PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Spider-Man: Across the Spider-Verse' box-office gross

Isyu ng 'Eat Bulaga!' makatulong kaya sa bagong pelikula ni Paolo Contis?
by PEP Troika
Published Jun 6, 2023
spider-man across the universe
'Spider-Man: Across The Spider-Verse' tops the box-office race in North America with $120.7M; Paolo Contis and Joross Gamboa's 'Ang Pangarap Kong Oskars' opens in local cimenas on June 28.

JERRY OLEA

Nagsapot sa takilya ng North America last weekend (Hunyo 2-4, 2023) ang bagong bukas na Spider-Man: Across the Spider-Verse.

$120.7M ang opening weekend gross sa U.S. at Canada ng nasabing animated film.

On its second week ay pumangalawa ang The Little Mermaid with $41.4M, at pangatlo ang bagong bukas na The Boogeyman with 12.4.

WORLDWIDE, pasok agad sa Top 10 for this year ang Spider-Man: Across the Spider-Verse.

spider-man beyond the spider-verse

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Spider-Man: Beyond The Spider-Verse

Ang pinakamalalakas na pelikula so far ngayong 2023 WORLDWIDE ay The Super Mario Bros. Movie ($1.3B), Guardians of the Galaxy Vol. 3 ($782M), Fast X ($605M), Ant-Man and The Wasp: Quantumania ($476M), at John Wick: Chapter 4 ($432M).

Sumunod ang The Little Mermaid ($328M), Creed III ($274M), Spider-Man: Across the Spider-Verse ($209M), Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves ($208M), at Scream VI ($169M).

Kasabay ng Spider-Man: Across the Spider-Verse na nag-open last Wednesday sa local cinemas ang Siglo ng Kalinga, The Boogey-Man, The Wandering Earth 2, at Blood Power.

Magpapayanig na bukas, Miyerkules, Hunyo 7, sa mga sinehan ng bayang magiliw ang Transformers: Rise of the Beasts.

Makikipagsalpukan dito ang South Korean film na The Round-up: No Way Out, na tinatampukan nina Don Lee aka Ma Dong-seok, Lee Jun-hyuk, at Munetaka Aoki.

GORGY RULA

Ang isa sa inaabangang local film na ipalalabas sa mga sinehan ay ang Ang Pangarap Kong Oskars na magsu-showing sa June 28.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ang pangarap kong oskars

Matinding Hollywood film din ang makakatapat nito, kaya nagsisimula nang mag-promote sina Paolo Contis at Joross Gamboa na bida sa pelikulang ito ng Mavx Productions.

Makakatulong kaya ang ingay ng Eat Bulaga! na hinu-host ngayon ni Paolo para ma-promote itong pelikula?

Noong nakatsikahan ko ang direktor nitong si Jules Katanyag, tuwang-tuwa siya sa pelikulang ito dahil bumagay raw kina Paolo at Joross na may inputs din sa pelikula para lalo pang mapaganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aliw pa ang pagpu-promote nila na parang panlaban sa Oscars o Academy Awards ang dating ng pelikula. Baka magustuhan naman ng mga manonood ang kakaibang tipo ng pagpapatawa nila sa pelikulang ito.

NOEL FERRER

Habang may ganyang payanig na effort ang mga foreign films, susuportahan natin ang efforts ng local production like Mavx Productions with Ang Pangarap Kong Oskars.

But wait there’s more, just like making it an event, nandito sa bansa si Chris Hemsworth para i-promote ang bago niyang Netflix offering na Extraction 2 na dinaluhan ng local press and stars like Derek Ramsay, Alden Richards, and Maja Salvador.

Ibig sabihin nito, grabe rin kaagresibo ang mga streaming platforms ngayon sa pagpo-promote! Ano kaya ang kakagatin ng mga tao? Abangers tayo!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
'Spider-Man: Across The Spider-Verse' tops the box-office race in North America with $120.7M; Paolo Contis and Joross Gamboa's 'Ang Pangarap Kong Oskars' opens in local cimenas on June 28.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results