GORGY RULA
Absent si Paolo Contis sa Eat Bulaga! ngayong Biyernes, June 16, 2023.
Nagpahinga muna siya dahil ilang araw na siyang may sipon, may sore throat, malat pa rin ang boses.
Kahapon, June 15, ay nilalagnat na siya. Negative naman siya sa COVID-19 tuwing nagsa-swab test sila.
Maaaring sa sobrang stress at pagod sa mga ginawa niya sa kanilang noontime show kaya bumigay ang katawan niya.
Read: Paolo Contis umapelang huwag isama sa bashing ang Eat Bulaga! staff, crew na hindi nag-resign
Natatawa na lang si Paolo kapag sinasabi naming baka nagkasakit siya dahil sa matinding bashing na ibinabato sa kanya.
Kailangan lang daw muna talaga niyang ipahinga kaya nagpahinga na muna siya. Hindi rin siya nanood ng TV, hindi nagbukas ng social media para hindi na magdagdag-stress sa kanya.
Pero kailangan daw niyang pumasok bukas, June 17.
Tinanong ko kung ano ang gagawin niya dahil in-announce ng mga co-host niya sa Eat Bulaga! na isi-celebrate nila ang Father’s Day.
Kinarir ni Isko Moreno ang rehearsal sa production number niya kasama ang kanyang mga anak. Si Paolo kaya, may hanash pagdating sa pagiging ama?
Read: Isko Moreno reveals sending message to TVJ before joining 'Eat Bulaga!'
“Jusko! Maba-bash na naman ako bukas hahaha!” sagot niya sa PEP Troika.
“Honestly, hindi ko alam kung ano gagawin tomorrow. Pero papasok na ako bukas,” dagdag niyang text sa amin.
Hindi pa rin mawala-wala ang isyu pagdating sa kanyang mga anak, na ito ang laging itinitira sa kanya ng bashers.
Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."
Ito rin ang isyu kung saan nagbigay ng opinyon si Cristy Fermin sa kanyang radio program. Nag-react naman ang talent manager na si Lolit Solis para ipagtanggol si Paolo.
Ayaw na ng actor-TV host magbigay ng komento tungkol sa mga sinabi ni Tita Cristy at ang reaction ni Manay Lolit na ipinost nito sa Instagram. Nandiyan pa rin daw ang paggalang niya sa veteran columnist at radio personality. Hindi raw mawawala yun.
“Pero sana, huwag na lang din isali ang mga bata. Kasi, ako lang naman ang nasa showbiz,” sabi ni Paolo.
Nagpasalamat na rin siya sa kanyang Nay Lolit na nagtatanggol sa kanya.
JERRY OLEA
Sobrang focused si Paolo sa ginagawa niya sa Eat Bulaga!. Hindi lang siya host kundi nag-iisip din siya ng games at kung ano pa ang gagawin nila sa kanilang noontime show.
Ngayon pa lang ay pinoproblema na ni Paolo kung ano ang puwede niyang gawin kapag umalis na siya patungong Australia para sa shooting ng pelikula nila nina Patrick Garcia at Kaye Abad.
Read: Tabing Ilog stars Patrick Garcia, Kaye Abad, Paolo Contis reunion project, tuloy na
Pinaghahandaan na rin niya ang taping ng bagong format ng Bubble Gang. Ayaw pa muna niyang mag-comment kung sino ang idadagdag at tatanggalin sa cast ng naturang gag show.
Pero narinig naming may babaguhin nang bonggang-bongga sa Bubble Gang. Nagsusulat din doon minsan si Paolo ng ilang sketches, sa tulong ni Michael V.
Read: Michael V. on bidding farewell to some Bubble Gang stars: “It’s not easy, but it’s inevitable.”
NOEL FERRER
Sana, makahanap si Paolo Contis ng hosting style na hindi masakit sa lalamunan at yung hindi siya magkakasakit.
That will happen if he’s less stressed and more relaxed — at magagawa lang niya iyan kung gamay na gamay na ng produksiyon.
Sana, mahanap na nila ang tamang timpla ng palabas ng kagigiliwan ng mga tao tuwing tanghali.
