JERRY OLEA
Hindi nag-alangan si Gladys Reyes na suportahan ang baguhang si Jhassy Busran sa launching movie nitong Unspoken Letters.
Read: Newbies Jhassy Busran, John Heindrick Sitjar talk about goals to make it big in showbiz
Special child ang karakter ni Jhassy sa movie, na nagtatampok din kina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Matet de Leon, Simon Ibarra, Orlando Sol, Daria Ramirez, at Deborah Sun.
Hopefully, mag-qualify sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 ang pelikula.
Take note na nagwagi si Gladys na best actress sa 1st Summer MMFF noong Abril para sa pelikulang Apag.
Read: Gladys Reyes beats two Padillas for best actress in 2023 Summer MMFF Gabi ng Parangal
“Maganda rin po na aba, e, kung papalarin na makapasok, another Metro Manila filmfest movie,” lahad ni Gladys sa storycon ng Unspoken Letters nitong Hunyo 13, Martes, sa Limbaga 77 cafe & restaurant, Brgy. Laging Handa, Quezon City.
“So, salamat sa Panginoon, di ba? And sa akin naman, pinagpe-pray namin every project, e, alam mo yun?
“Siyempre lahat naman yata tayo, no, ipinapanalangin natin na sana, magandang proyekto. Na talagang mama-maximize kung anong talento meron tayo, di ba?
“At gusto nating i-share yun siyempre. Lahat tayo, nag-i-age na, no. Hangga’t maaari, gusto natin, mai-showcase ano man yung meron tayo na talento.
“At katulad nga nito, hindi lang bilang isang artista… sabi ko nga, I’m willing to help also Jhassy and even Direk to suggest some of the… like mannerisms ng isang taong may autismo, di ba?
“Dahil every day kasama ko yung kapatid ko for how many years, for how many decades, di ba? Kasama ko siya sa bahay.
“So the way he talks, the way he behaves. Yung tantrums, kailan uma-appear, puwede kong i-suggest sa kanila. ‘Medyo ganito po.’
“Although yung mga taong may autismo, hindi rin sila pare-pareho, ano? Like, ang kapatid ko, lalaki yung kapatid ko, e.
“So, like, kailangan, routine, di ba? Pag naiba yung routine — may nabasa ako sa script na ahhh para sample lang po ito, ayaw natin na i-preempt…
“Halimbawa, nag-iba ng upuan, di ba, hindi siya nakaupo dun. Talagang ano, ipagpipilitan niya. Kasi sanay siya, dun siya umuupo, e.
“Totoo yun! May mga ganoong pangyayari… I think, malaking tulong din ho, baka puwede ho tayong makipag-coordinate with Autism Society Philippines.
“Because they know better, di ba? At para matulungan din nila kami.”
Sa puntong ito ng kanyang movie career, inaasam ni Gladys na ang mga pelikulang gagawin niya ay pawang makabuluhan at maipagmamalaki ng kanyang mga anak.
“Kung yung Apag noon, ang inspirasyon ko, ang tatay ko… I think for this movie, iyong kapatid kong bunso,” dagdag ni Gladys.
“Para sa kanya ang movie. Kaya nakakatuwa lang, lagi tayong may inspirasyon sa bawa’t pelikulang ginagawa natin.”
NOEL FERRER
Nagtaas ba ng talent fee si Gladys matapos tanghalin siyang best actress sa 1st Summer MMFF?
“Hindi naman!” natatawang tugon ni Gladys.
“Sakto lang! Pag bet mo kasi talaga yung project, di ba? Parang hindi iyong TF ang mas priority mo, kasi gusto mo, e.
“Sabi ko nga, wala, e. Nung binanggit nila na person with autism, naano na ako, e. Nalusaw na ako.
“Kasi, may konek na naman sa buhay ko, di ba? Kaya siguro po, hindi mas iyon ang priority, di ba?
“Pero I’m very thankful na siyempre, kahit papaano, may mga request tayo, di ba? Na naibibigay naman kumbaga.
“Nakakatuwa. Salamat po! Very thankful and grateful po!”
GORGY RULA
Gusto naman ni Gladys na tumaas ang talent fee siyempre, pero mas kinu-consider niya kung maganda ang project. Malapit sa kanya ang kuwento ng Unspoken Letters dahil nga sa kapatid niyang special child.
Sa totoo lang, after niyang manalo sa 1st Summer MMFF, may ilan siyang guestings na honorarium lang. Hindi niya matanggihan ang The IdeaFirst Company na mag-guest sa isang pelikula. Hindi pinag-usapan ang talent fee.
Ang importante, gusto niya ang ginagawa niya, at kailangan niyang makisama.
Base sa pagkalahad ng kuwento ng writer at direktor na si Gat Alaman, parang napakalaking pelikulang itong Unspoken Letters. Malaking bagay yung partisipasyon ng mga beteranong artista kagaya ni Gladys Reyes, kasama pa sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, at Daria Ramirez.
All out ang suporta ni Gladys sa proyektong ito at willing daw siyang tumulong para sa pelikulang ito. Suporta na rin niya ito sa mga baguhang producer kagaya nitong Utmost Creatives.
