GORGY RULA
May jet lag pa raw si Ruru Madrid nang humarap siya sa PEP Troika pagkatapos niyang pumirma sa isang pharmaceutical company ngayong Martes, Mayo 16, 2023.
Nung nakaraang linggo pa dumating si Ruru galing Europe para sa taping finale ng GMA-7 primetime series na The Write One, pero nagkaka-jet lag pa rin daw siya.
Kuwento ni Ruru, sobrang na-enjoy nila ng girlfriend na si Bianca Umali ang bakasyon nila sa Europe. Sa Paris, France kinunan ang ending ng The Write One, na bagay talaga roon kukunan ang mahahalagang eksena ng ending nito.
Pagkatapos ng taping, tumuloy na sila sa bakasyon at very memorable daw sa kanila ang pagpunta nila sa Eiffel Tower.
Sa araw sila unang pumunta, pero gusto raw nilang ma-witness ang pag-ilaw ng Eiffel Tower sa gabi.
Read: Ruru Madrid at Bianca Umali, itutuloy na sa bakasyon ang taping sa Paris
Kuwento ni Ruru, “Na-try namin pumunta kami ng gabi, eksaktong-eksakto nag-sparkle ang Eiffel Tower, naiyak si Bianca. So, naiyak na rin ako.
“Sabi ko, ‘Bakit nakakaiyak dito?’ Sabi niya, ‘Ganun kaganda yung Paris.’
“Then after that, we went pa sa Amsterdam. After namin mag-picture sa Eiffel Tower, takbo kami. Sakay kami ng Metro, diretso kami ng bus station going to Amsterdam. Punta na kami ng Amsterdam.
“Backpacker kami dun. Idlip lang kami. Nakadating kami dun ng 6:00 a.m., lakad lang kami nang lakad. Nag-try kami ng iba’t ibang restaurants.”
Sa ganda ng Eiffel Tower, naisip daw ni Ruru na maganda pala mag-propose doon.
“Actually, medyo parang sumagi na siya sa isip ko. Pero sabi ko, may perfect timing naman lahat ng bagay na yun.
“Kami ni Bianca, sobrang bata pa naman naming dalawa, at marami pa kaming mga bagay na priorities right now. Especially sa kung papano…
"Parehas kami magtrabaho, e. Very passionate when it comes to our craft. May perfect timing para sa mga bagay na yan,” pahayag ni Ruru.
Si Ruru ang kinuhang brand ambassador ng Jimm’s 3-in-1 Coffee, at natutuwa ang Kapuso actor dahil coffee drinker daw talaga siya.
Ie-endorse din niya ang bagong produkto ng Goldshine Pharmaceuticals, Inc. na Jimm’s Private Masculine Wash. Natatawa si Ruru na sinabi sa aming makakagamit na raw siya ngayon ng masculine wash.

JERRY OLEA
Ayon kay Ruru, napagkasunduan nila ni Bianca na magbiyahe sila ulit. Itong huli nilang bakasyon ay doon daw niya nakita kung paano mag-alaga ang girlfriend.
“Nakita ko kung gaano siya kaalaga. Kung gaano siya magmahal. Hindi lang po sa akin, pati sa lahat na tao sa paligid niya. Ganun siyang klaseng tao.
“Kumbaga, pag tinanong siya ng mga kaibigan, ang tawag sa kanya, 'Tita.' Kasi, sobrang maalaga siya. Siya yung nagluluto, siya yung nagliligpit ng pinagkainan, siya lahat.
“Pero siyempre, gusto ko rin tumulong, kasi nakakahiya naman sa kanya. Saka siya rin nagturo sa akin pagdating sa mga ganyang mga bagay. Kung paano asikasuhin ang sarili,” saad ni Ruru.
NOEL FERRER
Hindi pa man tapos ang project nilang The Write One, may nakalinya nang bagong teleserye si Ruru.
Hindi lang isa kundi dalawa—kung isasama ang Part 2 ng hit serye niyang Lolong.
Tapos may naka-line up pang pelikula, na talaga namang pampalaki nilang artista. Kasi, dito mate-test ang kanyang bankability as an actor na may paying audience.
Tapos heto na ang simula ng pagkakaroon niya ng solid endorsements. Kasi naman, Ruru knows what he wants and he stands for being real and being true to himself kaya yung authenticity ay ramdam ng audience sa kanya.
Lipas na ang mga hang-up sa pa-tweetums na loveteam arrangement. All out na!!!
Tunay na marami pang magaganda at magagaling na bagay na puwedeng magawa ni Ruru. At susuportahan nating lahat iyan!!!
