PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TAPE, Inc. Reveals New 'Eat Bulaga!' Hosts

TAPE Inc. execs, magsasalita sa Eat Bulaga ngayong araw?
by PEP Troika
Published Jun 3, 2023
Eat Bulaga logo
Kabilang diumano sa lineup ng bagong hosts ng Eat Bulaga ang mga natanggal noon na hosts ng show at isang hindi kasamang nagsumite ng resignation letter sa TAPE, Inc. nung May 31, 2023.

GORGY RULA

Sa patuloy na pagtutok natin sa mga susunod na magaganap sa Eat Bulaga, ang latest na nasagap ng PEP Troika, replay pa rin ang mapapanood sa naturang noontime show ngayong araw, June 3, 2023.

Natural na magre-replay pa rin sila dahil hindi ganun kadali mag-mount ng pagbabalik-live ng naturang show kung wala pang nabubuong hosts at pati sa production staff.

Ang latest naming nasagap, magla-live daw ngayong araw sa Eat Bulaga ang dalawang executive ng TAPE, Inc. dahil meron daw silang ilalabas na statement.

Wala lang kaming ideya kung ano ang mga sasabihin, pero may mga nabubuo na raw na lineup ng hosts.

Hindi lang kami sure kung ipakikilala na sila, pero baka sa Lunes daw ay lalabas na sila nang live.

Magsisimula na raw silang mag-rehearse ngayong araw ng Sabado.

May ilang pangalan na kaming naririnig, pero hindi pa raw talaga final. Pero karamihan ay mga komedyante na galing sa Sparkle ng GMA Artists Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat lang kami na nasa listahan ang isang singer/actress na galing sa isang noontime show.

Sino kaya ang nagdala sa kanya sa TAPE?

Lalabas din naman ang mga pangalan nila isa sa mga araw na ito. Ang abangan pa natin ay kung kasali ba ang isa sa mga Dabarkads na wala ang pangalan sa resignation letter na isinumite nila kay Mr. Romeo Jalosjos Jr.

eat bulaga hosts

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May narinig kaming kuwento tungkol sa Dabarkads na ito, pero medyo maselang pag-usapan at haka-haka pa lamang ito na ipinasa-pasa nang kuwento ng mga marites.

May nasagap pa kaming may ilang dating Dabarkads na natanggal na noon na gustong bumalik at maging bahagi sa bagong line up ng hosts ng Eat Bulaga. Ewan ko lang kung welcome pa sila.

May isa pa ngang naki-marites sa amin na isang dating Dabarkads na tinawagan daw ang isang kapwa Dabarkads na parehong may galit sa ilang taga-Eat Bulaga.

Nag-dialogue daw na tipong, “Ayan! Nakabawi na tayo!”

Hindi naman masisisi ng ilang Dabarkads kung bakit bitter na ang ilang natanggal, pero sana mas nanaig na lang daw sa kanila ang mga magagandang pinagsamahan nila ng ilang taon.

Hindi naman maitatangging may malaki silang utang na loob sa naturang noontime show at sa ilang nakatrabaho nila.

JERRY OLEA

Ayon sa source ng PEP Troika, may ibang Dabarkads na naghihintay pa ring mabayaran sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bayad na rin ba yung mga nag-resign?

Totoo ba na noong araw na nag-resign silang lahat, inalok pa rin ang JoWaPao (Jose, Wally, Paolo) na magpaiwan?

Malaki raw ang offer na monthly sweldo nila!

NOEL FERRER

Aabangan natin ang mga susunod na hakbang na sana towards giving us good quality entertainment na.

Sa likod ng lahat ng drama, ang ie-expect naman ng tao ay ang magandang output na ipapalabas.

Maganda ang naging pahayag ni Annette Gozon-Valdes na beyond their control ang nangyari at nasa TAPE ang bola ngayon.

Siyempre, pabor sa Sparkle na taga sa kanila ang mga kukuning mga talents, pero sana tigilan ng iba ang pagpu-put down ng talents na hindi kasama sa kanila.

Dahil nakakarating ito sa mga taong involved lalo na’t wala namang kinalaman sa kanila at all.

Basta sana sa huli’t huli, audience ang mananalo dahil maayos at maganda ang maipapalabas.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang diumano sa lineup ng bagong hosts ng Eat Bulaga ang mga natanggal noon na hosts ng show at isang hindi kasamang nagsumite ng resignation letter sa TAPE, Inc. nung May 31, 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results