."
Sabi lang niya: “All I can say is, I love my daughter more than anything in this world.
“And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child in this world.
“And that’s my story. That’s all I can say.”
Hindi lang niya idinetalye kung ano ang susunod na mangyayari. Pero may mga pag-uusap naman daw sila.
Ang tanging hangad lang daw niya ay maayos na ang lahat.
Umiling siya nang hiningan namin siya ng mensahe para kay Pokwang.
“I hope for the best for everyone involved, the most for my daughter,” sabi ni Lee.
Itong Sandwich ay directorial debut ng protégé ni Direk Brillante Mendoza na si Jao Daniel Elamparo.
NOEL FERRER
Kumusta na kaya si Lee O’Brian?
Sana oky naman ang kalagayan niya sa gitna ng hinaharap niyang pagsubok sa kanyang personal na buhay.
Ano na kaya ang status niya ngayon sa bansa? Balik-tourist na ba siya ulit ngayong wala na siyang kinalaman kay Pokwang?
Mukhang hindi na magkakaayos sina Pokwang at Lee.
Sana lang, mahanap nila ang kani-kanyang kaligayahan.
JERRY OLEA
Hindi naghubad o nakipaglampungan si Lee sa Sandwich. Gumanap siya bilang tatay ni Luke.
Umaatikabo ang daring scenes dito nina Kat, Luke, Nico, at Andrea.
Kagaya sa Vivamax film na Alapaap ay nag-frontal si Luke, pero huling paghuhubad na raw niya ito.
Napalaban din sa pagtatalop at pakikipagbardagulan sina Millen Gal, Chadd Solano, Sahil Khan, Michael Olusegon, Akira Jimenez, at Ayra Salvador.
Kasama rin sa pelikula sina Chesca Paredes, Regine Tolentino, Kathy Mulville, Lucas Matthew Francia, Jean Kiley Manguera, Phoebe Walker, Apollo Abraham, Rene Durian, Maria Jovanni Soriano, at Joggy Lejano.
Ang creator ng Sandwich ay si Direk Brillante Mendoza.

(From left) Lee O'Brian, Luke Selby, Kat Dovey, director Daniel Elamparo, Andrea Garcia, Nico Locco, and Brillante Mendoza
Ang istorya nito ay nangyari within 24 hours, noong mag-uumpisa na ang lockdown sa Kamaynilaan dahil sa COVID-19 pandemic. Inglesan nang Inglesan dito ang karamihan sa mga karakter, kaya swak sa cast si Lee O’Brian.
Panonoorin kaya ni Pokwang itong Sandwich?
Related Stories:
- Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”
- Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”
- Pokwang tells on ex-partner Lee O'Brian not giving child support: “5years!!!!”
- Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”
- Pokwang calls bashers “mga hypocrite”: “Ang dami kong work sobra kaya MAMATAY SILA SA INGGIT!!!!!”
- Hiwalayang Pokwang at Lee O'Brian, hahantong sa korte?
- Pokwang, may gustong bawiin kay Lee O'Brian kaya kumonsulta sa abogado
- Pokwang relieved she did not marry Lee O’Brian: “Buti na lang.”
- Pokwang fumes at ex-partner Lee O’Brian; calls him "ingrato"
- Pokwang to find peace when ex-partner Lee O’Brian leaves the Philippines
- Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"
- Pokwang replies to "iba yong glow mo ngayon" comment: "Wala na akong patabaing biik."
- Pokwang not done yet with tirades against Lee O’Brian: "Wala syang katahimikan!"
- Pokwang claims ex-partner Lee O’Brian never defended her from bashers: “Tinatawag akong unggoy, chonggo”
- Pokwang on visitation rights of ex-partner Lee O’Brian to their daughter: “Ayoko po, nope!”
- Pokwang "congratulates" ex-partner Lee O'Brian for finding new love
- Pokwang not done yet with ex-partner Lee O’Brian: “Wag magpapatalo sa dayo.”
