PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV personality nambubulyaw sa convenience store

Ang tindi raw ng attitude problem!
by PEP Troika
Published Jun 11, 2023
Blind item about newbie actor with video scandal
ILLUSTRATION: Igi Talao

GORGY RULA:

Walang katapusan ang hanash nitong si TV personality sa totoo lang! Lagi tayong may naririnig na reklamo sa kanya. Siya naman kasi ay wala rin katapusan ang reklamo sa buhay.

Pati ang convenience store na lagi niyang binibilhan ay may hanash siya! Tuwing bumibili raw ito sa convenience store malapit sa tinitirhan niyang condo, wala raw ito sa mood.

Ang pinagdidiskitahan daw ay ang mga binibili niya sa tindahang iyun. “Napakamahal ng presyo ng tinda nyo!” tili raw ni TV personality sa staff ng convenience store.

Binubulyawan daw ang mga pobreng staff na nagtatrabaho lang naman doon. Ilang beses na raw nakakatikim ng talak ang staff kapag nagbabayad na sa items na binibili niya.

Parang gusto raw mag-dialogue ng ilang staff doon ng: “Bakit ako? Bakit parang ako ang may mali?”

Kaya pagkaalis daw nitong si TV personality, katakut-takot na lait ang inaabot nito. Gusto raw pala niya ng mura, bakit hindi siya pumunta ng palengke o ng talipapa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, iba ang presyo kapag sa convenience store mo na bilhin. Kaya kahit natutuwa sila minsan sa mga patawa nitong si TV personality, nananaig pa rin ang irita nila sa kanya.

NOEL FERRER:

Ito rin daw ba si TV personality na kinaiiritahan ng production staff ng show niya? Hindi raw nakikinig sa instructions dahil mas aligaga pa raw nito ang pagti-TikTok.

Kaya minsan nawawala kapag nagba-banter sila ng kanyang co-host. Minsan nga, tinatalakan daw ito ng co-host at sinasabihang siya dapat ang gumagawa ng isang segment. Kaso, hindi nito alam, kasi hindi nakikinig sa instructions.

Attitude pa rin talaga itong si TV personality. Natatakpan lang daw minsan ang mga pagkukulang ni TV personality dahil ma-PR ang manager nito. Sobra ba talaga ang pinagdaraanan ng TV personality kaya nagkakaganyan siya?

JERRY OLEA:

Teka! Teka! Teka! May mga eme si TV personality sa socmed na pa-inspirational. Mga aral sa buhay na kikolatik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kati-TikTok niya, baka mawalan siya ng regular work. At sa mga super-negatron niyang kuda at hanash, baka ma-Carmina Buraot siya. Trulala la la!

More blind items on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results