PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Main host hindi compatible sa format ng show?

May cast member din na di naman feel ng advertisers.
by PEP Troika
Published May 31, 2023
Blind Item
May mga nagsasabing baka hindi magtagal ang bagong show kung magpatuloy ang zero commercial load at poor ratings. Dahil kaya ito sa format o main host or what?
ILLUSTRATION: Igi Talao

GORGY RULA

Medyo nagtaka kami nang slight nang nakarating sa amin ang balitang hindi pala type ng advertisers ang isa sa cast ng bagong programang araw-araw na napapanood kaya hindi pinapasok ng commercials.

Bukod sa hindi nila type ang format ng show, nega raw ang dating sa kanila ng isa sa cast.

Hindi ko na napapanood uli ang programang ito kaya hindi ko lang sure kung nandoon pa rin siya. Pero pinag-uusapan na pala ito ng mga taga-network.

Naghuhulaan na raw ang iba kung tatagal ba ang programang ito na halos zero ang commercials. Hilahod din sa ratings.

READ Magandang Aktres, kinikilalang Miss Take sa set ng pinagbibidahang serye

Matagal-tagal na silang nagpapasabog ng kuwento, pero wala talagang dating.

Ang daming sinisisi ng iba.

Mahina raw ang Main Host o MH.

Napapansin ng karamihan na umaasa lang ito sa ipini-feed ng writer. Halata rin daw na nagbabasa lang ito sa teleprompter o idiot board na ginagawa ng writer. Masasabing hindi raw talaga opinyon ni MH ang mga sinasabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dami pang negatibong comments kaming naririnig tungkol kay MH at sa programang ito, pero tama na muna yun.

Mabait naman si MH at maayos ang pakikisama sa mga katrabaho. Pero nakakapanghinayang lang dahil meron sigurong mas nababagay na show para sa kanya.

Ideya raw ng ilang executives itong show na ito, at talagang ipinaglalaban nila, kahit may naapektuhang ibang show. Pero waley talaga! Hindi napapag-usapan at walang dating sa mga manonood.

READ Controversial actress, nabuntis ng controversial din niyang boyfriend

NOEL FERRER

Marami akong narinig na feedback na pinangangatawanan na lang daw ng pamunuan itong show na ito, pero it’s starting to gain traction.

It must be the show, hindi lang hosts at panelists ang medyo outdated kaya hindi masyadong masakyan ng masa.

Let’s see sa mga susunod na mga araw kung may babaguhin sila.

READ Byuti Aktres, bratinella no more sa boyfriend niyang Guwapong Aktor?

JERRY OLEA

Huwag na nating ipamukha kung kanino man ang paggapang ng nasabing programa sa ratings at commercial load.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

For sure, makakabangon at makakabangon si MH sakaling matigok na ang show. Ewan kung may maimumungkahi ba si MH sa kasamahan niya sa programa na ayaw ng advertisers.

Tuloy ang ikot at ikit ng kani-kanyang mundo, at mapupunan nila ng pansin at panahon ang iba pang bagay-bagay.

READ Dalawang celebrity moms, malakas ang kamandag sa fitness instructors

Read Next
Read More Stories About
blind item, showbiz tita
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga nagsasabing baka hindi magtagal ang bagong show kung magpatuloy ang zero commercial load at poor ratings. Dahil kaya ito sa format o main host or what?
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results