JERRY OLEA
Posibleng magkatrabaho muli sa isang pelikula ang estranged couple na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz.
“Nung graduation ng anak ko, for almost three hours, magkatabi kami sa upuan, e,” kuwento ni Sunshine sa mediacon ng teleseryeng Unbreak My Heart noong Mayo 25, 2023, Huwebes, sa Vertis North Seda Hotel, Quezon City.
“So we talked about things na meron siyang script na parang… he’s considering me to be a part of it. Sabi ko, ‘Why not?’
“And then he talked about yung na-COVID siya, na almost, no, na muntik na siyang ma-intubate. Yung mga ganung kuwentuhan.
“And we talked about, of course, Kath, the kids, yung mga anak niya rin with Kath, yung mga ganun.”
Ang Kath na tinutukoy ni Sunshine ay ang current dyowa ni Cesar na si Kath Angeles.
Read: Sunshine Cruz and Kath Angeles continue to forge friendship; strengthen blended family setup
Hindi alam ni Sunshine kung co-stars lang sila ni Cesar sa nasabing project, o kung si Cesar din ang direktor niyon.
Matatandaang namukadkad noon ang pag-ibig sa pagitan nina Cesar at Sunshine sa pelikulang Bullet (1999) na pinagbidahan nila, at si Cesar mismo ang nagdirek.
Personally, ano ang dating kay Sunshine ng titulong Unbreak My Heart?
Napangiti ang aktres, “Well, my heart is always whole because I look at the positive side of life, and blessings.
“Kasi ako, talagang appreciative ako sa mga nangyayari sa akin. And hindi na muna tayo magpo-focus sa mga ganyan.
“Sabi ko nga, it’s something na after what happened to me in the past — ayoko nang magpabebe when it comes to love life, 45 na ako.
“Dalaga na yung mga anak ko! Mahiya naman ako sa mga anak ko! So I’d rather keep my love life private.”
OK lang ba sa kanya na magka-love life na ang mga anak niya?
“Mga dalaga na, e. May mga manliligaw naman talaga. Ako nga, 14 years old pa lang, nililigawan na dati!” bulalas ni Sunshine.
“So, just as long as they’re open sa akin, and open naman ang communication namin, at higit sa lahat… honor students! Focus sa studies, e.
“So, parang ang akin, guidance lang talaga. Ang importante lang, ma-guide-an ko sila, makausap ko sila.
“And it’s such a blessing for the kids na hindi lang naman sa akin. Meron na rin silang relationship sa tatay nila at nakakausap din nila yun.
“Siyempre iba ang perspective pag lalaki.”
GORGY RULA
Hindi maganda ang paghihiwalay noon nina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Matagal ding pinagpiyestahan ang gulo nila na umabot pa sa demandahan.
Read: EXCLUSIVE: Sunshine Cruz reveals honeymoon nightmare, abuse leading to marriage breakdown
Kaya sino ang mag-aakalang magkakaayos sila para sa kanilang mga anak? Nagagawa nilang buuin ang pamilya kahit may kanya-kanya na silang buhay.
Sabi naman ni Sunshine, sa kabila ng mga pinagdaanan nila noon, naniniwala siyang magiging maganda ang kahihinatnan nito.
“I think it’s possible naman ever since. But we just needed time. Kumbaga sa sugat, hindi naman agad naghihilom at darating ang panahon, isang araw, magigising ka, that everything is okay.
“Nakikita ko na masaya ang mga anak ko kapag kasama nila si Tita Kath nila, mga siblings nila at si Cesar.
“Who am I not to be happy? Buhay ko ang mga anak ko. Kaligayahan nila, kaligayahan ko,” pahayag ni Sunshine.
At least kumpleto sila, at buo ang pamilya at nagkakasuportahan sa bawat ginagawa ng kanilang mga anak.
“Masarap lang yung feeling na yung mga milestones ng mga anak ko, magkasama na kami, di ba? Magkakasama kami.
“Blessing yun. Blessing for us. Ganun talaga, time heals all wounds,” sabi pa ni Sunshine.
NOEL FERRER
Supposedly, guest lang dapat si Sunshine sa Unbreak My Heart.
“Guest lang ako. Sinabi sa akin na Milan ang shoot but I’ll be guesting only,” kuwento ng aktres.
“So I said, ‘Sige na rin, at least makatrabaho ko sina Jodi at Papa Chen after Be Careful With My Heart which was 2012.
“Picture lang at saka flashback ako dun. Kasi nung time na yun, full-time housewife pa ako nung 2012.
“So sabi ko, ‘Sige na nga kahit ano, at least makakapunta ako ng Milan! Saka makakatrabaho ko sila!’
“And then pag-uwi ko dito from Milan, ahhmm nagkaroon ng call yung handler ko telling us na I’ll be regular na!
“Siyempre tuwang-tuwa ako!”
Ang Unbreak My Heart ay pinapangunahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia, at Gabbi Garcia. Nasa cast din nito sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, and Victor Neri, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yap, Mark Rivera, Will Ashley, Jeremiah Lisbo, at Bianca de Vera.
