PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Co-star Complaint on 'Magandang Dilag' Taping

Talent manager ni Herlene Budol, panay umano tanggap ng raket.
by PEP Troika
Published Jun 13, 2023
herlene budol magandang dilag
Cause of delay nga ba ang mga raket ni Herlene Budol kaya nagrereklamo na ang kanyang co-stars pati ang production staff ng upcoming Kapuso afternoon drama series na 'Magandang Dilag'?
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

GORGY RULA

Matagal-tagal na rin naming naririnig ang reklamo ng ilang co-stars ni Herlene Budol sa Magandang Dilag dahil hindi umano nasusunod ang regular schedule ng taping at napa-pack up.

Ang ilan daw sa dahilan ng pagka-pack up ay ang mga natatanggap na raket ni Herlene.

Ayon sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, panay raw ang tanggap ng mga raket ng manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino.

Co-managed si Herlene sa Sparke ng GMA Artist Center, pero wala umano silang magawa sa mga tinatanggap na raket ni Wilbert — mga personal appearance out of town, mga Santacruzan, ribbon-cutting, at kung anik-anik.

Minsan daw, pagdating sa taping ng Magandang Dilag ay naiiyak na lang si Herlene sa sobrang pagod. Hindi naman daw siya makaangal sa mga raket na natatanggap ni Wilbert.

Dahil dito, nagkukumahog na raw ang mga taga-Magandang Dilag na matapos na ang taping ng buong season ng bagong drama series na ito para magawa na ni Herlene ang ibang raket, at mapaghandaan na nito ang pagsali niya sa Miss Grand Philippines 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Herlene Budol pinupuntiryang makuha ang Miss Grand Philippines crown

Gusto na rin daw ng production staff na makapag-move on sa mga susunod na project na gagawin, at ganun na rin sa co-stars ni Herlene.

Sinubukan naming i-text si Wilbert Tolentino para sagutin ang kuwentong nasagap namin, pero hindi pa siya sumasagot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Nawa’y maging masigasig si Herlene Budol, aka Hipon Girl, sa promo ng unang TV show na bida siya. Wala na sanang mga aberya.

Nawa’y maging maganda ang ratings ng Magandang Dilag, para worth it ang pag-a-adjust ng staff at co-stars kay Herlene.

“Naghangad ng kagitna, sansalop ang nawala,” kasabihan ng matatanda.

Nawa’y i-prioritize ng team ni Herlene ang dapat nilang pahalagahan bago mahuli ang lahat.

NOEL FERRER

Nagsalita na ang mga institusyon sa ating industriya.

Kailangang igalang at sundin ang magandang payo ng mga nakatatanda, Herlene. Dahil kung hindi, nasa huli ang pagsisisi.

Sana talaga ay may napakagandang magaganap sa kabila ng paghihirap ng lahat ng nga nasa produksiyon ng palabas na Magandang Dilag. Sana talaga!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cause of delay nga ba ang mga raket ni Herlene Budol kaya nagrereklamo na ang kanyang co-stars pati ang production staff ng upcoming Kapuso afternoon drama series na 'Magandang Dilag'?
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results