PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Noontime show nina Tito, Vic & Joey sa TV5, 'This Is Eat!' ang title?

'Eat Bulaga!' trademark, nasa TAPE pa rin?
by PEP Troika
Published Jun 15, 2023
Tito Sotto on Eat Bulaga war
"Still contemplating" ang sagot ni Tito Sotto nang tanungin ng PEP Troika kung totoong 'This Is Eat!' ang title ng noontime show nila nina Vic Sotto at Joey de Leon sa TV5.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

GORGY RULA

Ayaw pang kumpirmahin ng ilang sources ng PEP Troika kung totoo bang This Is Eat! ang magiging title ng noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TV5.

Marami pa raw pinagpipilian kaya hindi pa nila masabing ito na ang gagamiting title.

Tinext din ng PEP Troika si former Senator Tito Sotto — “still contemplating” ang kanyang sagot.

Ibig bang sabihin nito ay nasa TAPE, Inc. na talaga ang pag-aari ng trademark ng Eat Bulaga!?

Tinanong uli namin si Tito Sen kung sa July 1 na ba sila magsisimula sa TV5. Ang dinig kasi namin, magkakaroon ng presscon sa susunod na linggo.

Ayon kay Tito Sen, kung hindi sa July 1, Sabado, ay maaaring sa July 3, Lunes, magsisimula ang noontime show nila sa TV5.

May ilan pa kaming narinig na magagandang balitang posibleng ihahatid ng TVJ, at iyan ang ilan sa aabangan natin sa kanilang pagbabalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: TVJ at Dabarkads, nag-pictorial na para sa noontime show nila sa TV5

JERRY OLEA

Maaring dito sa bago nilang noontime show sa TV5 ay mapapanood natin ang mga sikat nilang games at segments kagaya ng "Pinoy Henyo" at "Bawal Judgmental."

Itong "Pinoy Henyo" ang isa sa inabangan namin sa revamped Eat Bulaga! sa GMA-7, pero hindi nila malaro dahil naka-copyright pala ito kay Jeny Ferre na sumama sa grupo ng TVJ.

Ano kaya ang magiging aksyon ng taga-TAPE, Inc dito? At ano na ang mangyayari sa It’s Showtime?

Para sa local noontime shows, these are interesting times.

NOEL FERRER

Ang gandang pag-aralan at pagtuunan ng pansin ngayon ang issue ng copyright. Buti at napa-copyright ni Jeny ang sikat na segment na hanggang ngayon ay nilalaro sa parties.

Parang ganito rin ang naging issue sa dance steps ng "Tala" ni Sarah Geronimo na pinagtatalunan kung kanino — kay Teacher Georcelle ba o sa producer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: G-Force's Teacher Georcelle breaks silence on alleged rift with Sarah Geronimo

Tuloy, mahalagang may consciousness tayo sa mga pag-aari natin. Sa panahon ng credit-grabbing at intellectual dishonesty, matuto tayong mag-stick sa totoo at may pagpapahalaga sa creators.

Anupaman ang kaakibat na mga isyu, doon ako sa bagong show ng mga tunay na Dabarkads.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Still contemplating" ang sagot ni Tito Sotto nang tanungin ng PEP Troika kung totoong 'This Is Eat!' ang title ng noontime show nila nina Vic Sotto at Joey de Leon sa TV5.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results