PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia Grateful for Kapuso Welcome

Joshua, todo hataw na sa pag-promote ng Unbreak My Heart
by PEP Troika
Published May 13, 2023
joshua garcia ang mga kaibigan ni mama susan
Joshua Garcia, lubos ang pasasalamat sa GMA-7 para sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa Unbreak My Heart co-star niyang si Jodi Sta. Maria. Aniya, "Warm yung welcome nila sa amin. Talagang ang babait ng mga tao doon."
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook

GORGY RULA

Kakaibang experience din para kay Joshua Garcia nang in-allow sila na mag-promote sa GMA-7.

Malapit na ang airing ng Unbreak My Heart na collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN, kaya nagsisimula na sila ni Jodi Sta. Maria na mag-tape sa ilang programa ng GMA-7 para makapag-promote.

Nag-taping na sila para sa All-Out Sundays at nai-post ni Jodi na parang kinikilabutan siya nung first time niyang tumuntong ng GMA-7.

Ganundin ang nararamdaman ni Joshua. Pero nagpapasalamat siya sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga taga-Kapuso.

“Ibang experience siya na natutuwa kami ni Jodi. Pero hindi kami masyado…. warm ang ano nila, e. Warm yung welcome nila sa amin. Talagang ang babait ng mga tao doon.

“Nahihiya kami siyempre. Nandun lang kami nakatayo lang kami sa isang sulok.

“And then, masaya kami na na-experience namin ang All Out Sundays. And I think magkaroon pa kami ng maraming guestings,” pahayag ni Joshua sa nakaraang red carpet premiere ng pelikula niya sa Regal Entertainment na Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Mayo 18 na mapapanood sa Amazon Prime ang pelikula niyang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan. Kaya puspusan ang pagpu-promote niya.

Pero nagsisimula na rin siyang mag-promote ng Unbreak My Heart.

Bukod sa All Out Sundays, nakatakda na rin siyang maglaro sa Family Feud ni Dingdong Dantes.

May guesting din daw siya sa Eat Bulaga, at iba pang programa sa GMA-7.

JERRY OLEA

Si Gabbi Garcia raw ang isa sa nag-istima sa kanila sa GMA-7 at isa raw sa hindi niya makalimutan na sinamahan daw siya ng Kapuso actress na mag-tour sa GMA-7.

“Tinour ako ni Gabbi. Nandun lang kami sa isang office na medyo pinagbawalan doon.

“Thank you sa ABS at sa Star Magic kasi pinayagan nila kami mag-promote dun at mag-guest, tumuntong sa GMA.”

NOEL FERRER

Bukod sa first time na gumawa ng project si Joshua Garcia na collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN, natutuwa rin daw siya dito sa pelikula niyang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, dahil bago rin daw ito sa kanya na wala siyang ka-loveteam sa pelikulang ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang dami ko kasing nagawang puro may love teams e. This time, parang bago din sa akin.

“Masaya ako na nasubukan ko rin siya.”

Nakipagtagisan si Joshua ng husay sa pag-arte sa pelikula sa premyadong si Angie Ferro.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia, lubos ang pasasalamat sa GMA-7 para sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa Unbreak My Heart co-star niyang si Jodi Sta. Maria. Aniya, "Warm yung welcome nila sa amin. Talagang ang babait ng mga tao doon."
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results