PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis & Joross Gamboa Promote Oskars

'The Flash,' iniwanan ang 'Elemental' sa takilya.
by PEP Troika
Published Jun 21, 2023
paolo contis joross gamboa ang pangarap kong oskars
Paolo Contis (left) and Joross Gamboa star in the comedy film 'Ang Pangarap kong Oskars.'

JERRY OLEA

Kinabog ng The Flash ang Elemental!

Sabay na nag-open ang dalawang Hollywood film, at wagi ang The Flash domestically and globally.

$55M ang opening weekend gross ng The Flash nitong Hunyo 16-18 sa North America, at nanguna ito.

Pumangalawa ang bagong bukas na computer-animated rom-com drama na Elemental with $29.6M.

Considering na $200M ang production budget ng Elemental, masasabi nating natural flop ang nasabing pelikula na ang subtitle ay Forces of Nature. Elementary!
elemental

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang production budget naman ng The Flash ay $139M. Worldwide, naka-$136M na ang The Flash, samantalang ang Elemental ay naka-$51M.

Ang The Flash ang 13th installment sa DC Extended Universe. Mahina ang opening gross nito sa North America man o international market, kumpara sa karamihan ng pelikula ng Marvel Cinematic Universe.

the flash

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

So far, ang Top 15 sa WORLDWIDE box office: The Super Mario Bros. Movie ($1.3B), Guardians of the Galaxy Vol. 3 ($822M), Fast X ($679M), Spider-Man: Across The Spider-Verse ($495M), Ant-Man And The Wasp: Quantumania ($476M); The Little Mermaid ($467M), John Wick: Chapter 4 ($428M), Transformers: Rise Of The Beasts ($279M), Creed III ($275M), Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves ($208M), Scream VI ($169M), Evil Dead Rise ($146M), The Flash ($136M), Shazam! Fury Of The Gods ($134M), Pathaan ($129M).

Kasabay ng The Flash at Elemental na nag-open sa local cinemas noong Hunyo 14, Miyerkules, ang Australian psychological horror film na Run Rabbit Run.

Noong Hunyo 16, Biyernes, ipinalabas sa SM Manila ang limang official entries ng The Manila Film Festival 2023 — CTRL-F-ESC, The Adventures of Kween Jhonabelle, Thanks For The Broken Heart, The Uncanny, at Unspoken.

Ngayong Hunyo 21, Miyerkules, ay palabas na sa mga sinehan ang Tagalog movies na Will You Be My Ex? (Julia Barretto, Diego Loyzaga, Bea Binene) at The Revelation (Aljur Abrenica, Vin Abrenica, Ana Jalandoni, Jelai Andres).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabayan ng mga ito sa opening ang foreign movies na Hypnotic, Lonely Castle in the Mirror, at No Hard Feelings.

Hunyo 22, Huwebes, ang opening day ng Resident Evil: Death Island.

Nakapuwesto sa June 28 playdate ang Indiana Jones and the Dial of Destiny, Ruby Gillman, Teenage Kraken, Student Body, at Ang Pangarap Kong Oskars nina Paolo Contis at Joross Gamboa.

Magpapasiklab sa Hulyo 5 ang Detective Conan: Black Iron Submarine at Insidious: The Red Door.

Magpapayanig sa Hulyo 12 ang Mission: Impossible — Dead Reckoning Part 1.

Magpapaandar sa Hulyo 19 ang Barbie at Oppenheimer.

Magpapakitang-gilas sa Hulyo 26 ang Haunted Mansion, Litrato ni Ai-Ai delas Alas, at The Cheating Game nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.

Magpapasabog sa Agosto 2 ang Meg 2: The Trench.

For sure, may mga pagbabago pa sa line-up ng mga pelikulang ipapalabas sa local cinemas. May updates tuwi-tuwina ang Facebook pages ng SM Cinema, Ayala Malls Conemas, at Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), maging ang website ng Click The City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agosto 4-13 ang 19th Cinemalaya filmfest sa pansamantala nitong tahanan, ang Philippine International Convention Center (PICC). Hanggang 2025 pa kasi ang renovations sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Noong Hunyo 15 naman ang deadline ng submission ng screenplay para sa 49th Metro Manila Film Festival. Twenty-six (26) scripts ang isinumite, kung saan apat lang ang mapipili.

Sa Setyembre 29 pa ang deadline ng MMFF 2023 para sa pagsusumite ng finished films na nag-a-aspire lumahok. Ang head ng Screening Committee ay si Jesse Ejercito na isa sa mga haligi ng local movie industry.

GORGY RULA

Isa sa kaabang-abang na local films natin ay ang panibagong project ng Mavx Productions na Ang Pangarap Kong Oskars na magsu-showing na sa mga sinehan sa June 28.

Todo na sa pagpu-promote nito sina Paolo Contis at Joross Gamboa.

Nagsisimula na si Paolo sa pag-promote sa Eat Bulaga!, at si Joross naman ay nag-guest sa TiktoClock. Masigasig ang dalawang aktor sa pagpo-promote nito dahil naniniwala silang dapat mahainan ang mga manonood ng bagong klase ng comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang writer ay director ng pelikula ay si Jules Katanyag.

ang pangarap kong oskars

Joross Gamboa (left) and Paolo Contis (right) with director Jules Katanyag (center)

Nakasentro ang istorya ng Ang Pangarap Kong Oskars kay Bobby B (karakter ni Paolo Contis) na gustong patunayan na kaya niyang makagawa ng isang pelikulang maaaring maglagay sa Pilipinas sa international movie stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tulong ng kaibigan na si Direk DMZ (Joross Gamboa), gagawa sila ng pelikula kahit kapos sa pondo at suporta ng mga tao sa industriya.

Dahil sa kamalasan at kakapusan sa pelikulang gagawin, nakaisip si Bobby B ng kakaibang paraan para maisakatuparan ang malaking pagsubok na ito.

Itong Ang Pangarap Kong Oskars ay isang pagpupugay sa tiwala, pagkakaibigan, at dedikasyon ng mga tao sa likod ng camera. Ipinapakita rin sa pelikulang ito kung hanggang saan at ano ang kayang isugal at isakripisyo ng isang individual upang matupad at maabot ang kanyang pinakainaasam.

NOEL FERRER

Will You Be My Ex? na kaya o The Revelation ang susunod na Filipino film na kikita sa takilya? O Ang Pangarap Kong Oskars sa napaka-talented na tandem nina Paolo at Joross na sana ay ma-withstand ang mga bashing?

Ang ganda ng poster ni Justin Besaña ng The Cheating Game, tampok sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. Sana, mapantayan ito ng performance ng pelikula kapag pinalabas na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

the cheating game

Patuloy tayong kakapit sa pag-asa na sana’y makaahon na muli ang industriya ng pelikulang Pilipino sa takilya!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis (left) and Joross Gamboa star in the comedy film 'Ang Pangarap kong Oskars.'
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results