PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelvin Miranda at Kate Valdez, magkatuluyan kaya?

Kelvin, thankful sa tuluy-tuloy na projects ng tandem nila ni Kate Valdez
by PEP Troika
Published Jun 4, 2023
Kelvin Miranda
Posible kayang magkatuluyan ang tandem nina Kelvin Miranda at Kate Valdez na binansagang KateVinship ng kanilang loyal fans? Ani Kelvin, “Nasimulan ng magandang relationship, e. Hindi naman po lahat nauuwi sa romantic. Puwede naman pong matalik na magkaibigan. Pero kung mangyari man yun, why not?”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nagsimula nang mag-streaming sa Netflix ang pelikulang Missed Connections na prinodyus ng Anima at UxS, Inc. Production para sa naturang streaming platform.

Tampok sa pelikulang ito sina Miles Ocampo, Kelvin Miranda, JC Santos at Chie Filomeno, sa direksyon ni Jelise Chung.

Sa nakaraang mediacon ni Kelvin ay tinanong pa siya kung noong sinu-shoot nila itong Missed Connections ay may nararamdaman na raw ba nun si Miles na nagkaroon ng thyroidism.

Matagal na raw nilang nai-shoot ito, sabi ni Kelvin, at ang payat pa dun ni Miles na sa simula pa lang ng pelikula ay kilig-kiligan na siya sa Kapuso actor.

Thankful si Kelvin sa sunud-sunod na magagandang projects na dumadating sa kanya. Bukod sa Missed Connections, may dalawa pa siyang pelikula na malapit na rin niyang i-promote.

Pero ang isa sa natutuwa siya ay naituluy-tuloy ang tandem nila ni Kate Valdez.

Pagkatapos ng Unica Hija ay magkasama sila uli ni Kate sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Kaya dumarami raw ang supporters ng tandem nila tinawag nilang KateVinship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong single sina Kelvin at Kate, kaya inaasahan ng mga fans na puwede silang magkadebelopan.

Pero posible kayang ma-in love si Kelvin kay Kate kahit may Yasser Mata na pursigido sa panliligaw sa Kapuso actress?

“Depende po e,” pakli ni Kelvin.

“Nasimulan ng magandang relationship, e. Hindi naman po lahat nauuwi sa romantic.

“Puwede naman pong matalik na magkaibigan. Pero kung mangyari man yun, why not?” napapangiti niyang pahayag.

JERRY OLEA

Fifty days na ang Maria Clara at Ibarra sa talaan ng Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix.

Twenty-two consecutive days itong number one, mula Abril 16 hanggang Mayo 7.

Afterwards ay three consecutive days itong pumangalawa, and then four consecutive days na namang nanguna ang Kapuso series nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, Julie Anne San Jose at David Licauco.

Parang see-saw, kasunod niyon ay isang araw uli itong number 2 position, noong Mayo 15.

Tapos ay bumaba na naman sa number 3 for the next two days, umangat sa number 2 for one day, and for its last hurrah bilang number 1 noong Mayo 19.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

After that ay pababa na ang Maria Clara, pero nanatili sa Top 10.

Samantala, ang seryeng Suntok Sa Buwan nina Aga Muhlach at Elijah Canlas ay nag-peak sa pang-anim na puwesto. Ligwak na ito today sa Top 10.

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix — The Good Bad Mother, Doctor Cha, Fake Profile, The Days, Maria Clara at Ibarra, FUBAR, XO Kitty, Agency, Manifest, at Dr. Romantic.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix — Safe House, Missed Connections, Tin & Tina, Blood & Gold, Heat, Whitney Houston: I Wanna Dance With Somebody, A Beautiful Life, The Mother, F9: The Fast Saga, at Reroute.

Dalawa sa mga pelikulang yan ang gawang Pinoy, ang Missed Connections at ang Vivamax movie na Reroute starring John Arcilla, Cindy Miranda, Sid Lucero and Nathalie Hart.

Nag-peak sa number 2 ang Reroute. Yung Ang Larawan nina Joanna Ampil, Rachel Alejandro at Paulo Avelino ay hindi pumasok sa Top 10 Movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Kumusta na kaya ang streaming platform ngayon? Does it have the power to determine the bankability of stars na napi-feature dito?

Will Kelvin, Miles, JC and Chie jive with the audience o magiging katulad ito ng title na missed connection?

We shall find out!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Posible kayang magkatuluyan ang tandem nina Kelvin Miranda at Kate Valdez na binansagang KateVinship ng kanilang loyal fans? Ani Kelvin, “Nasimulan ng magandang relationship, e. Hindi naman po lahat nauuwi sa romantic. Puwede naman pong matalik na magkaibigan. Pero kung mangyari man yun, why not?”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results