GORGY RULA
Bukod sa makulay at kontrobersiyal na national costume ng 40 official candidates ng Binibining Pilipinas, pinili na rin sa nakaraang preliminary ng national beauty pageant ang Miss Blance Beaute by Beautederm.
Napanalunan ng 25-year-old model at German teacher na si Annalena Lakrini ng Bataan ang titulong ito.
First time na mag-sponsor ang may-ari ng skincare products na si Rhea Anicoche-Tan sa naturang beauty competition. Gusto lang daw niyang maging bahagi ang kumpanya niya sa patimpalak na ito para makapagbigay ng tips for success sa mga kababaihan.
“These young women may find inspiration and learnings from what I went through in my business journey. I am willing to share what I can and impart guidance,” pahayag ni Ms. Rhea.
Si Annalena Lakrini ay makakatanggap ng P500,000 worth of skincare products at P100,000.
JERRY OLEA
Noong May 8 ay nagsadya ang 40 Binibining Pilipinas candidates sa Beautederm headquarters sa Angeles City.
Ilan sa celebrities na nag-welcome at nag-istima sa kanila ay sina Edgar Allan Guzman, Kakai Bautista, Thia Tomalia, at DJ Jaiho.

Kinumpirma ni Ms. Rhea na ang mapipili ng kanyang skincare company sa Binibining Pilipinas ay magiging bahagi na rin sa mahigit 80 na endorsers nito.
Sandaling nakatsikahan ng PEP Troika si Rodgil Flores ng Kagandahang Flores. Maganda raw ang labanan ngayon ng Binibining Pilipinas dahil ang daming magaganda at deserving sa korona. Pero wala talaga yung malakas na marami ang humuhulang manalo.
Sa 40 candidates, 22 ang hawak at tini-train ng Kagandahang Flores.
Siyangapala, ang Grand Parade of Beauties ng timpalak ay sa Mayo 21, Linggo ng 4:00 p.m., sa Araneta City Grounds, Cubao, Quezon City.
Tampok din siyempre sa parada ang 2022 reigning queens ng Binibining Pilipinas.
NOEL FERRER
Parang interesting ang magiging Binibining Pilipinas this year dahil nakita ko, sobrang hands on pa rin talaga si Madame Stella Marquez de Araneta.
Tingnan natin kung payapa at walang magbu-boo na crowd at walang #CookingShow na magte-trending.
Timpalak ito ng beauty kaya dapat kagandahang panlabas at panloob ang makita talaga ng mga tao rito. See you all sa Mayo 28 sa Araneta Coliseum!
