GORGY RULA:
Ang magkasintahang Aljur Abrenica, 33, at AJ Raval, 22, ang ilan sa mga special guests na dumalo sa grand opening ng bagong branch ng Idara Aesthetics and Café sa may North Tower ng SM North EDSA.
Ginanap ang opening nung Linggo, June 4, 2023 kung saan, bago sila pumunta sa SM North, pumunta pa sila sa opening ng isa pa nilang branch sa SM MOA.
Halatang umiwas magpa-interview ang dalawa. Hindi sila humarap sa ilang miyembro ng entertainment press pagdating nila.
Dire-deretso lang sila sa bandang looban ng clinic na hindi na namin mapasok. Pero hindi na sila nakaiwas sa ribbon-cutting dahil nakakasama na namin sila roon.
Maayos naman silang bumati, lalo na si Aljur na magiliw na nakipagtsikahan sa amin. Okay lang daw silang interbyuhin huwag lang mga personal na tanong.
READ: Aljur Abrenica wants to meet Kylie Padilla's boyfriend; reacts to Kylie defending AJ Raval
Tinanong ko si AJ kung totoo iyung sinabi ng ama niyang si Jeric Raval na ayaw na raw nitong magpa-sexy.
"Secret," lang ang nakangiti niyang sagot sa akin.
Binati namin na parang lalo siyang gumanda. Mukhang masaya sila sa kanilang relasyon.
“Hindi! Hindi kami masaya! Yun na lang sulat niyo,” tila pabirong sagot ni AJ sa amin.
Sinundan sila ng tanong ni Rey Pumaloy na parang maganda ang suportahan nilang dalawa.
“Hindi. Hindi namin sinusuportahan yung isa’t isa. Naghihilahan nga kami pababa, e,” sagot uli ni AJ.
Sabi naman ni Aljur, nandun lang daw sila ni AJ para sumuporta sa kaibigan nilang mag-asawang Philip at Lui Lipnica na may-ari ng skincare clinic.
Aniya, “Ayoko munang magsalita ng anything personal. Kasi baka ma-front page na naman to, e. We’re here for our friends…
"Kaibigan namin yung may-ari, kinuha kami para sumuporta dito sa [skincare clinic].
"Kasi may mga several businesses sila yung family nila and we met them through Ben, and may mga resorts sila, pinupuntahan namin yun.
"We’re very happy sa success nitong opening ng Aesthetics nila. Kanina, sa MOA, ngayon dito naman sa SM North. Iyun yung reason kung bakit kami nandito.
"For now, hindi naman siya magandang pag-usapan.”
Sabi na lang sa amin ni Ms. Lui Lipnica, inaayos daw nilang kunin si Aljur na endorser ng kanilang clinic na ang main branch nito ay nasa Timog Ave., Quezon City at may branch pa sa Robinson’s Galleria, Ayala Felize sa Marcos Highway at magkakaroon na rin daw sa Cloverleaf.

NOEL FERRER:
Kaagad na umalis na sina Aljur at AJ.
Tumigil naman ang aktor nang matanong kung open ba siyang magtrabaho uli sa GMA-7 sakaling magkaroon ng collaboration ang GMA-7 sa ABS-CBN o sa ibang network na maaring isama siya sa isang project.
"Oo. I would be happy. Kung interesado sila, sana…" matipid niyang sagot.
Iyan ang operative word — KUNG.
Sabay niyaya siya ulit ni AJ na pumasok na sa loob ng clinic.
JERRY OLEA:
Nawa’y lalong tumibay ang samahan nina Aljur at AJ, at maging magkatuwang sila sa mga haharapin pang pagsubok.
Kung gusto nilang “secret” ang kanilang personal na buhay, ipaubaya na natin iyon sa kanila.
Kung anu’t ano man, ang mga pa-secret nila ay huwag sanang pulutin sa kangKUNGan!
MORE HOT STORIES ON PEP.PH
- Paolo Contis, nag-react sa komentong “parang mall show lang” ang bagong bihis na Eat Bulaga!
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
- Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar are the new 'Eat Bulaga!' hosts
- Former No. 1 tennis player engaged to random fan who asked for a selfie
