JERRY OLEA
Itinanggi ni Ana Jalandoni ang chika ng mga marites na kesyo nagkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Kit Thompson.
“Wala pong reveal na nagbalikan. Walang ganun!” bulalas ni Ana sa mediacon ng pelikulang The Revelation nitong Hunyo 10, Sabado ng hapon sa Rafael’s bar, Newport World Resorts, Pasay City.
“Wala pong balikan na naganap. Wala po.”
Tapos na talaga ang lahat sa kanila ni Kit?
“Tapos na tapos na po yan! As in tuldok na yan!” pagdidiin ng sexy actress.
Meron pa ba silang communication?
“Wala!” mabilis na tugon ni Ana.
Para sa ikatatahimik ng kapwa ng kanilang isipan, friends daw sila ngayon. Ibig bang sabihin, iniurong na niya ang reklamo laban kay Kit?
“Hindi! Tuloy siya! Oo, tuloy siya, continue siya! Bale kasi alam ko, nag-file siya ng ano, e… tapos, binigyan siya ng judge ng… anong tawag dun?” saad ni Ana.
“Probation. So, na-accept ng judge… kaya I think naman binigyan siya ng pagkakataon.”
Co-stars ni Ana sa The Revelation sina Aljur Abrenica, Vin Abrenica at Jelai Andres, sa direksyon ni Ray An Dulay. Ipapalabas ang pelikula sa mga sinehan sa Hunyo 21.
NOEL FERRER
Blooming si Ana sa mediacon ng The Revelation. Samantalang sa storycon nito noong Mayo 11 last year ay lungkut-lungkutan siya.
Napapangiting sabi ng sexy actress, “Siguro nga. Siguro nga dahil ano… wala. Pray-pray lang three times a day…
“Ano bang blooming? Ano lang, ahhh… siguro dahil… ayun! Meron akong bagong hobbies. Nagmo-motor ako ngayon.
“So kung wala akong trabaho, either mag-out of town ako, mag-out of country, nagmo-motor ako.”
GORGY RULA
Siniguro ni Ana na ipapalabas na this year ang launching movie niyang Manipula, kung saan si Aljur din ang leading man.
Si Ana mismo ang nagprodyus ng Manipula, at nasa cast din nito sina Kiko Matos, Christian Vazquez, Marco Alcaraz, Mark Manicad, Rosanna Roces at Alan Paule, sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan.
May isa pang prinodyus ng movie si Ana, yung The Morning After na idinirek ni Xian Lim. Malabong ipalabas yun ngayong 2023.
If ever magpo-produce uli siya ng movie, willing ba siyang kuning artista ang ex-boyfriend niya?
Natigilan muna si Ana bago sumagot, “Oo naman. Oo naman, siyempre naman. Maybe in the future, di ba? Or…
“Yeah, puwede. Depende sa istorya, oo. Magaling na aktor si Kit. Ako, hanga ako sa kanya.”
