PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anjay Anson, tikom ang bibig sa sex video issue

Anjay Anson, handa nang sumabak sa comedy
by PEP Troika
Published May 14, 2023
Anjay Anson
Anjay Anson, handa nang sumabak sa comedy bilang bahagi ng cast ng bagong GMA-7 sitcom na Open 24/7, na pinagbibidahan nina Vic Sotto, Maja Salvador, Jose Manalo, Riel Lomadilla, Sofia Pablo, Allen Ansay at mga bagong Sparkle hunks.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Tampok sa bagong sitcom ng GMA-7 na Open 24/7 ang mga bagong Kapuso hunks ng Sparkle ng GMA Artist Center.

Bukod kina Vic Sotto, Maja Salvador, Jose Manalo, Riel Lomadilla at ang Sparkle Sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay, kasali rin ang mga nagaguwapuhang may foreign blood na sina Anjay Anson na may halong Indian, Abed Green na American, Kimson Tan na Chinese, at si Bruce Roeland na may Belgian blood.

Makakatulong din sa naturang sitcom ang kakisigan at kaseksihan nila.

Napapangiti na lang si Anjay Anson nang sinabihan kong mas marami ang magnanasa sa kanya, lalo na’t napag-usapan ang sex video niya. Pero hindi pa handa si Anjay na pag-usapan ito nang hiningan ko siya ng reaksyon kaugnay dito.

“Siguro, this is not the right time to talk about it.

“Siguro after a while din po… pag ready na lang po, and I was a minor din po that time,” pahayag ni Anjay.

“As of now, mixed emotions pa rin naman po, and okay na lang po yung 24/7 na lang po yung pag-usapan. Iyun din po yung focus ko na rin po, e.”

Thankful siyang napasama siya sa Open 24/7 dahil ang ganda raw ng ideyang pagsamahin silang magkakaibang lahi.

“Nakita po na ang ganda po ng chemistry namin kasi iba-iba po kami ng lahi. Dun po na-build up yung store.

“Kasi ang ganda rin po ng idea na may store na iba-iba po yung nationality ng mga nagtatrabaho dun,” sabi pa ni Anjay.

Sa Mayo 27, Sabado ng gabi, pagkatapos ng Magpakailanman na magsisimula ang Open 24/7 na ideya at dinirek ni JR Reyes under MZet Productions.

JERRY OLEA

Sabi pa ni Anjay, sa unang taping pa lang daw nila ay parang pamilya na raw ang turing nila sa isa’t isa. Kaagad na nagkakasundo na raw silang lahat.

“I’m starting to learn how the chemistry works, e. Nakakatuwa rin po yung pagwu-work din po namin as a group, as family.

“Masaya po yung first day namin. Lahat po kami nagba-bonding, nagkukuwentuhan.

“Nakakatuwa lang, kasi kahit yung mga… kahit mga behind the scenes, yung mga jokes po nila, sina Bossing, nila Jose, tawang-tawa pa rin po talaga ako.”

Nakakatuwa lang daw na pagpasok pa lang nila ng set ay ang ganda na raw ng vibes.

“Actually, nararamdaman ko pagpasok pa lang po ng set, pag nakita ko po sila, parang nararamdaman mo na agad yung presence na…yung vibe na alam mong matatawa ka na.

“Kahit pag nandun na kami sa set, lagi siyang good vibes, nagtatawanan lang kami. And parang nakakatulong din po siya sa mga eksena namin kasi parang comedy is sort of kailangan maging happy ka rin internally. Kailangan hindi mo lang pinapakita, kailangan maramdaman mo talaga.”

NOEL FERRER

Dapat talagang maging maingat ang mga kabataan ngayon sa kanilang ginagawa.

Sa nangyari kay Anjay, kailangan niyang gumawa ng isang napakahusay na proyekto para mabura ang kumalat na video na ginawa niya noong 17-anyos pa lang siya.

Sana, magandang simula na nga itong Open 24/7.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjay Anson, handa nang sumabak sa comedy bilang bahagi ng cast ng bagong GMA-7 sitcom na Open 24/7, na pinagbibidahan nina Vic Sotto, Maja Salvador, Jose Manalo, Riel Lomadilla, Sofia Pablo, Allen Ansay at mga bagong Sparkle hunks.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results