GORGY RULA
Halatang naninibago pa ang beauty queen-actress na si Bianca Manalo nang tsinika namin sa nakaraang mediacon ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na Magandang Dilag.
First time niya kasing gumawa ng drama series sa Kapuso network. Natutuwa siyang ikinuwento sa aming medyo takot pa siya nung una dahil kailangan niyang pakisamahan ang kanyang mga nakatrabaho.
Read: From Kapamilya to Kapuso: Bianca Manalo, Jayson Gainza sign with GMA-7s Sparkle
“Actually, iba talaga dito. Iba yung culture. Iba lang… positive,” pakli ni Bianca.
“Iba kasi iniisip ko, yung first three tapings, ang okay, tapos, 'Mababait kaya talaga sila? O baka dahil bago ako.'
"E, natapos na kami mag-taping, mabait pa rin sila. So, mabait pala talaga,” nakangiti niyang pahayag.
Ang isa pang bago kay Bianca ay first time din niyang magkontrabida sa isang serye.
“Medyo mahirap, pero nakakaiyak pag naapi ko si Herlene [Budol]. Ang hirap po pala magkontrabida dahil ang sakit sa puso. Yung nanginginig ka sa galit, mahirap.
"Kaya bilib ako sa mga batikang aktres na mga kontrabida dati, sina Ms, Jean Garcia, si Eula [Valdes]… ang hirap pala.
“Challenge sa akin as an actress. Pero I’m very happy with GMA dahil napagbigyan ako ng ganitong role. Pinagbutihan ko naman po,” sabi pa ni Bianca.
Pero siyempre, ang gusto talaga naming matsika kay Bianca ay tungkol sa kanila ni Senator Sherwin Gatchalian.
Nilinaw sa amin ni Bianca na hindi pa sila engaged. Ang dami na raw nagtatanong sa kanya kung totoong nag-propose na sa kanya si Senator Gatchalian.
Read: Sherwin Gatchalian-Bianca Manalo wedding, wala pang definite date
“Ang daming nagsasabi, basta wait and see. Kasi nag-a-announce na siya, e. Nag-a-announce na ikakasal na kami this year,” pakli ni Bianca.
“E, tingnan natin. Basta ako ngayon, parang umaariba pa rin yung career ko with GMA. Parang gusto ko pa rin dito mag-focus.
"Tingnan natin. What will happen, will happen,” dagdag niyang pahayag.
Hindi pa niya masagot ang tungkol sa wedding plans dahil wala pa ngang proposal. Magpu-promote daw muna siya ng Magandang Dilag na magsisimula na sa June 26 sa Afternoon Prime ng GMA-7.
JERRY OLEA
Magpa-five years na ang relasyon nina Bianca at Senator Gatchalian, at handa na ang dalaga kung yayain na siyang magpakasal ng nobyo.
“Oo naman. Ready na ako, kasi I’m not getting any younger. Thirty-seven na ako this year. So, bakit naman… Lord, sige ibigay mo na Lord, why not?
“Pero siyempre, gusto ko pa rin magpatuloy sa paggawa ng projects,” bulalas ni Bianca.
Kaya lang, kapag mag-asawa na sila, sa tingin daw ni Bianca ay medyo lie low na siya sa pag-aartista.
“Parang sinabihan niya ako na, I can’t be an actress forever. May paganun na siya. So, 'Ha?!' Sabi ko sa kanya, 'Wait lang, ha? Wait lang. Aarangkada pa ako, huwag mo na akong pigilan,'” saad niya.
Pati sa role niya rito sa Magandang Dilag ay kinausap daw siya ni Senator Sherwin dahil kontrabida siya rito at asawa ng isang pulitiko.
“Actually, ito nga kinuwestiyon niya. Kasi asawa ako ng pulitiko dito. Tapos ang bad-bad ng image ko. Sabi niya, ‘Hoy! Baka naman mag-reflect sa atin yan?’
“Sabi ko, 'Hindi! Role is a role, di ba? Script is a script. Huwag kang mag-alala.'
"Hindi naman ako… yung makikita niyo diyan, ang layu-layo sa Bianca in real life,” pahayag ni Bianca.
NOEL FERRER
Nakapag-adjust naman daw si Bianca sa buhay-pulitika ni Senator Gatchalian. Madalas siyang nakakasama sa mga events ng senador.
“Yeah. Kasi isinasama naman niya ako sa lahat na mga events niya, e. So, I have to act accordingly.
“Mahirap din pala maging political wife, ay! Hindi pa pala ko wife! Political partner!”
Kahit si Senator Gatchalian ay adjusted na rin daw sa kanyang buhay sa showbiz.
“Nasanay na rin, kasi siyempre, yung iba naman natin na senador, puro showbiz, e. Marunong naman siyang mag-adjust.”
So to survive in showbiz and in politics, adjusting is the name of the game ba talaga?
